Kabanata 11

700 19 39
                                    

WARNING: May SPG scene.

Kabanata 11

Burning


Nagpalit ako ng damit. White square collar puff sleeves floral midi dress at sandals. Lumabas ako sa suite at nakitang naghihintay si Eli, hawak ang phone niya. Isinabit ko sa kamay ko ang wristlet at lumapit sa kanya.


"Eli," tumingin siya sa akin at agad na ngumiti. 


"I posted our first pic as a couple." 


Ipinakita niya sa akin ang photo namin kanina na nakapost sa IG niya at may 500 likes na. Napangiti naman ako, ang ganda ko sa picture ah! Nakaakbay siya sa akin at nakasandal lang ako sa kanya. 


"Ready for dinner?" Tanong ko at inangkla na ang kamay sa braso niya.


Pagkababa namin ay sa beach side kami pumunta. Naroon na ang mga pinsan niya na at may bonfire doon. Hawag niya ang kamay ko at marahang pinisil yun. Natawa na lang ako, ang cute lang tignan. Pumisil ako pabalik. Pagkalapit namin doon ay agad kaming sinalubong nina Tak at Madi. Yumakap sa akin si Madi at ngumiti.


"Good to see you here, Ash! Finally, kayo na rin ni Kuya Eli." Kumalas sa yakap si Madi.


"Hoy Madi," tumaas saglit ang boses ni Eli kaya natawa na lang ako. "Doon ka na nga!"


"Wowers ah. Porque may gf ka na, itataboy mo na 'ko? Ouch!" Umarteng nasasaktan si Madi pero biglang ngumiti na ikinailing ko na lang. "Sige payag ako. Bilhan mo 'ko ng sapatos."


Napangiwi naman si Eli sa gilid ko.


"In your dreams, Madi. Ako nga, hindi mabigyan ng matinong regalo niyan ikaw pa kaya?" Lumapit sa amin si Rian na siyang may birthday ngayon.


"Hoy! Anong tawag mo do'n sa limited edition na watch na ibinigay ko sayo?" Tumaas ang kilay ni Eli. Nandito kami ngayon nakatayo sa gilid ng mga cabana.


"Bro, luma na 'yon, okay?" Ani Rian.


Jusko po, luma ba ang limited edition? Grabe naman pala ang mga pinsan niya!


"Enough, guys! Let's go eat na." Singit ni Madi at inawat na ang mga pinsan niya. Umakbay ulit sa akin si Elijah.


"Pagpasensyahan mo na sila, galit sa pera ang mga 'yon." Nahihiyang sabi niya.


"Parang ikaw," tawa ko. "Galit ka rin naman sa pera."


"You're worth every penny, baby." Hinigit niya ako palapit sa kanya at yumakap ako.


Mainit na yakap ang ibinigay niya as akin.


"I told you, I don't need any luxurious gifts." I replied. Umupo kami sa bean bag with sa cabana at tinignan siya many margin. "You are enough, Eli."

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon