Pag-ibig ng Isang Makata

21 1 5
                                    

Pag ako nagmahal
Kahit ideretso na natin sa kasal
Pero syempre liligawan muna kita mahal.
Pangako hinding hindi ka masasakal.

Kahit araw araw pa kitang gawan ng tula.
Paulanan ng magagandang salita.
Hahainan ng magandang akda.
Pero syempre dapat ako ang gumawa.

Tulang hindi lang mabubulaklak na salita.
Na galing sa mabulalak kong dila
Ngunit hayaan mo akong gawan ka ng tulang malaya.
Tulang may tamang sukat at tugma at ikaw ang paksa.

Sayo lahat iaalay ang mga pantig
Ng aking tulang pagibig
Bibigkasin mismo ng aking mga bibig
Nang malaman mo ang aking pagibig.

Ako'y isang makata,
Isinusulat ang pagibig ko sa isang pahina.
Ikaw ang nakalahad sa bawat talata.
At itoy itinuturing kong isang napakagandang akdang nagawa.

Letrang nakapaloob dito.
Iyon ay inaaalay ko saiyo.
Ikaw ang tintang gagamitin ko.
Dahil ikaw ang inpirasyon sa san damakmak na tula ko.

Sa simbahan kita ididiretso.
Gusto kung iharap sa Diyos ang mahal ko.
Nais kong maging legal na asawa mo.
At makasama hanggang dulo.

Bibigkasin ang  mga tulang nagawa.
Ikay mapapaibig at mapapamangha.
Sa harap ng Diyos at madla.
Nangangakong mamahalin kita ng tama.

Akoy isang makata,
Umiibig sa pamamagitan ng tula.
Para sa aking mapapangasawa.
Ganyan umibig ang isang makata.

Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon