Kabanata 28

43.6K 1.5K 629
                                    

Kabanata 28

"Hulaan ko. May nangyari 'no?" pambungad ni Vio sa videocall nang makarating ako sa bahay.

After the dinner, Daxel immediately drove me home. It was one of the most memorable moments in my life. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko matapos mangyari lahat ng 'yon.

He told me he loves me! Love as in love! Hindi madaling bitawan ang mga salitang iyon at hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yon. Sa tuwing maaalala ko ay kusang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Nangyari? Sa dami ng nangyari, alin do'n?" nagtatakang tanong ko.

Nakita kong napasinghap si Vio at Raze at nagsimula na silang magtilian.

"Madami? As in madaming nangyari?!" halos napatayo si Vio sa kinauupuan niya.

Kumunot ang noo ko atsaka ko lang narealize kung ano ang tinatanong nila. Obviously about something perverted!

Namula ang mukha ko nang maalala ko ang nangyari, it was not just a kiss. Pero wala akong lakas ng loob para isiwalat sa kanila 'yon. Over my dead body!

"W-Wala! Mga utak niyo talaga, tsk."

"Weh? Ba't ganyan reaksyon mo?" si Vio na nakangisi.

"Wala nga! It's just a normal date."

"The two of you were alone inside a room, right? He didn't even initiate something?" si Raze naman ang nagtanong.

"We kissed, that's all! Hanggang do'n muna kami."

"Kiss? No intimate touches?"

I blushed profusely but I didn't utter anything. Base sa reaksyon ko ay muli silang humiyaw na dalawa. Hindi ko na lang pinansin dahil alam kong gigisahin nila ako kapag nagsalita pa ako.

"Just...cuddle." lumiit ang boses ko.

At sa buong gabing iyon ay inasar at kinantiyawan nga ako ng dalawa. Kinabukasan ay naging busy ulit ang opisina. Another batch of aircraft parts were set to deliver the following week.

Magkikita lang kami ni Daxel sa tuwing ihahatid at susunduin niya ako. We're both busy working the entire week. Nag-uusap naman kami and we communicate on a daily basis via phone.

"It's the company's 30th year anniversary next week! Magkakaro'n daw ng celebration." pagkukwento ni Elton.

"Really? Ano daw ganap?"

"Normal party lang siguro. May mga pagkain at palaro?" he added.

"Mag-iinuman, siyempre! Gano'n palagi ang nangyayari sa tuwing anniversary!" natatawang sumali ang isa ko pang ka-opisina.

"Naku nakakaexcite! Siguradong magarbo na naman ang handaan!" dagdag pa ng isa.

"Balita ko nga dadating daw 'yong CEO para sa event." dagdag nila.

Siguro sobrang magarbo nga ang magiging celebration dahil mismong CEO ay pupunta. Kinakabahan tuloy ako dahil naiimagine kong ito 'yong tipong mayayamang tao na may-ari ng malalaking kompanya. Reminds me a lot of my family.

Nang matapos ang office hours ay sinalubong ko kaagad si Daxel na naghihintay sa labas. Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa parking lot.

"How was your day?" he asked while driving.

"Fine. Ikaw ba? Ang bibigat ng mga binubuhat niyo, ah. Hindi ba sumasakit ang katawan mo?"

"Ayos lang naman, nasanay na rin ako."

"Linggo bukas, do you want me to visit your quarters?"

Kumunot ang noo niya. "Anong gagawin mo do'n?"

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon