Chapter 7: Breaker of Air
Third Person's Point of View
Nagsimula ang labanan nang simulang iwasiwas ni Yllana ang espada niya. Ang lalaki naman ay todo ang iwas na para bang nakikisabay lang siya sa hangin. Kahit naiinis, ay sinubukan paring hulihin ni Yllana ang binata.
Si Aeres naman ay hindi mapakali. Hindi niya napansin ang red energy sa kanyang mga kamay. Nagsimula ring umangat ang mga bagay sa paligid niya dahil sa kaba at nerbyos sa napapanood.
Napansin naman iyon ng dalawa. Pero agad ding bumalik sa paglalaban. Inaatake ng wind blade nung lalaki si Yllana pero nawawala lang iyon sa paghawi ng kanyang espada.
Dahil sa asar nang lalaki ay agad siyang gumawa ng paraan. Ipinorma niya ang dalawang kamay at gumaway iyon ng dalawang espada na gawa sa hangin.
Dahil sa mga forces ng mga armas na hawak nila ay nakakalikha iyon ng malalakas na hangin, na siyang sumisira sa mga dahon ng puno at sa mga alikabok at buhanging nadadala sa ere.
"Please tama na!" Sigaw ni Aeres. Pinagmasdan niya ang dalawa at mukhang walang magpapatalo sa kanila. Ang paggalaw ng lalaki ay para ba siyang hangin habang si Yllana ay sinasangga lamang iyon pero nakakakuh ng tyempo para makalaban. Ginagamit din nito ang ability na makapagteleport gamit ang magic disc na ginamit niya kay Aeres para makapunta sa ibang lugar.
Lahat ng iyon ay pinagmamasdan ni Aeres. Nakikita niyang malakas nga ang dalawa lalo na ang kanilang combat style.
Pero hindi niya matiis na baka may mapahamak na isa pa dahil sa kagustuhan nung isa na maturuan siya ng leskyon.
Tinignan niya ang mga palad at napansin niya na naman ang pulang bagay na iyon. Para nang usok iyon na kumakalat.
"Use it..." Bulong ng isang boses ss kanya. Tinignan niya ang dalawa na patuloy pa rin sa kanilang labanan.
"Sige na Aeres. Gamitin mo sa kanila," saad uli ng boses. Dahan-dahan ay itinaas ko ang mga kamay ko at itinapat sa kanila.
Muli sanang aatake yung lalaki papunta kay Yllana, nang bigla silang parehas matigilan. Parehas silang umaangat sa lupa. Ang red energy ay kumalat sa kanila. Napatingin ang dalawa kay Aeres at parehas na nagulat sa nakita.
May pulang ilaw ang mga mata ni Aeres habang unti-unti silang inaangat paitaas.
"F*ck! Aeres you do this again! I-i swear I will kill you!" Ani Yllana na pilit na kumakawala sa enerhiyang iyon..
"Kung hindi mo yan magagawa, ako mismo ang papatay sayo," ani Aeres na para bang wala sa sarili.
Napangisi ang lalaki haabang pinapanood nito ang binata. Lumipat sa kanya ang mga mata ni Aeres at kaagad niya iyong iniwasan. May pakiramdam siyang alam niya na ang tinatagong kapangyarihan nito.
Nabibigatan naman si Aeres sa ginagawa at pakiramdam niyang wala na siyang lakas para gawin iyon. Kaya naman ibinaba niya ang mga kamay bago bumagsak sa lupa ang dalawa.
Tinignan ng masama ni Yllana ang lalaki at si Aeres. "You ruined my day, huh. This isn't over!" Aniya bago mawala gamit ang magic disk. Habol hininga naman si Aeres at pilit na pinapakalma ang dibdib.
"You can manipulate the things...even the me," bulong ng Lalaki. "Suit yourself. Babalik na tayo sa loob ng academy."
"S-sandali—" Hindi na natapos ni Aeres ang sasabihin nang buhatin siya ng lalaki paalis at pabalik sa loon ng academy gamit ang paglipad ng lalaki sa hangin.
BINABASA MO ANG
Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB] (Hiatus)
Fantasy"Hindi lahat ng nangyari mula sa nakalipas o nagawa sa nakalipas ay nakakalimutan ng ating isipan. Minsan, nag iiwan ito ng sugat na mapupunta sa markang magiging palatandaan at magiging tulay para maalala ito muli." Pipilitin ng binatang si Aeres a...