Chapter 9

19 3 0
                                    


Chapter 9

Amber

"Sige, ayusin niyo lang yan!"

"Oh, paki-usog  yung lamesa nang kaunti sa kanan."

"A-ayan, tamang-tama lang!"

Dinig na dinig ko ang boses ng event coordinator. Lahat sila ay busy sa pag-aayos ng lahat ng mga kailangan para sa selebrasyon bukas.

Kagigising ko lang kaya ngayon lang ako nakababa. Hindi pa ako nakapag-almusal kaya pupunta na ako do'n.

Nakita ko si mama na nakatayo sa sulok at pinagmamasdan ang mga preparasyon na ginagawa nila.

"Oh, anak! Magandang umaga!" Bati niya sa akin sabay ngiti. Bumati rin ang mga maids at lahat ng tao na nandito.

Pinagmasdan ko ulit ang itsura ng malaking sala. Napangiti naman ako sa nakikita ko. Ngayon ay punong-puno na ito ng kulay orange at yellow na mga dekorasyon. Ibinagay talaga nila ito sa kulay ng mata ko at sa pangalan ko, syempre.

Dumiretso na kami ni mama sa hapagkainan dahil pareho na kaming gutom.

"Anak, handa ka na ba sa malaking araw mo bukas?" Nakangiting tanong ni mama. Tumango rin ako't ngumiti. Excited na nga ako, eh.

Tumikhim si mama bago magsalita ulit, "Magiging busy tayo sa araw na ito, ha. May training mamaya kung ano ang magiging flow ng mga mangyayari, at aayusin na lahat-lahat."

"Opo,"

Tumahimik saglit ang sala. Dahil pala ay nagpahinga muna sila sa pag-aayos. Inanyayahan naman ni mama na kumain ang event coordinator kaya 'di na siya nakatanggi.

Nag-uusap-usap sina mama at ang event coordinator. Nakikinig din ako sa usapan minsan pero naaagaw ng pagkain ang atensyon ko. HAHAHA

"S'ya nga pala, Miss Amber. 'To na po ang imbitasyon." Inabot niya sa'kin ang isang dilaw na imbitasyon na ang itsura at disenyo ay gown. Ang ganda nito.

Tumigil muna ako sa pagkain para basahin ang laman ng inbitasyon. May mga pangalan na hindi talaga ako pamilyar. 18 Roses lang ang nilagay na kaechosan dahil magiging mahaba ang event kapag madami ang inilagay. Binasa ko pa ito at sa 'di naiwasang mapangiti dahil sa isang pangalang unang nakasulat sa listahan.

Mr. Vinsant Zraa

Pero medyo nawala ang ngiti ko nang may mabasa ako sa pinakauna pa ng listahan.

Mr. Alexander Claude Bryson

Ibig sabihin ay hindi si Vinsant ang magiging huli kong sayaw, kundi si Mr. Alexander.

*

"Excited na po talaga ako sa bonggang selebrasyon bukas, Miss Amber!" Ngumiti ako sa sinabi ng baklang 'to.

Tumatambay lang kami ngayon nina Marcella at Biy sa terrace ng secoond floor. Pinagmamasdan ko ang kalupaan ng mansion. Malamig din ang simoy ng hangin kaya maganda sa pakiramdam. Habang ang dalawa naman ay hinihintay ang pagdating ng kalesa nina Lord Victor. Sabi nila pinababantayan daw sa kanila ni mama pero parang iba ang hinihintay ng dalawang 'to.

Ilang minuto pa ay bigla kaming nakarinig na parang may kalesang paparating. Bumaba ang tingin ko sa kalesa na kararating lang sa garden.

"Ayan na sila!" Tili ng dalawa habang tatalon-talon. Sarap kurutin ng mga singit nito.

Bumaba na kami at sinalubong ang pagpasok ng mga bisita. Hinalikan ulit ni Mr. Alexander ang kamay ko. Dumiretso kami sa hapagkainan upang magtanghalian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AMBERWhere stories live. Discover now