***
Mahal kita todo todo,
Walang humpay, walang preno,
Mabangga man sa kanto,
Ikaw pa rin ang mahal ko.
Sa langit, sa mga tala,
Sa buwan at sa'king mata,
Doon mo makikita,
Ang salitang "Mahal Kita".
"Iniibig Kita"sa Filipino,
Sa Korean nama'y "Sarangheyo",
"I Love You" sa Ingles,
"Aisteru" sa mga Hapones,
"143" sa Mathematics,
Ewan ko lang sa Physics.
Makakita man ng mas nakasasabik,
Sa'yo pa rin ako babalik.
Si Lee Min Ho man ang City Hunter,
Sa F4 man ay di ka member,
Sayo ma'y may mas better,
"I Love You pa rin Forever".
Mahal kita sobra,
Ikaw lang, walang iba,
Kahit magmukha akong tanga,
Biro lang pala, sobra na yata 'yon, diba?
Coke ka sa buhay ko,
Royal ka sa puso ko,
'Pag ako niloko mo,
MAG KAKAPE NA LANG AKO!
***
>>Pasensya na po :")<<
@eliacire16