Nalalapit na ang graduation ball namin at halos excited na kaming lahat. Paano ba naman kasi ay isang napakalaking event nun dahil bukod pa sa lahat ng graduating students ng SIU, sa parehong High school at mga College Department, ay kasama din namin sa selebrasyon ang mga graduating students ng Saint Magdalene High School. All girls school iyon, kaya naman marami sa mga kaklase naming mga lalaki ang tuwang-tuwa.
Isa pa sa ikinatutuwa namin ay ang kaalaman na maaari kaming mag-imbita ng mga outsider para maging partner sa ball. So I decided that I will ask Deckard to go with me tutal naman ay weekend iyon gaganapin kaya pwede siyang umuwi.
Naging maayos na ulit kaming dalawa. Hangga't maaari ay binabawasan ko na ang kakulitan ko para hindi na rin siya marindi sa akin. Every other day na lang akong tumatawag at mukhang mas okay ang ganoong set up para sa amin dahil hindi na paulit ulit ang mga kwento ko.
I took a deep breath first before I dialed his number. It's seven in the evening and I hope he's done with his work.
"Sorry, I'm still at the office." Bungad niya agad pagkasagot sa tawag ko. Ramdam ko sa boses niya ang pagod.
"Ah ganun ba? Anong oras ka na niyan uuwi? Hindi ka pa kumakain ng dinner? Sinong kasama mo dyan?" Sunod-sunod kong mga tanong.
Bumuntong hininga muna siya bago nakasagot.
"Hindi ko pa alam kung anong oras ako matatapos rito. Nagpadeliver na lang kami ng mga kasamahan ko ng pagkain. Yung buong team namin ang kasama kong nag-overtime. Do you still have any question, Little Miss?" Walang bahid ng sarkasmo ang tanong niya pero nahihiya pa din ako sa mga pinagtatatanong ko.
I'm still acting like his girlfriend when I'm not even close to being one. Kaya nga minsan ang sarap kutusan ng sarili ko para naman matauhan.
"Ahmmm.. We'll be having our graduation ball for the next two weeks. It'll fall on a Saturday, and so I was thinking.... can you be my date at the ball?" Kagat-kagat ko ang ibabang labi habang naghihintay sa isasagot niya.
"I'm sorry, but I can't." Parang biglang gumuho ang excitement na binuo ko para sa grad ball namin. "May presentation meeting ako niyan sa Cebu, so I'll be leaving a day before. Matagal na kasing naka-schedule yan so I can't reschedule it anymore."
Tuluyan nang naglaho ang excitement ko para sa ball. I was looking forward to that magical night, and now I feel like not wanting to attend anymore.
"Sayang naman." Sabi ko na hindi na naitago ang pagkadismaya. "Parang ayoko na tuloy pumunta sa ball."
"Don't say that just because I couldn't make it. It's your last chance to experience this kasi dito ka na mag-College sa Manila right? So hindi mo na mauulit yan gaya ko na dalawang beses kong naranasan ang ball."
Oo nga, naalala ko yun. Isa sa High School at isa noong sa College siya. At nakakaasar dahil parehong hindi ako ang kinuha niyang partner. Si bruhildang Clarissa ang kapartner niya noong College kaya naman sobra akong nainggit.
I thought now is my chance to be his partner but I guess luck was never on my side.
"You're right." Sagot ko na labas sa ilong. "I'll just say yes to the other guys who are also asking me to go to the ball with them. Mamimili na lang ako." Sabi ko habang iniisip kung sino ang pipiliin ko.
"What? There were plenty of guys who are asking you to go to the ball?"
"Uhuh. I'm really having a hard time choosing." Na sinadya ko pa talaga na magtunog namomroblema.
"Hmmm... What about your number one suitor, Sevilla? Didn't he asked you to be his partner?"
"He did. But I'm just making my options available." Maarte kong sabi.
BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
General Fiction"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."