The Moment I Saw You Cry

3.6K 130 16
                                    

This is only a One Shot story. I hope you will enjoy it. 2018 pa ito at entry ko sa isang indie publishing na hindi ko na tinuloy. Ngayon ko lang ipo-post rito.

The Moment I Saw You Cry



SA POST OFFICE, bayan ng santa maria nagtatrabaho si Robin bilang tagapaghatid ng mga dokumento o papeles. Sa dalawang taon niya sa serbisyo ay ngayon lamang siya maghahatid ng isang love letter. Nakakatawang isipin na sa panahon ngayon ay uso pa pala ang pagpapadala ng sulat.

"Robin, mamaya."

Nahintuan niya si Alyssa sa isang kalye tila inaabangan talaga ang pagdaan niya. Naunawaan na niya ang pinapahiwatig ng babae at napangiti siya.

"Sige, mamaya."

Sa kabila nang pagiging mensahero ay hindi maipagkakaila ang kakisigang taglay niya. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit meron pa ring babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya.

At kesa tumambay rin sa kanto ay sinundan na lang niya ang yapak ng kanyang ama na dati ring mensahero sa bayan nila. Kaya madali lang din siyang nakapasok sa post office sa tulong ng ama niyang namayapa na rin kagaya ng kanyang ina.

Sa kaduluhan ng baranggay manggahan niya natagpuan ang bahay na pagdadalahan niya ng sulat.

Wala siyang matanungan dahil bukirin rin at wala pang halos na nakatira. Ngayon lang siya napadpad rito dahil pinasa lang naman sa kanya ang tokang dalhin itong letter sa bahay na nakasulat sa sobre.

Bumaba siya ng motor pagkahinto sa isang bahay na nag-iisang nakatayo sa tabi ng bukid.

"Tao po!"

Tinignan niya ang bahay habang hinihintay na lumabas ang tao. Ngunit tila wala namang tao sa bahay.

"Tao po!"

Ilang ulit siyang tumawag pero wala pa ring lumalabas. Kaya aalis na sana siya ng biglang unti-unting bumukas ang pinto.

"Pakilagay na lang sa labas ng pinto." basa niya sa nilabas nitong papel at nakasulat doon ang binasa niya.

Naguguluhan siya sa gimmick ng taong nasa bahay. Pero hindi na niya pinansin at nilapag niya sa sahig sa labas ng pinto ang sulat.

"Kailangan ko ng pirma niyo."

Nang ilabas nito ang kamay ay nalaman niya na isang babae iyon. Maganda ang kamay, maputi, makinis, at malinis ang medyo may kahabaang kuko na nababalutan ng cuticle.

"Salamat po."

Napailing siya nang isarado na nito ang pinto. Lumapit siyang muli sa motor niya at sumakay. Umalis na siya kahit nawi-weirduhan siya sa babae.

Iyon na ang huling trabaho niya kaya dumeretso na siya sa bahay ni Alyssa. Walang kasama sa bahay si Alyssa dahil bumukod ito sa pamilya nito mula nang pumapasok ito sa isang club. Sa isang club din niya nakilala ito.

Mapusok na halik agad ang sinalubong sa kanya ni Alyssa. Napangiti siya at tinugunan ang pananabik ng babae sa kanya. Sa kama nito ang bagsak nila at ginawa ang pag-romansa sa babae.

Marami na ring karanasan sa ibang lalake ang babae buhat ng trabaho nito bilang prostitute. Wala naman siyang pakialam dahil kaibigan rin ang turing niya rito. Wala silang relasyon dahil pareho naman silang nag-e-enjoy sa kama.

Habol sila pareho ng hininga habang nagpapahinga siya sa ibabaw ng babae. Bumangon siya at umalis sa ibabaw nito para mahiga sa tabi nito.

"Alyssa, 'di ba taga-manggahan ka?"

"Oo, bakit mo natanong?"

Nagsindin siya ng sigarilyo habang takip ng kumot ang kaselangan niya.

"May bahay kasi doon sa isang bukirin na dinalhan ko ng sulat. Nawi-weirduhan ako sa babae na nakatira doon."

Natawa si Alyssa at yumakap ito sa kanya.

"Bakit? Ano namang meron sa babae?" may ngiti sa labi sabay haplos ng kamay sa kaniyang dibdib habang nagtatanong ang babae.

"Wala. Hindi ako nilabas at inutusan lang ako na ilagay sa harap ng pinto ang sulat niya." binuga niya ang usok mula sa sigarilyo.

"Weird nga. Ewan ko, hindi din naman ako umuuwi doon mula nang pumasok ako sa club."

Tumingin siya sa babae at lantad sa mga mata niya ang kahubaran nito. Alaga sa katawan ang babae para makahakot pa rin ng lalake at para maraming makuhang pera.

"Ilang lalake ba ang nakasiping mo ngayon?"

Hinampas siya nito sa dibdib at umaktong nagtatampo.

"Sira. Kung meron, edi sana hindi ako nakipagtalik sa 'yo."

"Mabuti."

"At bakit? Nagseselos ka ba?" ngumiti sa kanya ang babae kaya napailing siya.

"Hindi. Ayoko lang na magkasakit."

Sumimangot ito pero hindi na niya pinansin at bumangon na siya ng higaan. Sinuot niya ang pinaghubarang damit na nasa sahig.

"Robin, heto oh."

Napatingin siya sa nilahad ni Alyssa at napailing siya.

"Alyssa, mas kailangan mo n'yan."

"Sige na. Tutal, sa lahat ng lalake ay ikaw ang pinaka gusto ko."

Sinuksok nito sa bulsa ng pantalon niya ang pera at tumingin sa kanya.

"Alyssa, alam mong ayoko ng commitment."

Umiling ito, "Hindi, Robin. Masaya na akong malaman na single ka pa rin."

Natawa na lang siya at napailing. Umalis na siya pagkatapos magbihis. Saglit na naupo siya sa motor habang meron siyang naisip.

Hindi siya 'yung tipong tao na pag-aaksayahan ng oras ang isang tao. Pero hindi niya maunawaan kung bakit dinala siya ng isip niya sa bahay ng pinagdalhan niya ng sulat.

Napailing siya at napakamot ng ulo ng ma-realize niya ang ginawa niya. Bumaba siya ng motor at tinignan ang bahay ng babae.

"Sino ka?"

Nagulat siya at napatingin sa paligid. Nakita niya ang babae na nasa dilim pero unti-unti itong lumapit at nakita niya ang mukha nito habang nakangiti.

"Anong ginagawa mo rito?"

Hindi siya agad nakapagsalita dahil hindi niya akalain na magandang babae pala ang kaninang ayaw magpakita sa kanya.

"A-Ah," hindi siya makapagsalita kaya napakamot siya ng batok, "Ako 'yung nag-deliver ng sulat sa 'yo kanina."

Tumango ito at lumakad palapit sa isang upuang gawa sa kahoy habang nakaharap sa bukid kaya kita rin ang langit. Nasisilungan rin ng puno ang upuan.

"Halika, maupo ka."

Lumapit siya at gaya ng alok nito ay naupo siya sa tabi nito.

"Naniniwala ka ba na pinapadalhan ako ng ibang tao ng sulat?"

Tinignan niya ito at nakatingin lang ito sa madilim na langit.

"Oo. Lalo na at maganda ka kaya maraming lalake ang nagpapadala sa 'yo nang sulat."

Ngumiti ito at nabigla siya ng humarap ito sa kanya.

"Talaga? Naniniwala ka?"

Naguguluhan na tumango siya. Ngumiti muli ito.

"Sulatan mo ako hanggang valentines day."

Nakatitig ito sa kanya habang nakangiti ng maluwang.

"Huh?"

Biglang nawala ang ngiti nito at tumingin muli ito sa langit. Hindi na ito umimik at hindi niya mabasa ang nasa isip nito. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya mapakali ng hindi na ito umimik.

"Sige."

Tumingin muli ito sa kanya at tinignan siya kaya napatitig siya rito. Habang tinitignan niya ito ay parang may kakaiba sa mga mata nito.

"Hihintayin ko.."

Hindi siya nakaimik ng tumayo na ito at umalis. Nang matauhan siya ay agad na tinignan niya ang babae at nakita niya na pumasok na sa bahay nito.

Napahinga siya ng malalim at tumingin sa kalangitan.

Kani-kanilang lang ay nagdala siya ng sulat rito tapos ngayon ay siya naman ang magbibigay ng sulat rito. Napakamot siya ng ulo bago tumayo na para umalis.

Tumingin siya ng isa pang beses sa bahay ng babae.

Hindi man lang niya nalaman ang pangalan nito. At hindi rin nito nalaman ang pangalan niya. Pero kahit gano'n ay pinagkatiwalaan agad siya nito at hindi natakot na kausapin siya.

Nahihiwagahan siya sa babae pero magaan ang loob niya rito. Parang gusto niyang makilala ito.

Umalis siya na dala-dala sa isip ang babae.

Karaniwan na sa kanya ang umuuwi ng gabi pero ngayon hindi siya galing sa bahay ng nakatalik niyang babae o club, pero galing siya sa babaeng hindi naman niya kakilala.

"Kuya, gabi ka na naman? Nagpunta ka na naman sa club." bintang sa kaniya ng nakakabatang kapatid.

"Kelan ka pa nanermon sakin?" naghubad siya ng sapatos habang nakaupo sa sofa..

"Kuya, 'wag ka nang mag-club. Paano kung magka-girlfriend ka tapos malaman niya na palagi kang nagka-club?"

Natawa siya sa sinabi ng kapatid. Tinaas niya ang mga paa sa lamesang nasa harap habang ang mga braso ay pinahinga sa sandalan ng upuan.

"Bakit ba concern ang kapatid ko sa magiging girlfriend ko? Ha?"

Sumimangot ito at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang sapatos na pinaghubaran niya.

"Tayo na lang kasi ang naiwan sa mundong ito. Gusto ko na makakuha ka ng girlfriend na gagawin ang ginagawa ko."

Umalis siya sa pagkakasandal sa sofa at inabot ang pisngi ng kapatid para pisilin.

"Gusto mo lang makaligtas na sa gawaing bahay kaya mo sinasabi 'yan, ano?"

"Hmp!"

Natawa siya at napailing ng matumbok niya ang pinupunto nito.

"Sige na, paghain mo na ako at maglilinis lang ako ng katawan."

Tumayo siya at iniwan na ang kapatid sa sala.

Tama ang kapatid niya. Sila na lamang dalawa dahil bata pa sila nang mawala ang kanilang ina. At dalawang taon pa lang ang nakakalipas ng mawala naman ang kanilang ama. Kaya siya na ang tumayong magulang ni Chichi. Dapat ay nag-aaral siya sa kolehiyo ngunit dahil sa pagkawala nang ina nila ay hindi na nakaya ng ama nila na pag-aralin siya. Kaya nang magkasakit ang ama nila two years ago ay siya na ang pumalit sa trabaho nito.

Sandali na naglinis siya ng katawan at nagbihis bago lumabas ng kwarto para kumain. Naupo siya sa upuan at tinignan ang nilutong ulam ng kapatid.

"Kuya, pinagluto kita ng paborito mong adobong manok."

Napangiti siya dahil kaya nitong magluto sa mura nitong edad.

"Salamat, Chichi."

Tinikman niya ang luto nito habang ito ay naupo sa harap niya.

"Kuya, meron ka bang extra d'yan?"

Tinignan niya ito habang ngumunguya ng pagkain.

"Para saan?"

"Meron kasi kaming project para sa valentines day na darating. E, kailangan ng pera para sa kontribusyon dahil gagawa kami ng booth bilang presentation namin."

Bigla ay napaisip siya sa sinabi nito. Naalala niya ang babae na inutusan siyang gumawa ng love letter para rito hanggang sa valentines day.

"Meron. Kumuha ka na lang sa wallet ko."

Napangiti naman ang kapatid niya at tumayo na ito.

"Salamat, Kuya."

Ambang aalis na ito nang pigilan niya, "Chi.."

Lumingon ito habang nagtataka, "Bakit, Kuya?"

