"IDEAL TYPE"

6 1 0
                                    


   Kasalukuyan akong nakikinig sa aming prof habang nagtuturo, nang bigla kong naramdaman na nagvibrate ang aking cellphone.
   Pasimple kong nilabas ang aking cellphone upang basahin ito, maingat syempre baka mamaya makita pa ako ni prof mahirap na.
   Nang makita kong galing ito kay Clark, agad akong napangiti. Wala eh, patay na patay ako sa kanya. He is my happy pill.

From: Clark
Kita tayo maya and then sabay na tayong maglunch.
:)

   Lagi kaming ganyan ni Clark kung mag-usap, sobrang bait niya sa akin. Super thankful ako kasi nakilala ko siya. Ahihihi!
   Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase. Agad agad akong tumayo at nag-ayos (syempre kasama si crush eh, kaya dapat fresh tayo.) Dali dali akong umalis at nagtungo sa canteen kasi alam kong nandoon na yon at siguradong nakanguso na yon sa sobrang bagot. Hahaha!
   Nang makapasok ako sa canteen, natanaw ko na agad siya (syempre kilalang kilala lo siya kahit likod pa lang niya.) Agad niya akong sinalubong at inalalayang umupo (napakagentleman talaga.)
   Pagkatapos niyang maupo, nagtaka ako kasi grabe kung makatitig, naiilang tuloy ang lola niyo hehe!

Clark: Ang tagal mo talagang kumilos as always :/pout/
Ako: Sorry na, syempre babae eh!
Clark: Kalimutan na natin yon. Wait, order muna ako. Wait me there!

   Habang palayo siya tinitigan ko siyang mabuti, sobrang perfect niya as in. Swerte ko naman in the future. Arooot hahaha!
   Nang makabalik na siya ay tinitigan ko ang inorder niya, alam niya talaga ang paborito ko. Syempre habang kumakain, tahimik lang kami. Bigla niyang binasag ang katahimikan, marahil siguro ay bored na siya.

Clark: Uy Sheena, anong ideal type mo sa isang lalaki?
Ako: Ah syempre unang una may takot sa Diyos, caring, mapagmahal, at masipag. In short ikaw.
Clark: Hahaha! Nagjojoke ka nanaman. Grabe ka! Patawa ka talaga.
Ako: (Lagi na lang ganyan,akala mo nagbibiro lang ako, seryoso ako. Mahirap maging joker, akala nila laging biro lang ang lahat.) Napatawa nalang ako sa sinabi niya.
Ikaw ba? Ano ang ideal type mo sa isang babae?
Clark: Gusto ko yong simple lang, matapat, responsable, at matalino. In short si Julie, ang bestfriend mo.

   Agad akong natigilang kumain sa narinig ko. Ang sakit! Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo, sa bestfriend ko pa ikaw nagkagusto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TAPUSANG ISTORYA Where stories live. Discover now