Tanch's PO'V
"Ang ganda mo talaga girl, kaya hindi na ako magtataka kung bakit andaming nagkakagusto sayo. Bakit hindi kapa kaya maghanap ng jowa?" Sabi ng handler ko habang inaayusan ako.
Haynaku, wala akong oras sa love nayan busy akong tao kaya Hindi sumasagi sa isip ko ang bagay nayan. Sabi ko sa handler ko
"Nakuuu girl tumatanda kana kakailanganin mo rin ng taong magaalaga sayo balang araw, kaya kung ako sayo humanap kana habang maaga pa. Sigi ka baka magsisi ka lang sa huli."
Napaisip ako, tama naman sya tatanda din ako at manghihina hindi sa lahat ng oras nanjan si Davi para alagaan ako kase magkakaroon din sya ng sarili niyang pamilya. Saka kuna iisipin yan pagmeron nakong oras sa ngayon gusto ko munang kay davi umiikot ang mundo ko, kung meron mang tao na nakalaan sakin kusa syang darating. Akmang magsasalita pa sana yung handler ko nang bigla akong tinawag para sa photoshoot.
Hanggang sa pagtapos ng photoshoot ko iniisip ko parin yung sinabi ng handler ko. Tama sya kakailanganin ko ng taong mag aalaga sakin pagtumanda na ako, ayokong tumanda na ako lang mag isa dahil hindi sa lahat ng pagkakataon nasa tabi ko lang si davi, tatanda din sya at magkakaisip, bubuo ng sariling pamilya ay magtatrabaho baka nga minsan nalang nya ako madalaw. Napailing ako tinapik tapik ko ang mukha ko saka sabay sabing haynaku tanch wag mo muna isipin yan, matagal pa ang panahon makakahanap ka rin.
Naisipan kong maglibang libang muna at pumunta ako sa mall para maggrocery, bigla ko kasi naalala na paubos na ang stock ng foods namin kaya bibili na ako.
Binili ko yung mga paboritong ulam ni Davi at bumili rin ako ng pasalubong, panigurado matutuwa yon pagdating ko. Syempre bumili narin ako ng gulay at prutas para hindi puro karne ang ulam namin, nakakasawa din kase minsan ang puro karne.
Habang papunta na ako sa counter ay bigla akong nabunggo ng isang babae hindi ko alam kung bakit biglang nagslow mo ang paligid, napakaganda naman nya sabi ko sa sarili bigla nalang akong natauhan nang magsalita sya.
"Ayy sorry miss hindi ko sinasadya, okay ka lang ba? tanong nito sakin
Ah--ha? Ayy shet bakit ganito? Bakit nauutal ako? Nakakahiya ka tanch ayusin mo sarili mo. Ah oo ayos lang ako, ikaw ba? Balik kong tanong sa kanya
"Oo okay lang din ako, pasensya kana hindi kita napansin nabunggo tuloy kita" pagpapaliwanag nito.
Nakuu okay lang, sorry din kase hindi din kita nakita. Akmang pupulutin kona ang mga pinamili ko nang mapansin na sabay kaming yumuko at nagkahawak ang aming mga kamay ng sabay naming pinulot yung spam na ngayoy nasa sahig. Hindi ko alam kung saan galing ang mga boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko ang weird bakit ganito? Bulong ko sa isip ko.
*Natawa naman sya sa nangyare. Akalain mo yon parehas pa tayo ng pupulutin.
Ang cute nyang tumawa, at ang ganda ng ngiti nya, shet tanch ano kaba babae yan, umayos ka para kang sira sabi ko sa isip ko. Naguguluhan man ay pinilit kong tumawa ng bahagya para hindi nya mapansin ang inaasal ko. O-oo nga ea. Ang tanging nasabi ko sa kanya. Gaaad tanch umayos ka nga nakakahiya mga inaasal mo saway ko sa sarili.
"By the way I'm Sarah Garcia, you can call me sarah. How about you?" Sabi nya saakin.
A-ah, Nice to meet you sarah. I'm Tanchellie Lobete, you can call me tanch for short. Ang ganda naman ng name nya bumagay sa ganda ng mukha nya. Masasabi kong isa syang anghel na nahulog sa langit sabi ko sa isip ko.
