Chapter 10: Jovis vs. Avin and The Commission
Third Person's Point of View
Dahil sa tensyong nararamdaman ni Avin nang mabalitaan ang issue tungkol sa naganap kina Aeres at Jovis ay para bang may kung anong pakiramdam na umusbong sa kanyang dibdib. Dahilan para lumabas ang lightning power niya sa kanyang kamay.
Nakita naman nito si Jovis na nginisian lamang siya. Pero nawala iyon nang lumakas ang hangin sa paligid nila.
"Wag mong isasali si Aeres sa mga kalokohan mo," direktang sabi ni Avin sa lalaki.
"Why? Are you jealous? C'mon...friendly lang talaga ako," sabi ni Jovis sa nakakalokong boses. Kaya halatang hindi ito seryoso sa mga sinasabi niya.
"Don't play with me, Assh*le. You're not interested in this school, you're not a friendly type of westerian, and I know may binabalak ka kay Aeres kaya nilalapit-lapitan mo siya," sabi naman ni Avin. Walang naging reaksyon si Jovis pero para bang umiikot ang hangin sa kanila.
Nagpatuloy naman sa paglabas ng lightning nolt ss kamay ni Avin. Para bang anumang oras ay handa na niyang paulanan ng kanyang kapangyarihan ang kausap. Habang si Jovis naman ay para bang pinapalibutan ng hangin sa kanyang paligid hanggang sa parang may pwersa g tumulak kay Avin dahilan para mapapikit siya. Nang idilat niya ang kanyang mga mata, saka niya nakita si Jovis. Naging puti ang mga mata nito, habang dahan-dahang umaangat sa ere at napapalibutan ng hangin sa kanyang paa.
Isa iyong technique niya kung saan kaya niyang ilevitate ang sarili gamit lang ang hangin na kadalasan ay nagkakaroon pa form katulad ng wind spheres.
Si Avin naman ay nagpakawala ng malakas na boltahe dahilan para lumabas din ang mahinang kidlat sa kanyang mata. Gamit ang pagkontrol sa kidlat, ay nakagawa siya ng patalim na gawa sa kanyang kapangyarihan. Tinatawag niya itong thunder gladius. Isa itong mahaba at matulis na espada na may maliit pang espada sa kabilang dulo. Samahan mo pa ng boltaheng pumapalibot dito.
"Wala akong tiwala sayo," direktang sabi ni Avin.
"Oh..what bad news. Wanna know my reaction? I don't care! Well, let's just put this in a game. If I win tonight, hindi mo pipigilan si Aeres na lapitan ako. But if you win...hindi ko na siya lalapitan," saad ni Jovis mula sa ere.
"Seems fair," ani Avin bago mabilis na sinugod si Jovis at para bang kidlat na inatake ito gamit ang weapon na nasa kanyang kamay. Si Jovis naman ay halos depensa lang ang pinakakawalan, gamit ang wind blades na lumilipad patungo sa direksyon ni Avin ay nasasangga nito.
Dahil doon, halos nadamay ang nasa kanilang paligid. Malakas na hangin, maingay at nakakagawa sila ng malakas na force dahilan para magliparan ang ibang maliliit na bagay papalayo sa kanya.
Maririnig din sa Wisteria ang pagbangga ng wind blades sa thunder gladius. Sa tingin ni Jovis ay walang mangyayari kaya naman kinuha niya ang pagkakataon habang nilalabanan ni Avin ang kanyang atake ay saka naman siya nagpakawala ng maliit na whirl winds. Isa itong maliit na buhawi pwedeng maging distraction sa kalaban at malamang ay pwede rin siyang madala nito, at magpaikot-ikot kasabay nito.
Pero dahil naging alerto si Avin ay agad siyang kumuha ng pwersa at ibinato ang thunder gladius mula sa langit at doon mabilis bumaba ang isang kidlat na may milyong boltahe.
"Thunder's fury!" Saad ni Avin, pagtawag sa skill na kanyang ginawang atake.
Tumama iyon sa direksyon ni Jovis. Agad na natahimik ang laban nila. Si Avin naman ay tumingin sa direksyon kung nasaan si Jovis kanina.
BINABASA MO ANG
Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB] (Hiatus)
Fantasy"Hindi lahat ng nangyari mula sa nakalipas o nagawa sa nakalipas ay nakakalimutan ng ating isipan. Minsan, nag iiwan ito ng sugat na mapupunta sa markang magiging palatandaan at magiging tulay para maalala ito muli." Pipilitin ng binatang si Aeres a...