CHAPTER 7

19 3 0
                                    

Mae P.O.V

"Ikaw?!" Sabay namin sigaw at duro sa muka ni kuya egg nog!

"You know each other?" Naguguluhang tanong ni Maam Viana sakin.

"Yes maam.." ani ko.

Agad naman siya pumasok sa kwarto ni kuya e-ashton.

Papasok na sana ako ng pigilan ako ni Ashton.

'Abnormal to! Ayaw ako papasukin!'

"Where are you going?" Tanong niya.

"Papasok,bakit masama?" Ani ko.

"Yes,this is my room"

"Ano ngayun?"

"Bawal ka pumasok dito!" Ani niya,haiistt gusto kong matawa kada nag tatagalog to! Ang cute,pilit na pilit..dapat lang subukan niyang englishin ako lagi,tingnan natin kung makakausap niya pa ako.

Sabe na eh,pamilyar sakin yung ford na apelyedo,magulang niya pala to!

Pero infairness ang laki ng mansion huh! Tama si rica siya ang pinaka mayaman sa University.

"Come in" ani ni Maam Viana na nasa loob na ng kwarto niya,nag smirk lang ako at pumasok wala na'ng nagawa si Ashton kundi ang papasukin ako,masyadong seryoso si Maam Viana pero mukang mabait naman.

Pag pasok ko umupo naman ako sa sofa,ang laki ng kwarto niya! Kulay brown nga lang..pero maliwanag dahil sa may chandelier,natigilan ako sa pag lingon ng makita ko si Ashton na masama ang tingin sakin.

Tiningnan ko lang siya na parang nag tatanong.

"Sino nag sabe sayo na pwede kang umupo jan?!" Asik niya.

Hindi nalang ako sumagot at tumingin na ako kay Maam Viana,baka pag sinagot ko anak niya sa harap niya mismo baka mawalan ako ng trabaho.

Kaya ko to! Titiisin ko nalang ang mokong na toh! Para sainyo to Mama at Papa,para may makain kamixsa araw araw at mapaoperahan na si papa sa sakit niya sa puso! Para sainyo to.

Kaya titiisin ko tong demonyong toh!

"Okay,so..mag kakilala na pala kayo? Friends kayo?" Tanong ni Maam Viana.

"Strangers" bulong ni Ashton.

"Interesting" ani ni Maam.

'Anong Interesting dun?'

"Son,she's your new yaya." Baling ni Maam Viana kay Ashton.

'Ano? Siya aalagan at babantayan ko? Pati sa school? Patay ako sa girfriend nito baka lalo ako pag initan pag nakitang magkasama kami'

"What?!" Gulat na tanong ni kuya egg nog.

"Lovely,this is my son,i want you to teach him a lesson,para naman bumait.."baling sakin ni Maam.

'Tss pati dito pala mansion nila masama ugali nito'

"Gusto ko,dito sa mansion turuan mo siya ng mabuting asal,kahit nasa labas ng mansion hanggang sa university niyo,hindi ka pwedeng humiwalay sakaniya,sabay din kayong uuwi dito sa mansion para alam kong ligtas ka ding makakauwi,sabay kayong kumain,mas gusto ko na magkasundo kayo para hindi ka mahirapan kay Ashton." Ani niya.

Eto na nga ba ang sinasabe ko eh.

"Iyon lang,sana pag butihin mo ang trabaho mo dahil ang alam ko ay matagal kana nag hahanap ng trabaho."dag dag pa niya.

IM ON YOU<3 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon