Chapter 4

21.9K 394 37
                                    


Enjoy reading!

HINDI ako pwedeng manatili rito. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakayakap pa rin si Aiden sa 'kin. Kahit na tulog na ay mahigpit pa rin ang yakap niya.

Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya na nakayakap sa 'kin.

Isa lang ang naiisip ko pagkatapos ng nangyaring ito. Kailangan ko ng magpakalayo sa kaniya. Walang dapat na makaalam sa nangyari sa amin. Ayaw kong may makaalam.

Nang magtagumpay akong matanggal ang braso niyang nakayakap sa 'kin ay agad akong tumayo. Hindi ko ininda ang pagod at sakit ng katawan ko. Agad kong pinulot ang damit ko sa sahig at sinuot ang mga 'yon.

Ngunit hindi pa ako nakaka hakbang ay agad na nagising si Aiden.

"Iiwan mo ulit ako?" Napatingin ako sa kaniya. Agad siyang bumangon at lumantad sa 'kin ang hubad niyang katawan.

"Kalimutan na natin ang nangyari sa atin kanina," sabi ko at humakbang na papunta sa pinto. Ngunit agad din akong napahinto nang magsalita siya muli.

"Ganon na lang ba 'yon? Wala lang sa 'yo ang nangyari sa 'tin?" Seryoso niyang tanong. Masama ang tingin niya sa 'kin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya.

Hindi ako dapat maniwala sa kanya. Paano kung may balak na naman siya kaya niya ginagawa sa 'kin 'to?

"Isang pagkakamali ang nangyari sa 'tin Aiden. Walang dapat na makaalam kung anong meron tayo noon. Dahil tapos na tayo," sagot ko.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay pinulot niya ang mga damit niya sa sahig at sinuot ang mga 'yon. Pagkatapos ay lumapit siya sa 'kin kaya napaatras ako.

"Hindi pa tayo tapos. Kasal pa rin tayo. Asawa pa rin kita." Mariin niyang sabi.

Agad akong umiling. "Simula nang umalis ako ay wala na akong asawa. At lalong wala akong asawa na ginamit lang ako," galit kong sagot.

Agad akong lumabas ng kwarto at diretsong lumabas sa bahay na 'yon. Hindi ko alam kung anong oras na ba? Kung tapos na ba ang mga kasamahan ko sa pag-inom.

Tumingin pa ako sa paligid ko kung may nakakita ba sa 'kin at saktong pagtingin ko sa kaliwa ay nakita ko si Shiela na nakatingin din sa 'kin.

Masamang tingin lang ang nakikita ko sa kanya. Agad akong kinabahan sa maari niyang sabihin sa 'kin. Sa maaari niyang sabihin sa mga kasamahan namin.

Agad siyang lumapit sa 'kin. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa 'kin. Na para bang hinihintay ako na magsalita.

"Shiela...."

"Ayaw mo pa kasing umamin sa 'kin. Ngayon nahuli na talaga kita. Magsisinungaling ka pa ba?" Seryoso niyang tanong.

Hindi ko alam kung galit ba siya o sadyang ganyan lang siya magsalita.

Hihilain ko na sana siya palayo roon nang biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Aiden. Napalayo ako ng kaunti sa kanya at ganoon din ang ginawa ni Shiela nang makita niya si Aiden.

Napatingin si Aiden kay Shiela. Hindi manlang siya nagulat nang makita si Shiela. Sa halip ay lumapit siya sa 'kin.

"She's my wife," napalaki ang mga mata ni Shiela nang sabihin iyon ni Aiden. Habang ako ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

"K-kailan? At paano?" Naguguluhang tanong ni Shiela.

"Matagal na kaming kasal. Tatlong taon na. Iniwan niya lang ako," gusto kong i-tama ang huling sinabi ni Aiden pero nagulat ako nang pinakita niya kay Shiela ang wedding ring na suot niya. Damn it!

OBSESSION SERIES 3: Aiden SarmientoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon