Four || Win

75 2 0
                                    

"Okay ka lang diyan, apo?"

Napapapikit na ako habang nakaupo sa likuran ng kotse ni Lolo. Paano naman kasi? Naka-todo lagi 'yung aircon tapos wala pang pinapatugtog 'yung personal driver namin. Sino ba namang hindi aantukin sa lagay na 'to?

Alam ko namang birthday ngayon ni Lolo kaya pwede niyang gawin lahat ng gusto niya... pero bakit ginawa pa niyang 11 pm 'yung celebration? Hindi ba dapat dinner time ginaganap ang mga ganitong event?

May pupunta pa kaya sa party niya? I thought old people wouldn't even bother to go to events that are past eight in the evening. Mga teenager nga lang ata 'yung magbabalak na mag-party ng ganto ka-late ng gabi.

Tsk, sana pala natulog na lang ako kaninang hapon imbes na gumala kasama ang mga kaibigan ko. Kung alam ko lang na wala naman palang bibilhin na bagong game console si Fong, hindi na ako sasama sa kanya eh. Nagsayang lang kami ng oras kanina sa paglilibot ng mall.

I just wanna go home so bad.

Hindi na ako sure kung kaya ko pang itago sa party 'yung antok ko. I need a cup of coffee so bad. Or a glass champagne. Why not both?

Sana lang may ipakilalang magandang babae si Lolo sa akin mamaya. That would definitely make my night better.

"Tulog na ba siya?" Lumingon si Lolo para silipin ako sa likuran niya. "Tsk tsk. Sabi ko naman sa'yo Win, dapat hindi ka na lang muna gumala kanina eh."

"Okay lang ako, Lolo." Sakto namang napahikab ako. "Manghihingi na lang po ako ng kape mamaya sa hotel."

"Are you sure?"

"Yup..."

Inayos ko ang pwesto ko sa mas komportable na posisyon. Pinatong ko ang mga paa ko sa upuan ng kotse at sumandal sa bintana. Humikab ako for the second time bago ko ipikit ang mga mata ko.

I didn't notice that I had already drifted to sleep. Next thing I knew, nagising na lang ako bigla nang may narinig akong kumakatok sa labas ng bintana ng kotse namin. Kinusot ko ang mata ko at napansin kong nakaparada na pala ang kotse namin sa harapan ng isang hotel.

Damn, how long was I asleep?

Kinakatok na ako ng kaibigan ni Lolo at ang co-owner ng kumpanya namin. May suot siyang kulay silver na tuxedo at black na long sleeves sa loob.

I never bothered to know his name, kaya Mr. VP na lang ang tinatawag ko sa kanya. He doesn't seem to mind anyway. If anything, it makes him proud of his position as the company's vice-president.

Kahit na mas bata siya ng limang taon kay Lolo ay mas kapansin-pansin ang kanyang edad. Mas defined ang wrinkles niya sa mukha, at halos kakaunting piraso na lang ng kulay puting buhok ang nasa kanyang ulo. Wala rin siyang kabalbas-balbas.

Siguro dahil na rin mas exposed siya sa stress kaysa kay Lolo. Siya kasi ang laging in-charge sa kumpanya sa tuwing wala si Lolo sa bansa. Never pa siyang sumama kay Lolo sa tuwing may pupuntahan siyang conference sa ibang bansa.

Habang nagpapakasasa si Lolo sa ibang lugar, busy ang vice-president na i-oversee ang lahat ng mga sub-companies.

Agad naman akong lumabas ng sasakyan para samahan si Vice President papasok ng hotel.

"Would you take a look at yourself?" sabi niya sa akin. "Your suit's wrinkled and your hair's all over the place!"

Tumalikod ako para tingnan ang itsura ko sa bintana ng kotse namin.

Gago, ang gulo nga ng buhok ko.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga kamay hanggang sa mukha na itong presentable. Inayos ko rin ang suit at slacks kong kusot-kusot na dahil sa paghiga sa kotse kanina.

Outlaws (BrightWin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon