SIYA. SIYA ANG EX-CRUSH KO
'Oy. Nag-aabang ka na naman diyan?' Hindi ko na pinansin pa si Madi. Tumingin ulit ako sa cellphone ko. Online naman siya sa Fb pero hindi pa rin siya nagrereply sa akin.
'Oy, Gracias, Anne Eliza daw! Roll call na!' sabi ni Cecille sa akin.
'Eh?' Nakatingin sa akin ang Professor namin sa Chemistry. Masama ang tingin niya. Naku! Patay ako neto. Bakit kasi hindi ako nakikinig? Tss. Kasalanan ito ni Ram. Masyado niyang ino-occupy ang isip ko.
'Seems like you are physically present but mentally, socially and emotionally absent Ms. Gracias. So, mind telling us what keeps on bugging you early in the morning?' mataray na tanong ni Ms. Vallejo. First class ko kasi ito ngayong araw, 7 am.
'Uh. Nothing, Ma'am. I am just a bit sleepy' palusot ko. Mukha namang convinced sya sa sinabi ko kaya nagpatuloy na sya sa pag-che-check ng attendance.
Tumingin ulit ako sa phone ko. Yikes! May message siya sa akin.
Ramses Santiago: Ugh. Hindi. I-try mo sigurong mag-multiply ng e to the x sa numerator at denominator.
Haaay. Kahit puro math pa siguro ang pag-usapan namin okay lang sa akin basta parati ko siyang ka-chat. Kaklase ko kasi si Ram sa higher Math at ayun, naglakas loob na akong magpaturo sa kanya lalo na pag may problem sets kami dahil ayaw ko ng bumagsak ulit sa exam. Lame but good excuse naman yun. Mabait naman kasi si Ramses kaya okay lang magpa-turo sa kanya. At isa pa, isang magandang paraan ito para mapalapit ako sa kanya. Isang taon ko na rin kasi siyang crush. Pero ngayong sem lang niya nalaman ang existence ko.
Maya-maya lang ay may napansin ako sa news feed.
Ramses Santiago updated his status. Napakunot-noo ako.
Ramses Santiago is in a relationship with Ami Louise Verbo
Parang dinikdik na bawang ang puso ko. Letse. Ito pala yung broken heart.
Natapos ang klase na wala akong naintindihan.
'Oy, girl, okay ka lang? Para kang nalugi'
Hindi ko pinansin sina Madi at Cecille. Mula ngayon, mag-mu-move-on na ako.
Mahirap syempre sa simula kasi syempre kaklase ko pa si Ram sa isang subject but eventually, nasanay rin ako. Nag-strive nalang ako na mag-aral ng mabuti sa Math kahit na hirap na hirap na ako. Di ko alam kung napansin ni Ram ang pagiwas ko sa kanya. Pero, natapos ang sem na ganun ang sitwasyon.
Maraming taon ang lumipas. I haven't heard from Ram for so long. Nakapagtapos na ako, and now, isa na akong successful Professor sa Math. Yes, sa Math.
Pero, hindi na kahit kailan man nabihag muli ang puso ko. Huli na si Ram. Nabalik ako sa realidad ng isang chat ang nag-pop sa fb acct ko.
Ramses Santiago: You are invited to the upcoming 18th birthday of my sister, Annika Santiago. I hope to see you there. This is a personal invitation, Classmate.
Classmate. Classmate ang tawag niya sa akin sa chat dati. Everything rushed into me. Lahat ng alaala ng nakaraan. It felt so nostalgic.
Ni-seen ko lang ito. I am not coming. Hindi ko kaya.
*vibrate*
Tumatawag si Madi. Sinagot ko naman kaagad ito.
'Gracias speaking' bungad ko
'Punta tayo sa debut ni Niks' she said referring to Anikka. Close friend din kasi namin si Anikka during our college years dahil hindi naman nalalayo ang edad namin. 25 palang naman ako ngayon, and NBSB pa rin. Haaay.
BINABASA MO ANG
Siya. Siya ang Ex-Crush Ko [ONE SHOT]
RomanceBring me to a happy ever after. No, I mean, live with me for eternity.