CHAPTER 5

97 54 2
                                    

PATRICIA'S POV

Wala kaming pasok ngayon dahil may urgent meeting ang lahat ng teachers at nandito ako ngayon sa kwarto ko at inaayos ang mukha ko dahil may pupuntahan kami ngayong araw ni Raph.

Nang makuntento ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan ko si Jerome na nanonood sa sala. Nilingon niya ako at kumunot ang noo niya nang mapansin na parang ang ganda ng aura ko.

"Ganda ng mood natin ngayon ah" nakangisi niyang sabi

"Ano ngayon? Problema mo?" Pagtataray ko sa kanya, tumaas ang kilay ko nang tumayo siya at lumapit sakin "Ano na naman ba?" Asik ko at pinalo siya sa braso nang hawakan niya ang kamay ko

"Ate" nakangiti niyang tawag sakin at inalog-alog ako kaya umasta akong sasaktan siya pero agad siyang umilag

"Oh?!"

"Hehe, ate" pag-ulit niya

"Ano nga 'yon?! Putangina ka!"

"Tutal naman mukhang maganda mood mo, baka pwede mo 'kong bigyan ng pera? 2k lang naman, sige naman na, oh" aniya at umastang nagpapaawa

Tinignan ko siya at nilabas ko ang wallet sa bag ko pagkatapos ay kumuha ako ng pera.

"Pikit ka muna" pang-uuto ko sa kanya at agad naman niyang ipinikit ang mata niya

Kinuha ko ang kamay niya at nilagay ang pera do'n at inutusan ko siyang dumilat na. Nanlaki ang mata niya pero maya-maya lang ay bigla rin itong nangunot nang makita niya ang pera.

"Putangina, aanhin ko 'tong bente pesos?" Sigaw niya sakin

"Aarte ka pa? Atleast nga binigyan pa kita, yung iba nga diyan walang pera eh tapos ikaw nag-iinarte?! Hala sige, layas! Pumunta ka store at bumili ng cornetto!" Pangangaral ko sa kanya at tawa-tawang lumabas ng bahay

Kahit kelan talaga magastos ang isang 'yan, puro walwal lang ang alam. Pero hindi naman namin siya pinapakialaman dahil kahit ganyan siya kagago matalino naman siya, lagi siyang may awards sa school.

-----

Nandito na ako sa park kung saan kami magkikita ni Raph. Nakaupo ako habang hinihintay siya pero masyado ata akong napaaga ng dating o late lang talaga siya ng 10 minutes.

Nilibot ko ng tingin ang park at napansin ko na halos mga couple ang mga nandito na nagde-date. Nang mabored ako ay tumayo ako pumunta sa gitna kung saan nakaupo ang mga mag-jowa at naglalandian. Dahil bitter ako ay may naisip akong kademonyohan kaya napangisi ako.

Nagkunwari akong may tinatawagan at sumigaw ako sa phone "Hoy, yung jowa mo dito nakikipaglandian sa ibang babae!" Nagulat at natawa ako nang may limang lalake ang biglang tumayo at umalis.

Tsk tsk, boys are always boys. Kahit kelan siguro hindi nila alam kung paano makuntento sa isang babae. Nananahimik lang ang mga babae tapos sila itong papasok-pasok sa buhay nila tapos sa bandang huli sasaktan o iiwan lang nila ang mga ito. Kabobohan talaga ng mga lalaki. Dalawa na nga ulo nila di pa sila maayos mag-isip.

Habang nag mo-monologue ay napansin ko na papalapit na sa akin si Raph kaya naman agad akong napatayo at ngumiti sa kanya hanggang sa hindi na makita ang mata ko.

"Sorry for waiting, kanina ka pa diyan?" Nakangiti niyang bungad sa akin

"Ah hindi naman, kakarating ko lang din actually" pagsisinungaling ko

Behind the Broken Glass (ONGOING)Where stories live. Discover now