Umiling siya kaya tumango ito at tuluyan ng tumalikod. Napahilamos siya ng mukha dahil ngayon niya lang naisip ang hirap na sinuong niya. Hindi siya marunong sumulat nang love letter. Ayaw naman niyang humingi ng tulong kay Chichi dahil tiyak na uulanin siya ng tanong kung para saan iyon.

Pagkatapos kumain ay umakyat siya sa bubong nila at marahang naupo. Tumanaw siya sa kalangitan at 'yung babae pa rin ang naiisip niya. Tumingin siya sa papel at ballpen na hawak niya.

Napakamot siya ng ulo habang iniisip kung paano niya sisimulan. Tumikhim siya at hinawakan ang ballpen ng maigi. Tumitig siya sa papel pero hindi niya maisip kung paano sisimulan.

"Aanhin mo 'yan, Kuya?"

Nagulat siya at napatingin kay Chichi na nasa bintana habang tinitignan ang papel na hawak niya.

"Wala."

"Ayyiee! Bakit nakatitig ka sa papel? Gusto mo bang magsulat ng love letter?"

Naupo ito sa tabi niya habang tinutukso siya kaya napailing siya at ginulo ang buhok nito.

"Wala nga. Tsk. Doon ka na nga. Hugasan mo na ang pingan."

Natawa ito habang nakatingin pa rin ng mapanukso.

"Kuya, madali lang gumawa. Isulat mo lang ang nais mong sabihin, itanong, o nakikita mo sa kanya. At lagyan mo nang konting tamis nang kiligin naman siya."

Umalis na ito sa tabi niya pagkatapos nitong sabihin iyon. Nagkaroon siya ng idea sa sinabi nito kaya inumpisahan niyang isulat ang nais niyang sabihin sa dalagang unang silay pa lang niya ay tila naiwan ang isip niya doon.

"Ayos."

Napangiti siya dahil meron na siyang ibibigay na sulat sa dalaga. Natulog na rin siya pagkatapos no'n.



KINABUKASAN ay pumasok siya sa post office para gampanan ang trabaho niya. Naisip niya na pagkatapos niya sa trabaho ay tsaka niya pupuntahan ang dalaga para ibigay ang sulat rito.

"Uy, Robin!"

Napatingin siya sa katrabaho na si Kadyo na umabsent kaya sa kanya napunta ang trabaho nito kahapon kabilang ang pagpapadala ng sulat sa babae.

"Kadyo, musta?"

"Heto, ayos na. Pasensya na at sa 'yo pala napunta ang trabaho ko.."

Ngumiti siya rito, "Ayos lang."

Inaayos niya ang mga sobreng dadalhin niya para sa mga address na nakalagay.

"Ako na muna daw sa manggahan. Puwede ka na doon sa toka mo."

Napahinto siya dahil sa sinabi nito. Napatingin siya rito.

"Kaya mo na ba?"

"Oo naman. Nilagnat lang naman ako ng isang araw kaya ayos na ako ngayon." natawa ito.

Napatango siya at napatingin sa sulat na kabilang doon ang ginawa niyang sulat para sa dalaga. Nais niyang makita ito kapag dinala niya ang sulat pero tila sa gabi na niya makikita ang dalaga.

"Kadyo, pakisuyo na rin ito sa bahay na ito."

Tinignan ni Kadyo ang sobre at address na nakasulat sa sobre.

"Bakit walang pangalan kung sino ang nagpadala?"

"Basta. Pinapadala lang iyan."

"Ganun ba. Sige, dadalhin ko."

Tumango siya at nagpasalamat rito.

Umalis na ang katrabaho para dalhin ang mga sulat sa bahay-bahay kaya ginampanan na rin niya ang kanya. Naging mabilis natapos ang kanyang trabaho dahil na rin pursigido siya na mapuntahan agad ang dalaga.

Bago pumunta roon ay naisip niyang bilhan ng bulaklak ang dalaga. Ni minsan ay hindi pa niya ginagawa sa ibang babae ang magbigay ng bulaklak, ngayon pa lang.

Pagdating niya bahay nito ay hapon na at nakita niya itong nakaupo sa kahoy na upuan na nakasilong sa puno. Lumapit siya rito at nakita niya na malayo na naman ang tanaw nito habang hawak ang sulat na bigay niya.

