Chapter 11: Shadow of Destruction
Third Person's Point of View
Nanlaki ang mga mata ni Aeres nang makita ang dalawang dagger na papunta sa direksyon nila ni Avin. Mabilis niyang ginamitan iyon ng telekinesis. Kumunot naman ang noo ni Avin sa nakita at agad na napatingin sa pinanggalingan nito.
"What the—" ani Avin. "Mukhang alam nila na andito na tayo!"
"Mas mabuting bumalik na tayo sa loob ng haven. Delikado na rito," sabi ni Cecillio. Pero isa uling dagger ang dumaan at muntikan nang mahagip ang kanyang mga mata. Napaatras ang matanda.
"Aeres! Samahan mo si Cecillio. Ako nang bahala dito!" sabi ni Avin.
"Paano ka?"
"Bumalik ka nalang pag ligtas na sila sa loob. Siguraduhin mong walang residente ang nakalabas. Warningan mo silang lahat," utos ng lalaki na kaagad namang ikinatango ni Aeres.
Nang maiwan ang binata ay saka naman lakas loob na hinarap ni Avin ang mga ito. Mula sa dalawang kamay ay namuo ang dalawang lightning ball. Agad niyang binato iyon sa tingin niya'y kinaroroonan ng mga kalaban.
Agad na tumungo ang mga iyon sa mapunong parte. Dito agad na naglabasan ang mga mala-aninong mga nilalang upang atakihin si Avin. Ngunit sa ilang saglit pa ay agad niyang inunat ang dalawang kamay atsaka bumalik ang dalawang lightning balls nago siya palibutan nito.
Nahagip nito ang iilang kalaban na dahilan para mapahiga sa sahig ang ilan sa kanila at nangingisay pa dahil sa boltaheng dumaloy sa kanilang katawan. Doon din lumabas ang kanilang anyo. Isa lamang silang mga westerians na nakasuot ng buong itim na roba sa kanilang katawan. Tanging mga bibig lang din ang nakikita sa kanila.
Pero dahil sa dami ng mga ito ay nagkakaroon ng gasgas si Avin sa braso at kamay dahil sinusubukan pa rin siya ng mga itong patayin.
"Arggh!" Inis na asik ni Avin bago kumawala mula sa kalangitan ang malakas na kidlat habang hawak nito ang isang brasong labis na napuruhan. Pero hindi naging sapat iyon para mawala ng tuluyan ang mga kalaban.
Sa kabilang banda naman, si Aeres ay pumasok sa bahay ni Cecillio kung saan naabutan nila ang asawa nitong umiiyak habang hawak ang nasugatan na balikat. Agad na nilapitan ni Cecillio ang asawa habang si Aeres ay pinalibot ang paningin.
"M-may gustong pumatay sakin! C-cecillio! May gustong pumatay sakin!" Umiiyak na sabi ng asawa nito.
"Nasaan? Nasaan siya?!" Aniya. Agad namang nahagip ni Aeres ang isang aninong akmang papunta sa mag-asawa. Mabuti na lang at biglang namuo sa kamay niya ang pulang enerhiya at agad na ibinato iyon sa diretso ng anino. Gumana naman ang telekinesis nito.
Agad na pumunta ang mag-asawa sa likuran ni Aeres. Mabilis ding nakawala ang anino sa telekinesis at kumilos. Pinalipad nito ang iisang itim na dagger sa ere patungo sa kanila. Mabuti at agad na pinalutang ni Aeres ang isang mahabang lamesa. Kahit may kabigatan ay naiharang niya ito sa harapan nila. Napaatras lamang siya sa pwersa nang gawa nu'n.
BINABASA MO ANG
Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB] (Hiatus)
Fantasy"Hindi lahat ng nangyari mula sa nakalipas o nagawa sa nakalipas ay nakakalimutan ng ating isipan. Minsan, nag iiwan ito ng sugat na mapupunta sa markang magiging palatandaan at magiging tulay para maalala ito muli." Pipilitin ng binatang si Aeres a...