"Ang unique ng pangalan mo ha, pero ang ganda. Nice to meet you too tanch and I'm sorry sa nangyare. Mauuna nako tanch ha? Naghihintay na kase sakin yung mga alaga ko sa bahay, bye ingat ka. sabay ngiti sakin."
Naiwan akong nakatulala dahil sa ngiti nya, bakit ganito? Bakit iba yung pakiramdam ko? Bumalik sa realidad ang isip ko at napansing magbabayad na nga pala ako, nakakahiya sa mga tao kase nakita nilang nakatulala ako, ea pano ba naman hindi mawaglit sa isipan ko yung ngiti nya. Nabubuang nako sabi ko sa sarili.
Hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako, hindi kase mawala sa isipan ko yung nangyare kanina. Haynaku tanch pagod lang yan magpahinga ka muna mawawala din yan sabi ko sa sarili. Pagpasok ko sa bahay ay agad naman akong sinalubong ni davi. Agad ko namang binigay sa kanya ang pasalubong ko at kitang kita ko kung gano sya kasaya, napangiti nalang ako bigla at naalis sa isipan ko yung nangyare kanina. Inayos ko lang saglit ang mga pinamili ko at napagpasyahan kong magpahinga na dahil buong araw akong nagtrabaho.
Sarah's PO'V
Naglalakad ako papuntang counter nang may bigla akong nabunggo, nakooo Sarah ano nanaman to dika nag iingat may nabunggo kapa tuloy. Sabi ko sa sarili. Ayy sorry miss hindi ko sinasadya, okay ka lang ba? Tanong ko sa kanya.
"Ah--ha? Ah oo ayos lang ako, ikaw ba?" Balik nitong tanong sakin.
Oo okay lang din ako, pasensya kana hindi kita napansin nabunggo tuloy kita. Napansin kong kakaiba ang kinikilos nya ang weird lang para syang bata na nakita yung crush nya at hindi sya mapakali.
Pupulutin kona sana yung spam na nahulog nung nabunggo ko sya nang mapansin ko na sabay kaming hinawakan yon, nagulat ako na natawa. Natawa ako sa nangyare. Akalain mo yon parehas pa tayo ng pupulutin. Sabi ko sa kanya
Tumawa din sya pero halatang pilit yung tawa nya pero diko na pinansin.
O-oo nga ea. Utal nyang sabi.
By the way I'm Sarah Garcia, you can call me sarah. How about you?" Pagpapakilala ko.
"A-ah, Nice to meet you sarah. I'm Tanchellie Lobete, you can call me tanch for short." Sabi nya
Ang unique ng pangalan mo ha, pero ang ganda. Nice to meet you too tanch and I'm sorry sa nangyare. Mauuna nako tanch ha? Naghihintay na kase sakin yung mga alaga ko sa bahay, bye ingat ka. Sabi ko at umalis na para makauwi ng maaga. Galing kase ako sa flight at kakauwi ko lang galing LAX kaya wala pakong tulog at pagod ako pero dahil mahal ko ang mga alaga ko bumili muna ako ng pagkain nila at naggrocery narin para hindi na ako bibili bukas.
Pagkadating ko sa bahay ay sinalubong ako nila toby at tiby mga alaga kong aso, wala kasi akong jowa dahil tinuon ko sa trabaho at pamilya ko ang buong atensyon ko. Natakot na kase akong magmahal muli dahil sa past relationship ko.
Pinakain ko muna ang mga anak ko, anak na kase ang turing ko sa mga aso ko. Buti nalang at pumupunta si lommy dito sa bahay para bigyan ng pagkain ang mga alaga ko. Humiwalay na ako ng bahay kila mommy kahit na wala pa akong asawa at pumayag naman sila. Ayoko na kasing umasa sa kanila may trabaho naman ako kaya kayang kaya kona mag isa. Pagkatapos kong bigyan ng pagkain ang mga anak ko ay agad naman akong pumunta sa banyo para maghalfbath.
Katatapos ko lang maghalfbath nang maalala ko ulit yung nangyari kanina, bakit kaya hindi mapakali si tanch? Tanong ko sa sarili. Pero inaamin ko ang ganda nya, hindi ko alam pero magaan agad ang loob ko sa kanya. Hayyy bahala na matutulog nako.
BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanfictionGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...