Sapi kay Magdalena

113 7 0
                                    

Nanginginig ang kamay na binuksan ni Aling Gina ang pintuan ng silid ng kaniyang anak. Nang tuluyan na niyang nabuksan ang pintuan ay bumungad sa kaniya ang masangsang at hindi kaaya-ayang amoy.
Kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto.

"Huwag mong subukan!" Napaigtad ang ginang ng marinig ang nakakatakot na boses ng demonyong sumapi sa kaniyang anak.
Napaatras si Aling Gina nang nasundan ng nakakapanindig balahibong tawa ang sinabi ng kaniyang anak na tila nagmumula sa ilalim ng lupa.

Sobrang dilim ng buong kwarto pero dahil nakabukas ang pintuan na pinasukan niya ay may pumapasok na kakaunting liwanag. Nakita niyang nakagapos sa gitna ng kama ang kaniyang kawawang anak. Magulong-magulo ang buhok nito at nanlilisik ang pulos itim na mata.
Nagkalat din ang luntiang suka nito sa sahig na siyang pinagmumulan ng 'di kaaya-ayang amoy.
Dahan dahan siyang lumapit sa higaan nito at nilapag sa lamesa ang dala niyang bimpo at maligamgam na tubig. Balak niya sanang linisin ang katawan nito. Humigit tatlong araw nang hindi niya nalinisan ang katawan ng anak dahil natatakot siyang titigan ito.
"Magda, anak." Tawag niya rito. Nanlilisik ang matang nilingon siya ng anak.
"Lilinisin ka lang ni nanay, 'nak."

Huminahon ito at ibinaling ang tingin sa kisame. Piniga ni Aling Gina ang bimpo at ipinahid iyon sa kamay ng kaniyang anak. Pumatak ang kaniyang luha ng makita ang namumula nitong palapulsuhan dahil sa tali.

"Pakawalan niyo na ako dito 'nay." Lalong lumakas ang pagdaloy ng kaniyang luha ng narinig niya ang nakakaawang boses ng kaniyang anak.
"Hindi ko na kaya dito. Maawa ka 'nay" Inangat ni Aling Gina ang tingin sa mukha ni Magda. Bumalik na sa dati ang kulay ng mga mata nito.

Hindi niya napigilang hawakan ang pisngi nito. Kung siya lang ang papayagan ay matagal na niyang inilabas sa silid na iyon si Magdalena. Ngunit alam niyang lalong lalala ang kalagayan ng kaniyang anak kapag ginawa niya iyon.

"Nay..." humikbi ng malakas si Magda. Pinalis niya iyon. Biglang nag-iba ang kulay ng mata ni Magda at kinagat ang kamay ng kaniyang ina.
Mabilis na hinila ni Aling Gina ang kamay mula sa bibig ni Magda pero natanggal ang iilang balat at laman niya.

"Hindi niyo siya mababawi sa akin! Akin siya! Akin!" Boses ng halimaw ang pumalit sa mahinahong boses ng kaniyang anak.

"Lumayas ka nang demonyo ka sa katawan ng anak ko!" Hawak ni Aling Gina ang dumudugo niyang kamay. Humalakhak lang ito habang nagpupumiglas sa gitna ng kama.

Mabilis na lumabas ng silid si Aling Gina.

"Ilang araw nang sinapian ang inyong anak Mrs. Vargas?" Tanong ni Father Luis sa ginang. Pareho silang nakaupo ngayon sa sala. Nakalapag sa lamesita ang holy bible at holy water na dala ng pari.

"Maglilimang araw na po Father Luis. Natatakot na po ako, baka kung ano ma ang mangyari kay Magdalena. Hindi ko na po siya mapakain dahil sinsaktan niya po ang kung sino mang lumapit sa kaniya." Hinimas ng asawa nito ang likod ng ginang dahil nagsipatakan na naman ang mga luha nito.

Sinulyapan ng pari ang katabi ng ginang. Parang may nararamdaman siyang kakaiba sa lalaki, parang may mali. Hindi niya maipaliwanag dahil ngayon lang siya nakaengkwentro ng ganung pakiramdam.

"Maari ko ba siyang makita?" Pinalis ni Aling Gina ang mga luha sa mata at tumayo na.
"Sundan niyo lang po ako." At nagumpisa nitong tunguhin ang hagdan paakyat.

Tumayo na din si Father Luis at sinulyapan ang kasama niyang tatlo pang exorcist. Si Kael, Piolo, at Yohan, sila ang kasa-kasama niya tuwing may misyon sila.
Tinanguan niya ang tatlo na tumayo na din. Alam niyang nababasa ng dalawa ang pangamba niya.

Kasabay na naglakad ng ginang ang asawa nito. Hindi niya talaga nagugustuhan ang awrang nakapalibot sa lalaki.
Tumigil sila sa harap ng dilaw na pinto. Napaatras siya ng umalingasaw sa pintuan pa lang ang amoy ng asupre.

Pinihit ni Aling Gina ang pintuan ng silid ni Magdalena. Bumungad sa paningin nila Father Luis ang nakataling babae sa gitna ng kama.
Iniabot ni Yohan ang holy water sa pari.

Bagyang winisikan ni Father Luis ng holy water ang kanilang dadaanan. Napaigtad si Magda at sinubukang kumawala. Tila naamoy nito ang holy water sa paligid.

Naunang pumasok si Father kasama ang kaniyang apprentice. Sumunod naman ang mga magulang ni Magdalena.

Nag-sign of the cross si Father Luis bago inumpisahan ang pag-usal ng panalangin. Lalong bumagsik ang pagpumiglas ni Magda.

Pagkatapos ng pagdadasal ay inilapat ni Father Luis ang kamay sa noo ni Magda at inumpisahang umusal ng orasyon.

"Ako si Luis Benidicto, ministro ng panginoon at ng simbahan, sa ngalan ni Hesus, inuutusan kita, salahulang kaluluwa, kung nasa loob ka man ng katawan ng babaeng ito na anak ng diyos, at siya ay ginagambala, protinus des mihi praesentiam habere manifestum vestrorum ... qui ante hunc potuisse fieri me absente in consueto."
Humalakhak ng tuluyan si Magda. "Put*angina nyo! Hahahahaha"

Nagpumiglas ito kaya lalong nadiin ang mga kamay sa tali. Nagkasugat sugat na ang mga kamay nito at dumudugo na. Sinenyasan ni Father Luis na hawakan ng dalawa ang kamay at paa ni Magda para hindi nito masaktan pa ang sarili.

"Mapapasakin ang mundo! Pedicabo ego vos omnes!  Pedicabo ego Deus tuus!" Umaangat ang katawan ni Magda kaya't lalong diniiinan nila Piolo ang paghawak dito.

"Dicunt daemonium nomine tuo!" Balik na sigaw ni Fathe Luis. Biglang sumuka ng berde si Magda at buong lakas na nagpumiglas pa.

Kaya nabitawan ito ng mga apprentice at maging si Father Luis ay nabuwal sa pagkakatayo. Napasigaw si Aling Gina.

"Ayos lang po ba kayo Father?" Akma itong tutulong sa pagpapatayo sa pari pero pinigilan ito ng katabing asawa.

Nang tuluyang makatayo si Father Luis ay bumaling siya sa higaan ni Magda para sundan ang kaniyang orasyon.
Pero laking gulat niya ng makitang wala na ang dalaga sa kama nito.

Napaangat ang tingin niya sa kisame at doon niya nakita ito. Nakalapat ang kamay at paa sa kisama na parang gagamba habang nakatanaw ang maitim na mata nito sa kanila.

To be continued...

***
Vel_Ane2020

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon