PATRICIA'S POV
Dismissal na at sabay-sabay kaming magkakaibigan pauwi. Ganito kami lagi, magkasabay sa break time, lunch time, uwian, pati sa galaan. Ewan ko ba kung bakit hindi kami nagsasawa sa mukha ng isa't isa, pero panigurado isa sa reason do'n is we enjoy each others company. Hindi kagaya dati sa past friendship ko na---whatever.
"Hoy mga munggo, basta hintayaan mamaya sa may town ha?" Pagpapaalala ni Raph sa'min at tinignan pa kami isa-isa kaya naman agad kaming tumango
"Oo na, langya! Alangan namang kalimutan namin eh dati pa natin 'yong ginagawa?" Ani Chen habang inaayos ang magulo niyang bag, pero mas magulo parin intindihin mga banat niya
"O siya, uwi na tayo at magpapalit pa tayo ng damit" Nagmamadaling Sabi ni Eric at nagpauna na namang mag lakad habang nakapamulsa
"Hoy Eric! Sabay na tayong magpalit" Sigaw ni Leonard kaya naman natigilan si Eric sa paglalakad at inis na nilingon ang isa
"Kadiri! 'Wag na uy! Bakla ka ba?!" Kunot-noong asik ni Eric at diring-diring tumingin sa kanya kaya naman agad nag-cling sa braso niya si Leo
"Yes papa Eric, halika na sa banyo. Papaligayahin kita" Bakla-baklang sabi ni Leo habang kagat ang labi at hinila-hila niya ito, humagalpak kami ng tawa sa naging reaction ni Eric, bwisit na bwisit talaga siya kay Leonard kahit kelan HAHAHAHAHA
Nagpaalam na kami sa isa't isa at tuluyan ng naghiwa-hiwalay para umuwi at magpalit ng damit. Nilagay ko ang hintuturo ko sa baba ko habang nakatingin sa closet ko dahil hindi ako makapili ng damit na susuotin ko. Sa huli ay pinili ko na lang ang blue green blouse at white pants dahil hindi naman malayo ang pupuntahan namin.
-----
Nandito na kami ngayon sa Burnham Park dito sa Baguio kung saan kaming pumupuntang magkakaibigan, naglalatag kami ng sapin sa sahig at nagpi-picnic gabi man o hindi. Madalas rin kaming mag jamming dito hanggang sa mga si-piyok na kami, inaalala rin namin lahat ng mga nangyari sa amin, 'yung mga katarantaduhan, katangahan at kahihiyan namin tapos tatawanan ang bawat isa.
"Eto eto, naalala niyo yung nasa jeep tayo tapos natamaan ng kamay ni Jane 'yung isang ale? At imbes na 'sorry' ang sabihin niya ay 'yuck' ang lumabas sa bibig niya? HAHAHAHAHA" Tawang-tawang kwento Brenda dahil sa hindi makalimutang pangyayari noong nakaraan
"Sorry naman, nag-uunahan tayo nun sa pagsakay ng jeep kasi kung sino ang mahuli siya ang magbabayad tapos ganun mangyayari, punyeta!" Ani Jane na umirap pa at pinaghahampas si Chen dahil ito ang tunay na may sala
"Si Pat naman tanga-tanga, hinoldap na nga't lahat nagawa pang maki-usap kung pwedeng kunin 'yong SD Card nya HAHAHAHA napakabobo buti 'di ka sinaktan, pero kung sakaling may ginawang masama sa'yo 'yong gagong 'yon ay nandito lang kaming apat na lalaki para bugbugin siya" saad naman ni Eric habang kumakain ng chocolate cake na binili namin kanina, kahit kelan ang takaw, hindi man lang ibigay sa'kin ang konting taba.
Kwinento ko kasi kanina 'yong nangyari kaninang umaga nung hinoldap ako kaya naman nag-alala sila sakin saglet tapos wala silang humpay sa pagtawa sa ginawa kong kabobohan raw.
"Hoy tangina niyo importante 'yong mga nakalagay don 'noh, nandon mga pictures at videos nating tropa tapos may files din do'n na para sa school mga punyeta" ngumuso ako at nag crossed arms pa isa-isa silang sinamaan ng tingin
YOU ARE READING
Behind the Broken Glass (ONGOING)
Teen Fiction"Our relationship are like glass. Sometimes, it is better to leave them broken that try to hurt ourselves putting it back together." This is my first story so I hope you guys would like it. Enjoy reading!