Chapter 8: Kiss
Aeres Point of View
"S-sorry!" Sabi ko sabay atras palayo sa kanya. Takip-takip ko rin ang bibig ko dahil sa hiya at gulat.
Hinawakan naman ni Jovis ang labi niya. "You kissed me huh.."
"S-sorry! Hindi ko s-sinasadya! Akala ko kasi—"
"You thought, I'm sleeping?" Aniya sabay ngisi at tumayo ito habang nakatingin ng nakakaloko sa akin. Dahan-dahan naman akong gumapang paatras.
"H-hindi no! A-ano...a-akala ko kasi nalunod ka! Oo! Yun yon!" Sabi ko pa. "Iyon talaga yon, Jovis. maniwal—"
"You're saving my life? Is that your excuse? Just what on earth do you call that kind of... whatever?" Aniya sabay tawa ng mahina.
Tumayo ako. "C-CPR! Iyon ang tawag sa pinanggalingan ko! Ganoon ang ginagawa kapag may nalunod."
"Fine. If that's what your excuse. But, for the next time...please just say directly if you want to kiss me again, ok? Coz I don't like surprises o—"
Hindi ko na siya pinatapos pa dahil umalis na ako sa harap niya. Tumakbo ako pabalik sa loob ng witseria. Palingon-lingon pa ako para tignan siya pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi siya sumunod.
"Look out!" Sigaw ng kung sino. Titignan ko sana pero huli na dahil nakabangga na ako at naatumba pa sa lupa.
"Ugh..." Daing ko.
"Argh! This...my uniform!' ani ng lalaki. Tinignan ko ito at napansin agad ang lalaking nakasuot ng katulad kong uniform. Nakita ko agad ang magkasalubong nitong may kakapalang kilay. Napansin ko namang pinapagpag nito ang damit na suot pero wala akong napansin na dumi o plantsa roon.
Bigla namang lumapit sa tabi niya ang babaeng may kulay itim at violet na buhok. Mahaba iyon at medyo may kulot sa dulo. Napairap siya ng makita ang lalaki.
"I said look out but you're busy...looking to someone," sabi ng babae. "And don't be so dramatic...wala namang nangyari sa uniform mo."
"What? Can't you see the dirt??! Ugh this is because of you!" Aniya sabay turo sa akin. Napatingin na rin ang ibang westerians sa akin at nagsimulang magbulong-bulungan.
"Deo, just stop being so dramatic and don't pretend na meron kang fear on dirt! Ang alalahanin mo ay ang pagtigil sa pagiging babaero," sabi naman ng babae sabay batok sa lalaki.
Agad akong tumayo. "P-pasensiya na..m-may kailangan lang akong puntahan agad."
"Yeah you should say sorry! Look at my uni—" tinakpan ng babae ang bunganga ng lalaki at pilit naman kumakawala sa kamay nito.
"Blah blah blah! Just go! Idi*t!"
Bigla namang nagkagulo amg lahat nang may pagsabog kaming narinig. Agad akong napatingin sa pinanggalingan nito. Iyon ay nagmula sa room kung nasaan ang mga high rankers o omega level westerians. Kung saan belong si Avin.
Napalunok ako ng laway.
"What the hell is that!" Saad nung Deo. "Dianne, call Keirra!"
"What? A-ako?! No! Ikaw ang tumawag! Akong—" natahimik sila mula sa pagtakbo ng mga high rankers palabas ng silid na iyon. Dahil mula sa loob ay biglang may lumipad papalabas at paitaas na isang hindi ko alam kung anong nilalang. Nababalutan siya ng apoy sa katawan at may malaking pakpak. Malaki rin ang katawan nito.
BINABASA MO ANG
Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB] (Hiatus)
Fantastik"Hindi lahat ng nangyari mula sa nakalipas o nagawa sa nakalipas ay nakakalimutan ng ating isipan. Minsan, nag iiwan ito ng sugat na mapupunta sa markang magiging palatandaan at magiging tulay para maalala ito muli." Pipilitin ng binatang si Aeres a...