The Beginning

6 0 0
                                    

PROLOGUE

"Hi.."
Isang ngiti ang sumulay sa kanyang magandang labi nang makita nya ako sa pintuan. Ngiti na hindi ko pa nakikita noon.
"Pasok ka.."
Inaya nya akong pumasok sa kanilang tahanan. Tahanan na naging tahanan ko rin. Tahanan na naging malaking bahagi ng pagkatao ko.
Pumasok ako at tumuloy. Umupo sa sopa. Pinagmasdan ang paligid. Halos walang nagbago -- maliban sa kanya.
Pumunta sya sa kusina at pinaghanda ako ng tsaa. Bagay na alam kong alam nyang hilig ko.
Umuulan sa labas. Tila ba hindi nakikisama ang panahon sa nararamdaman ko.
Tama, ito na ang panahon. Andito na ko, Joni..
Ibinigay nya sa akin ang tsaa at naupo sa harapan ko.
Tila ba hindi limang taon ang nagdaan. Sya pa rin si Joni -- ang babaeng may pinakamagandang mukhang nakilala ko. Ang taong kahit kelan hindi ko naisip na matagal ko na palang minamahal..
"Kumusta ka na?" tanong ko.
"Ito... may anak na," sagot nya sabay ngiti sa akin.
Mali ako. Akala ko hindi nakikisama ang panahon. Napatigin ako sa bintana kung saan madilim ang kalangitan at malakas pa rin ang buhos ng ulan. Napatingin din ako sa kamay nyang may suot na singsing. Bakit hindi ko naisip?
"Si John, Jimmy.." basag nya sa katahimikan.
...at sa best friend ko pa

10 YEARS AGO

JONI'S POV
"Hoy, Jimmy!" sigaw ko.
"Ano na naman 'yun?"
Napangiti ako sa sagot nya. Iritable na naman ang mahal ko. "Saan ka ba pupunta?", tanong ko ng makasabay sa kanya.
"Papasok, saan pa nga ba?"
"Pero Sabado ngayon!"
Ako si Joni Larosa, ang love child ni Josephine at Ninito Larosa. Sa totoo lang napapangiitan ako sa pangalan ko noong una kasi parang panlalake pero habang tumatagal, hinayaan ko na. Wala naman akong choice di ba?
I'm fifteen at itong higanteng kasama ko? Sya si Jimmy - ang future husband ko. Iniisip ko pa lang na bubuo kami ng buhay ng magkasama sobrang kinikilig na ko.
"May practice kami ng basketball, Joni. Wag kang makulit," sita nya sa akin.
Ganun lang talaga sya lagi. Laging masungit. Pero okay lang yun. Sya naman ang pinakamamahal ko.
"Anong oras ba yan?" tanong ko.
"10 AM. Ito na nga, late na ko," sagot nya.
It's past 9AM, sa totoo lang makakaabot pa sya sa practice nila. Sadyang pet peeve lang talaga ni mahal na ma-late. YES, mahal! Fightme!
Hindi naman nagtagal at nakarating na kami ng school. Maige na lang hindi ako naka-pajama kasi nakakahiya yun. Papasok na dapat ako nang harangan ako ng manong guard.
"Neng, bawal ka dito,"
"Bakit naman kuya? Estudyante nyo rin naman ako dito.."
"Oo nga kaso wala kang ID."
Napayuko ako at nakaramdam ng lungkot. Oo nga at nakaayos ako pero wala nga pala akong ID.
'Gusto ko sanang makitang maglaro si Jimmy my loves kaso di ako makakapasok, sayang naman,'
"Kuya, sagot ko na 'to. Ngayon lang naman saka di naman magtatagal 'tong bata. Ako na bahala sa kanya," narinig kong sagot ng katabi ko.
'Yung puso ko, grabe ang kalabog. Hindi ko akalain.. Napatitig ako sa mukha nya. Hindi ko maintindihan kung ano pinag-uusapan nila basta ang alam ko nakikipag-usap sya, tumatawa at ang gwapo-gwapo nya. 'Yung tiyan ko bakit parang, ano nga uli to? Ito na ba yung sinasabi nilang butterflies in my tummy?
"Joni, halika na," hawak nya sa kamay ko habang papasok sa loob ng school.
And I think, I am the happiest girl in the world.Supposedly, boring talaga yung practice nila but since kasali si Jimmy pakiramdam ko every minute counts. Sobrang crush ko si Jimmy ever since na pinakilala sya sa akin ng kuya. At oo, may kapatid akong nakakatanda sa akin.
They possessed the same height and the likes, marami na rin akong nakilalang kaibigan ng kuya pero iba si Jimmy. Si Jimmy lang kasi ang pangarap kong makasama habangbuhay. Matutupad rin ang pangarap kong maging housewife.
Ayoko maging housewife kung di lang din naman si Jimmy ang mapapangasawa ko. Ilang anak kaya ang gusto nya? Grabe, kinikilig ako..Natapos ang practice ng matiwasay, late na at nagkameeting pa sila. For me, okay lang since si Kuya naman ang kasama ng loves ko so panatag ako.
Nagdecide akong kumuha ng gatas sa baba para makatulog ako agad."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, pare? Pag-isipan mo kaya muna?"
"Oo pare. Sigurado na ko. Besides, this is what we've always wanted di ba?"
Nakita kong ngumiti lang at umakbay si Kuya at binati si Jimmy ng congrats at pinaalalahanang mag-iingat.
Anong ibig sabihin nun?
Andito ko sa kusina ng di nila namamalayan. Hawak ko pa rin ang baso ng gatas nang mahigpit. Tila ba doon ako kumukuha ng lakas. Gusto ko sanang alamin kung saan sya pupunta pero nanghihina ako sa pinag-uusapan nila. Hindi ko kayang magpakita.
Hindi ko maintindihan, aalis na ba si Jimmy? Pero saan sya pupunta?

Don't Cry, JoniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon