Chapter 9: First Mission
Third Person's Point of View
Lumipas ang isang araw at naging maayos ang Wisteria. Nagbalik sa dati ang lahat ng estudyante matapos na masaayos ang mga naging sira at problema sa loob ng eskwelahan. Kasalukuyang nakatambay sina Aeres, Lushan at Sol.
Tinatapos nila ang mga assignments matapos ang kanilang klase sa araw na iyon sa Library ng eskwelahan. Dapit hapon na rin at halos pakonti-konti na lang ang mga Westerians sa loob.
Nakahalumbaba si Lushan na nakatingin sa kisame. Habang walang lakas na iniisip kung paano niya sasagutan ang dapat niyang sagutan sa kanyang papel.
"Hindi masasagot ng kisame yang tanong dyan sa papel mo," ani Sol sa kaibigan habang ito naman ay abala sa pagsagot na nagmumula sa isang libro.
"Gusto ko na lang matulog talaga. I'm not ok yesterday. Kinakabahan pa rin ako na baka bumalik ang mga Wyerns," sabi naman ni Lushan. Mahahalata sa boses nito ang kaba at sincerity sa bawat salita.
Napatigil sandali si Aeres sa narinig. Kahit siya, iniisip niya iyon. Kung paano nga ba sila nawala at kung bakit sila sumugod dito ng walang dahilan.
"May dahilan. Feeling ko may dahilan talaga kung bakit sila sumugod," bulong ni Aeres sa sarili.
"Anong dahilan yang sinasabi mo?" Tanong naman ni Sol. Napatingin si Aeres sa kanya at nagtataka kung paano niya narinig iyon.
"Ah..." Tanging nasabi ni Aeres nang marealize niyang super hearing ability pala ang tinataglay ni Sol.
"Feeling ko may malalim na dahilan kung bakit sila sumugod. May nasabi si Jovis—" napatigil si Aeres sa sasabihin ng mapangsinghap si Lushan sa narinig.
"Close kayo?" Tanong ni Lushan sa kanya.
Napakunot ng noo si Aeres. "Huh? Hindi. I mean nasabi niya lang na 100 years—"
"Oh! If the guy shared some information like histories, facts, etc on you. Then maybe—" hindi na rin naituloy ni Lushan ang sasabihin ng takpan ni Sol ang bibig nito gamit abg papel.
"Patapusin mo nga muna siya. Ayan ka na naman sa mga pinagsasabi mo eh," reklamo ni Sol. Sa inis ni Lushan at ginawa iyong bola para maibato sa kabigan. Pero napatigil iyon ni Aeres gamit ang telekinesis niya.
"100 years bago sumugod ang mga Wyerns dito sa atin," sabi ni Aeres.
"I know that. Pero hindi lang sa atin kung hindi sa iba pang lugar ng Goulmerth. Ang sabi ng Ina ko, isa sa mga kapatid niya noon ang nakipaglaban sa mga Wyerns nung huling sumugod ang mga ito. Base na rin sa pagbibilang nila, dahil na rin sa pagbabago ng tirahan ng mga Wyerns kaya sila nanggugulo. Ayaw kasi nila ng kahit anong pagbabago sa iisang lugar," ani Lushan.
Kinuha ni Aeres ang papel at tinignan. "Pero hindi pa naman daw 100 years ngayon mula noong huling sugod nila rito," sabi ni Aeres.
"Kasalukuyang nasa 23 years palang tayo ngayon. Pero—" napahinto si Sol.
"Bakit?" Tanong agad ni Lushan na para bang interesado.
"May mga paparating," ani Sol. Ilang saglit pa ay nagbukas ang pintuan ng silid at pumasok si Avin, kasama si Yllana, Deon at Dianna. Nang magtagpo ang mga mata ni Avin at Aeres ay kumaway ito.
BINABASA MO ANG
Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB] (Hiatus)
Fantasy"Hindi lahat ng nangyari mula sa nakalipas o nagawa sa nakalipas ay nakakalimutan ng ating isipan. Minsan, nag iiwan ito ng sugat na mapupunta sa markang magiging palatandaan at magiging tulay para maalala ito muli." Pipilitin ng binatang si Aeres a...