Kinabukasan tinawagan ako ni bea kailangan na daw namin pumasok dahil hindi lang naman daw ang mansion namin ang irerenovate ng kumpanya nila!
Pagdating namin sa building sinalubong kami ni bea at itinuro sa amin kung saan ang working table namin, sa labas lang ng office ni gab ang place namin ni cedric kaya kitang kita kami/siya sa glass na nagsisilbing pader ng office ni gab.
Habang inaayos namin ang table namin ni cedric napalingon ako sa office ni gab, na siyang ikinagulat ko dahil sa talim ng tingin sa amin ni gab, bigla kong naalala ang pagbabanta ni gab sa akin.
"Ash okay ka lang ba?" tanong ni cedric
Kitang kita ba sa muka ko ang takot? sino ba naman kase ang hindi matatakot sa talim ng tingin niya!
"Oo naman okay a...ako."sagot ko sa kabadong boses
"Miss Saavedra pinapatawag kayo ni sir sa office niya"wika ni bea
Masyadong pormal si bea sa loob ng opisina na dapat naman talaga.
"Ha? nga..ngaun na?"tanong ko
"Oo pakibilisan na lang at mukang badmood siya"wika ni bea
Eto na Goodbye earth, mabait naman po ako kaya sana sa langit ako mapunta, kayo na po bahala sa pamilya ko HU! HU! HU!
"Pagdasal mo nalang kaluluwa ko cedric" pagpapaalam ko kay cedric
"Gaga kakausapin ka lang, kaluluwa agad?" sagot ni cedric sabay himas sa buhok ko
Anak ng! bakit may paghimas pa? hindi naman ako aso ah! sana lang hindi iyon nakita ng boss kong magiging killerboss pa ata.
Pagpasok ko sa loob minabuti kong ngumiti baka sakaling madaan sa killersmile ko HE! HE! Papatayin na ako nagagawa ko pang tumawa.
Ay demonyo! sa gulat ko sa matalim na tingin ni gab muntik na ako mapaatras.
"Goodmorning sir"bati kong nakangiti
"Maupo ka"utos ni gab
Paupo na ako ng biglang.......
"Ay demonyo!"sigaw ko sa gulat ng biglang bumaba ang window blind ng office"So..sorry sir"
"Oo makikita mo ang demonyong ako pag hindi mo parin iniwan ang cedric na iyon!"galit na wika ni gab
Akala koba ayaw na niya marinig ang pangalan ni cedric! hayst!
"Paglubog ng araw wala ng trabaho ang BOYFRIEND mo at dapat wala narin siya sa mansion!"galit ulit na wika ni gab at pinagdiinan ang salitang boyfriend
"Pero ako lang ang...."hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang hinampas ni gab ang table niya
"Or else i will kill you both!"pagbabanta ni gab
"Kill agad? mababawasan ang maganda dito sa Santa fe"pabiro kong wika para mabawasan naman yung takot na nararamdaman ko sana lang effective
"Seryoso ako Miss Saavedra!"wika ni gab na matalim na nakatingin sa akin
"Sir hindi mo kase naiintindihan e kami kase ni cedric mag...."hindi ko palang natatapos ang sasabihin ko
Ng biglang lumapit sa akin si gab! at hinigit ako patayo sa kinauupuan ko, at matalim na nakatitig sa akin.
"May usapan tayo! so! uunahin na kitang patayin!"wika ni gab na parang gusto na akong sakalin
Ang isang kamay ni gab ay nasa likod ko at ang isa ay nasa batok ko, kahit anong gawin ko hindi ko magawang ituon ang pansin ko sa ibang bagay na nasa loob ng opisina parang inaakit ako ng mga mata niya dahilan para mapatitig lang ako sa muka niya, sa sobrang lapit ng mga muka namin nalalanghap ko aftershaves nito pati narin ang natural nitong amoy na para sa akin ay tanging si gab lang ang nagtataglay. Unti unting bumaba ang ulo ni gab patungo sa muka ko at inangkin ang mga labi ko in a teasingly gentle kiss, so gentle na pumukaw sa maraming alaala na nagpamuo ng mga luha ko, ngunit sinikap kong pigilin itong tumulo but i failed.
Inangat ni gab ang kanyang ulo sabay wika ng."Gusto kong isipin na hindi mo gusto ang ginawa ko"wika ni gab"But my instinct told me otherwise. I was kissing the same young astrid years ago. And I'm willing to forgive and forget, sweetheart "wika ni gab at muli akong siniil ng halik
Anuman iyong dapat ipatawad at kalimutan ay hindi ko alam dahil ang alam ko siya ang may kasalanan. Sa loob ng maraming taon ay kalahati ng pagkatao ko ay namatay at ngaun nabuhayan ako dahil lang sa halik at yakap? at tinatawag niya ulit akong sweetheart.
Pagkatapos ng simpleng halik ay lumalim ito. Hard and passionate na may gumuhit na mainit na bagay sa ibabang bahagi ng katawan ko. I became mindless sa nangyayari. Ang tanging alam ko lang ay ang kakaibang damdaming naidudulot sa akin ni Gab. Ang paraan ng paghalik sa akin ni Gab deliberately sexual and erotic. Hindi ito ginawa sa akin noon ni Gab kaya bigla akong kinabahan. Marahan ko siyang itinulak.
"G-gab...."
"Mmm..." wika nito sa pagitan ng paghalik niya sa leeg ko
"A-anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Kissing you... loving you"wika ni gab"Hindi nagbabago ang bango mo sa nakalipas na mga taon sweetheart"wika uli ni gab
Muli niya akong hinagkan, wildly, hungrily. at tuluyan na akong nagpaubaya wala na ako sa sarili ng mga oras na ito. His hands all over my body. And i tried to suppress a moan. Tumunog ang intercom ngunit hindi ito pinansin ni Gab. Basta ang alam namin hinahagkan ako ni Gab and i was kissing back with equal fire.
Biglang bumukas ang pinto at sumungaw si Bea na nanlaki ang mga mata sa inabutan niyang eksena sa pagitan namin ni Gab.
"Oh!"
Nag-angat ng ulo si Gab na balewala na dinatnan kami ni bea sa ganoong eksena. Tinakpan niya ako ng katawan niya upang maayos ko ang aking sarili.
"I'm.... sorry..."nauutal na wika ni bea na hindi maitago ang pagkagulat sa nadatnan na eksena"Hindi mo sinasagot ang intercon. Nasa linya si Drei"wika ni bea na matalim ang tingin sa akin
Alam kong mali ang ginawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. After all these years si Gab parin ang laman ng puso ko.
itsme_Lynel
thank you😍 next kabanata coming😊
BINABASA MO ANG
My childhood sweetheart(Santa Fe Series)_COMPLETED
RomanceAstrid Saavedra isang dalagitang mayaman Gabriel San Jose isang playboy! Sila ay itinadhanang mahalin ang isa't isa! Ngunit tadhana rin ang magpapahiwalay sakanila! Tadhana rin ba ang dahilan para sila muling magkita?