"Salamat sa sulat mo."

Nabigla siya dahil hindi niya akalain na napansin na pala siya nito bago pa siya makalapit ng tuluyan rito.

"Walang anuman." naupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay nilahad ang bulaklak, "para sa 'yo."

Napatingin ito sa bulaklak na binigay niya at napangiti ito bago kinuha iyon.

"Salamat."

Napangiti siya habang tinitignan ito na kumikislap sa ligaya ang mukha sa hatid ng pagbibigay niya ng bulaklak.. Pansin niya na naka-jacket ito at panjama. Hindi tulad kagabi na tila naka-dress ito.

"Nagustuhan mo ba ang sulat ko?"

Tumingin ito sa kanya. At habang tinitignan niya ang dalaga ay hindi niya mapigilan na mabighani rito. Pale white skin, red lips, round eyes, long eye lashes, pointed nose, and long but curvy brown hair.

"Oo. At nakasulat doon na gusto mo akong makilala.."

Tumango siya at nahiyang napahimas sa batok.

Kelan pa siya naging torpe? Kelan pa siya nahiya sa babae? F*ck! Ngayon lang!

"Ako si Missy."

Napangiti siya dahil pati pangalan nito ay maganda.

"Ako naman si Robin."

Naglahad siya ng kamay at tila siya nanlamig ng hawakan nito ang kamay niya.

Malambot at ang sarap hawakan ng kamay nitong malamig. Binalot ng kamay niyang mainit ang kamay nitong malamig.

"Robin, sana ay 'wag kang magsawa na bigyan ako ng sulat."

Tinignan niya ito at meron sa mga mata nito na nakakubli kaya hindi niya alam ang iniisip nito.

"Oo naman.. Pero bakit nais mong makatanggap ng mga sulat?"

"Wala lang.. Sumasaya ako kapag nakakatanggap ng sulat."

Napatango siya at dinala niya ang kamay nito sa kanyang labi.

"Gagawin ko para sumaya ka."

Ngumiti muli ito. Napatitig siya sa labi nito at para bang nag-uudyok na halikan niya ang tila malambot nitong labi. Hindi pa siya kelan man nagpipigil pagdating sa babae.

"Puwede ba kitang halikan?"

Napatitig ito sa kanya at napalunok siya dahil tila nabastos niya ito. Iba si Missy at parang ayaw niya tuloy ang nararamdamang init sa damdamin.

"'Wag mo nang pansinin--"

"Sige."

Napatitig siya sa mga mata nito at nakangiti ang mga iyon. Kaya naman ay umusog siya palapit rito at hinawakan niya ang mukha nito. Hindi na niya napigilan ang pagnanais na halikan ito.

Nag-uumapaw sa saya ang damdamin niya habang tila siya dalang-dala sa lambot at tamis ng labi nito. Napangiti siya sa pagtugon nito sa halik niya kahit na hindi ito marunong.

Bumitaw siya at pinunasan niya ang labi nito.

"Ako lang ba ang first kiss mo?"

"Oo."

Napangiti siya at hindi niya alam kung bakit sobrang saya na marinig iyon mula sa dalaga.

"Kung gayon ay ako lamang ang hahalik sa 'yo. At 'wag ka nang magpapaligaw sa iba."

Ngumiti ito at tumango kaya napangiti siya at muli niyang siniil ito ng halik sa labi. Hinapit niya ito sa baywang habang hinahalikan ito.

"R-Robin."

Agad na napatigil siya ng pigilan siya nito. Napansin niya na namutla ito kaya nag-alala siya.

"Ayos ka lang?"

Ngumiti ito at tumango, "Oo. Hindi lamang ako makahinga sa halik mo."

Napangiti siya at niyakap ito. Hindi niya mapigilan ang saya habang kasama ang dalaga. Hindi pa niya nararamdaman ito sa ibang babae na nakasalamuha niya. At hindi pa siya kelan man nagpigil ng init ng katawan. Nais niyang 'wag gawin ang bagay na iyon sa dalaga.

The Moment I Saw You Cry (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon