Chapter 14: Confused
Pagkatapos ng klase namin ay nagmadali akong pumunta sa parking lot at ganoon na lamang kalakas akong napamura nang maalala na sabay pa kami ni Dash na pumasok at wala akong sasakyan.
"Tangina, Dashiell!" I screamed from the top of my lungs. Nasipa ko pa ang bato sa harap ko at muntik pa akong masubsob dahil nawalan ako ng balanse.
Bakit ba napakamalas ko ngayong araw? Naalala ko kaninang umaga tahimik lang ang mga kaklase ko. Ang iba naman ay nagtataka kung bakit parang big deal sa iba ang pangalang 'Vanshni'.
Nakapamaywang ako ngayon sa parking lot at parang gustong mang-carnap nalamg para makauwi ako kaagad. I rapidly tapped my right foot on the ground as if losing my patience.
Eh, tangina sino ba naman kase ang maiinis? Iniwan ba naman ako ng hinayupak. Hindi kami kumain ng sabay kanina dahil kasama ko si Mariel. She was following me all day and pestering me.
Wala naman akong nagawa kundi ang pansinin siya. Wala naman akong galit sa kaniya pero parang sinasabi ng sistema ko na gulo lang ang dala niya. Nang makita kong parang naiiyak na siya kanina ay syempre wala kang magagawa kundi ang pumayag sa gusto niya.
Nilibre niya ako sa cafeteria kahit sinabi kong may pera naman ako. Ayaw niyang magpaawat kaya naman pumayag nalang ako. Ilang beses ba itong nagtanong kung bakit ko raw siya iniiwasan.
"Hindi kita iniiwasan. Wala lang talaga ako sa mood para mamansin," pangangatwiran ko. Ilang beses pa itong humingi sa akin ng paumanhin kung may nagawa itong nakapagpasama sa loob ko.
Syempre! Hindi ba niya alam na ayaw kong lumalapit siya kay Dashiell. I am possessive when it comes to people I treasure a lot. It's like I'm building a wall para hindi agad sila makapasok sa buhay namin.
I am just being selfish and paranoid. I know this attitude of mine won't do any good to me. Napalingon ako nang may sumipol sa likuran ko.
Kunot-noo ko itong tinignan. "Anong kailangan mo?" Agad kong tanong nang makalapit ito sa akin.
I was stunned when I saw who the fuck he is. Napaawang ang bibig ko sa gulat. Hindi ko alam kung kakabahan ako o ma eexcite dahil nandito siya sa pinas.
"Uncle Vandrick!" Sigaw ko sabay takbi at yakap sa kaniya. He chuckled at my actions.
"How are you Grey?" Tanong niya sa akin nang bumitaw ako ng yakap. Hindi man lang ito nagsabi na uuwi ito ng Pilipinas sana nasundo ko man lang ito sa paliparan.
"Ayos lang po ako!" Nakangiti kong sagot. "Bakit hindi po kayo nagsabi na uuwi kayo? Sana ay nasundo namin kayo." Nanghihinayang kong saad.
Lumamlam ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Inakbayan niya lang ako saka ginulo ang buhok. "Nagpasundo ako kay Dashiell. Ang sabi niya ay may klase ka pa raw kaya hindi ka niya naisama."
Napasimangot ako. "Kaya pala iniwan ako ng damuhong iyon! Hindi man lang nagsabi na susunduin ka niya. Sana ay nag ditch nalang ako ng class ko. Hay."
Iginiya niya ako papasok sa sasakyan at nakita ko agad ang nanlulumong mukha ni Dash habang nakatingin sa akin.
"Greyㅡ"
"Huwag mo akong kausapin Dashiell Vlaire Smith! Galit ako sa iyo!" Putol ko sa sasabihin niya. Napayuko lang ito at huminga ng malalim bago pinaandar ng sasakyan.
Narinig ko pang tumawa si Uncle Vandrick dahil sa away naming dalawa. Uncle Vandrick is Dashiell's Dad. Kaya naging malapit na rin ako sa kaniya dahil lagi akong sinasama ni Dash tuwing pupunta kami sa mansiyon nila.
YOU ARE READING
The Nerdy Yet Possessive Girl
RastgeleA badass girl diguised as a nerd. Alam niya sa sarili niyang mali pero wala siyang pagpipilian. Sisingilin niya ang lahat ng may atraso sa kaniya sa pamamagitan ng pagtatago sa maskara niya.