CHAPTER 3

18 4 0
                                    

Mae P.O.V

Break time!

Papunta na kami ni Maria at Xia sa Canteen.

Humanap kami ng upuan,medyo nahirapan kami dahil sa mga studyante dito parang diring diri sila saamin,hindi tuloy namin alam saan kami pu-pwesto na malayo sakanila.

Nang makahanap na kami,u-morder na sila Xia at Maria.

Ako lang ang naiwan sa mesa namin.

Napapaisip ako,muka ba kaming pulubi? Bakit ganun sila makatingin samin?

Porque ba mayaman sila,ganto na tingin nila saming mga mahihirap?
Hayy,mga mayayaman nga naman.

Maya maya pa..

"Wahhhh! Nandito na si Ashton!"

"Yiieee ang fresh niya parin!"

"Ampogii!"

"Ashton! Dito kanalang samin!"

Umugong nanaman ang mga sigawan nilang kinikilig.

Sino ba kase yung Ashton na yun?

Biglang humawi ang mga babae,at nakita ko si..

Kuya egg nog?!

Ashton ang pangalan niya?

Maganda naman,pang mayaman nga.

Pero bakit may napapansin ako?

Nakit nakatingin siya sakin?
Bakit ang sama niya tumingin sakin?!
Lagot na ako nito..

Kuya egg nog patawarin niyo po ako.

"Hey!"

"Ay kuya egg nog! Haisstt nakakagulat ka naman eh!" Napabalikwas ako sa pag kakaupo ng biglang dumating si Rica.

"What? Who's kuya egg nog?" Naguguluhang tanong niya at umupo sa harap ko.

"Ahh,wala yun.." ani ko.

Nang biglang dumating si Maria at Xia,tumayo ako at pinakilala sila sa isa't isa.

"Nice to meet you guyz" ani ni rica.

"Sayo din" ani ni Maria at Xia.

Sabay sabay kaming kumain,habang nag ku-kwentuhan.

Kaklase ko si Rica at katabe ng room namin ang room nila Maria at Xia,sa totoo lang dapat kaklase din namin sila kaso hinati kami at nilagay sa katabeng room ang iba,masyadong madami daw kase ang mga matatalino dito kaya pinaghiwalay yung iba.

Maganda din dito,may aircon malaki ang room pero konti lang kami sa room siguro mga 20+ lang.

Tag iisang building ang first hanggang fourth year high school.

Masyadong malaki tong university sobra!

Patuloy lang kami sa kwentuhan ng biglang may maramdaman akong parang rubig na umagos sa likod ko.

Agad naman ako napatayo at tinignan ang likod ko.

Juice!!

Napansin ko na may nakatayo sa likod ko dalawang babae.

Siguro sila yung tumapon ng juice o aksidente lang.

Pero nag tatawanan sila? Ibig sabihin gusto nila yung nangyare?

"Oppss,sorry muka ka kaseng basahan" maarte na sambit ng isang babae,maganda siya sexy mahaba ang buhok,matangkad,mukang mataray nga lang.

Ano ibig sabihin ng sinabe niya? Ibig sabihin sinadya niya? Haiistt naku naman talaga oh.

IM ON YOU<3 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon