Santa Barbara

84 1 0
                                    

Nasaan na ba kasi tayo?  tanong ko habang nililibot ang paningin ko sa malawak na lugar na tila hindi nadaraanan ng tao.

Hindi ko rin alam. Sinunod ko naman yung mapa eh.  sagot niya na halatang naiinis na rin dahil katulad ko mainit na din ang ulo niya.

Tirik na tirik ang araw at kanina pa kami paikot ikot dito sa lugar na ito, naaalala ko dahil sa sunog na puno na kanina ko pa nakikita.

OMG~ Don't tell me naliligaw tayo?  sabi ko na may halong panic. Ayaw ko kasi ang naiisip ko.

Hindi eh, tama talaga yung tinatahak natin. Hindi kaya napaglalaruan tayo?  hindi ako tanga at lalong hindi ako pinanganak sa makabagong mundo para hindi makuha ang ibig niyang sabihin. 

Feeling ko naeengkanto tayo.  sabi niya, katulad ng nasa isip ko.

Napansin kong nakangisi siya.  Anong meron diyan sa ngiti mong yan?  tanong ko na may halong iritasyon.

Hindi ka ba natatakot? Kasi kung talagang naeengkanto tayo, ikaw ang iaalay ko.  sabi niya sabay tawa na lalong nakapagpainit ng ulo ko.

Ha-ha Funny!  bwisit! bakit kasi ito pa ung kasama ko.

Biglang may humawak sa balikat ko na s'yang ikinagulat ko. Ahhhhhh!  tili ko sa matandang babae.

Ineng, saan ba kayo paroon?  tanong niya sa akin.

Pupunta po sana kami sa Santa Barbara, alam niyo ho ba kung paano kami makakarating doon?  tanong ni Apollo sa matanda dahil hindi agad ako nakasagot.

Santa Barbara?  mahinang usal ng matanda at tila iniisip ang lugar. Kung hindi niyo mamasamain ano ang kailangan niyo sa lugar na iyon?  tanong sa amin ng matanda.

Nagkatinginan muna kami ni Apollo at nagaalinlangan kung sasabihin namin ang pakay namin. 

Ayon po sa informer na nakausap ko, doon ko raw ho makikita ang nanay ko.  sagot ko dahil mukhang malalaman ng matanda kung hindi kami magsasabi ng totoo.

Ngumiti ang matanda. Kaya pala tila may kamukha ka. Taga Santa Barbara ako maari ko kayong samahan papunta roon kung gugustuhin niyo.  alok sa amin ng matanda.

Talaga ho?  tila excited na tanong ni Apollo.

Hindi niyo po ba pwedeng ituro na lang?  sabi ko na may pagtataray pang kasama.

Aphrodite!  saway sa akin ni Apoloo. Tinignan ko lang siya ng what-look.

Ngumiti ang matanda. Hindi ka naniniwalang kaya ko kayong dalhin doon?  tinignan ko lang siya at sinusukat kung maari ba namin siyang pagkatiwalaan. 

Fine!  pagsuko ko. Let's go. 

Inang Guada, naniniwala ho ba kayo sa mga engka-engkanto?  tanong ni Apollo. Nagpakilala sa amin ang matanda bilang Inang Guada, siya raw ang punong batangay ng Santa Barabara.

Oo naman, bakit naranasan niyo ba kanina?  balik tanong niya.

Nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko,

Parang ho, kasi ho pakiramdam ko takbo lang kami ng takbo pero doon at doon lang din ang bagsak namin. Iyon ay bago niyo ho kami nakita.  paliwanag ni Apollo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Santa BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon