Last Kiss

11 0 0
                                    

March 15,2008 ang napiling araw ng pagpopropose ni Jedrick kay Koleen.

Isang taon mula ng makilala ni Jedrick ang muling makakapagpabuhay sa kanyang puso. Doktor si Jedrick sa isang ospital sa Baguio at doon ay naging pasyente niya ang isang babaeng naging biktima ng isang malagim na hit-and-run car accident.

Dalawang buwang na-comatose si Koleen at sa loob ng dalawang buwan na ito ay tanging si Jedrick at ang mga nurse sa maliit na ospital na iyon ang nag-alaga sa kanya. Ngunit hindi rin maitatanggi ang kakaibang atensyon ni Jedrick sa natatanging pasyenteng ito at batid ito ng kanyang mga katrabaho. Halos sa ospital na ito natutulog para lang mabantayan si Koleen lalo na ng unang beses itong nag-flatline. Paniwala naman ng ilang matagal ng kilala si Jedrick ay naaalala lamang nito ang ex-girlfriend nya kay Koleen dahil kamukhang-kamukha ito ni Aileen.

Nang magising si Koleen napag-alaman nilang nagkaroon ito ng amnesia dahil sa sinapit na aksidente. Wala siyang maalala na kahit anong impormasyon tungkol sa kanyang sarili na lalong nagpahirap sa kanila para mahanap ang mga kamag-anak nito. Ang mga nurse na doon ang tumawag sa kanya ng Koleen.

Parang isang batang alaga nila noon sa ospital na iyon si Koleen, tahimik lang at sumusunod sa anumang ipagawa sa kanya. Mabilis naman ang naging pag-recover niya sa tulong narin ng mga nurse at doktor doon, lalo na ni Jedrick. Si Jedrick narin ang sumagot sa hospital bills niya at kahit nahihiya man ay wala na rin syang nagawa kundi ang magpasalamat dahil wala naman talaga syang ibabayad roon. Gumaan lamang ang kanyang loob niya nang sinabi ni Jedrick na utang iyon at kailangan nya ring pagtrabahuhan.

Nang lubusan ng maging maayos ang kalagayan ni Koleen ay ipinasok sya ni Jedrick sa isang flower shop na pag- aari naman ng kanyang nakatatandang kapatid. Doon na rin nanirahan si Koleen dahil may kwarto naman doon maliit lang pero malaking bagay na para sa tulad niyang magsisimula pa lamang ulit ng kanyang buhay galing sa wala.

Mula ng magtrabaho si Koleen sa flower shop ay napapansin ni Jannine  ang madalas na pagdalaw ng kapatid. Doon pa lamang ay alam na niyang espesyal si Koleen dito.

"Gusto mo sya 'no? "biglang tanong ni Jannine sa kapatid. Nahuli nya kasi itong kanina pa pinagmamasdan si Koleen habang nag-aayos ng isang bouquet ng bulaklak na order ng isang customer.

Agap namang napalingon si Jedrick sa kanya at ng makitang nakangiti ang kapatid ay napangiti rin siya at umiling sa tanong ng kapatid. "Ate... "

"I know you Jed. Hindi ka ganyan sa ibang babae at ayoko ng ipaalala yung huling beses kang nagkaganyan. I know how painful it was but you deserve to be happy again."

"Pero hindi pa maayos ang lagay niya. " lahad nito habang nakamasid parin kay Koleen. Dalawa na silang magkapatid na nakatanaw ngayon sa dalaga.

"What do you mean hindi maayos? She's perfectly fine. Nakakapagtrabaho. Mukha naman syang masaya dito. Yung memories nya? Jed doktor ka alam mong walang kasiguraduhan kung kailan babalik o kung babalik pa ang alaala nya. At ano naman ngayon kung wala syang maalala tungkol sa sarili nya? You two can make memories of your own. Beautiful memories Jedrick. Your own beautiful memories together." punong-puno ng pag-asa ang mga mata ng kanyang kapatid. Ngunit hindi sapat para mawala ang mga agam-agam niya.

"Pero paano kung may minamahal na pala sya. Boyfriend or..... asawa. " bigong napayuko si Jedrick sa narealize niya. Matagal na niya itong naiisip kaya naman pilit niyang hinahanap ang nakaraan ni Koleen noon pa man. Ito na lamang ang tanging pumipigil sa kanya na ipagtapat ang nararamdaman para kay Koleen.

Hinaplos ni Jannine ang likod ng kapatid. "Trust me Jed, kung may asawa o boyfriend sya malamang noon pa man ay hinanap na siya rito. Malaking balita sa buong bayan ang aksidenteng nangyari sa kanya noon. Imposibleng hindi iyon mabalitaan. Sinong asawa o boyfriend ang hindi maghahanap sa kanya kung apat na buwan na siyang nawawala?"

Last KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon