Bryan's Journal (Last Page)
***Bryan's Journal
12-08-18
Sonya said that she had finally moved on. There's a part of me that is happy because I can leave with no guilt, but there's also a part of me that is full of pain and regrets because I still love her.
Unlike her, I am still not used to spending my day without her. I miss her.
However, I think that it's our fate. We are not meant for each other.
By the way, yesterday was the last day of Kent (as Bay Max) and Sonya's chat.
Nagpapasalamat ako kay Kent dahil tinulungan niya si Sonya. Dahil pinaramdam niya na hindi siya nag-iisa, hindi tulad ng ginawa ko noon. Iniwan ko si Sonya na mag-isa. Hindi ko tinupad ang pangako ko, 'di tulad ni Kent na marunong tumupad sa pangako.
Sonya Marie Molina. Lagpas isang taon na akong nagsusulat dito pero ngayon ko lang binanggit yung buo niyang pangalan. Wala lang, huli na kasi ito. Sasabihin ko na yung lahat ng gusto kong sabihin (dahil hindi ko naman kayang sabihin sa personal).
She's my first love.
She's the one who taught me that loves can make you selfish and selfless at the same time.
She also taught me that love can sacrifice. I sacrificed our happiness for our future. She might not know it until now, but I hope she can still forgive me.
Lastly, she taught me on how to let go. Even if time passes, she's still my first love.Even if she will love somebody else, I will support her no matter what. Even if it's Kent.
Sonya Marie Molina
Sonya Marie Molina
Sonya Marie Molina.I hope we can be friends. I hope you're happy now. And I hope that you will receive the love that you deserve.
Kent loves you!! I hope you can love him in return. He's a good guy. And he loves you too.
Paano ko nalaman na gusto ni Kent si Sonya? Noong retreat. Ilang buwan bago kami maghiwalay ni Sonya, nag-truth or dare kaming magkaklase, mga lalaki. Tumapat kay Kent yung bote at Truth ang pinili niya.
Tinanong ng kaklase ko kung sino raw yung balak niyang ligawan sa kaklase namin (kung may nagugustuhan siya). Noong una ay ayaw niya pang sumagot. Pero sa huli, sinabi niyang si Sonya raw. Gusto kong magalit no'n kasi magkasintahan kami ni Sonya, kaso wala akong karapatan dahil walang nakakaalam ng relasyon namin bukod sa aming dalawa.
Makalipas ang ilang buwan, nalaman ko na aalis ako pagka-graduate sa kolehiyo. Napagdesisyunan kong hiwalayan si Sonya. Pero bago iyon, kinompronta ko si Kent at tinanong kung may balak ba siyang ligawan si Sonya. Sabi niya, oo. Sinabi ko sa kaniya ang totoo, na magkasintahan kami at hihiwalayan ko siya dahil aalis ako. Syempre nagulat siya. Ilang beses ko siyang pinakiusapan na tulungan si Sonya na kalimutan ako. Sa huli, napapayag ko siya. Hindi lang dahil sa sinabi ko, kundi dahil gusto niya talaga si Sonya.
Hindi ko alam kung liligawan niya si Sonya ngayon pero kung sakali man, sigurado akong mas magiging maayos ang relasyon nila. Bukod sa mas mature na sila ngayon, magiging legal na rin dahil alam kong hindi na gagawin ni Sonya ang ginawa namin noon, ang maglihim.
-Luis Bryan Dy
BINABASA MO ANG
He's Online! (Online #1)
Teen FictionOnline series #1 (Epistolary) A long conversation with a stranger. A journey of moving on. How long will it last? A mysterious guy chatted Sonya Marie Molina, claiming that he'll help her from moving on to his ex-boyfriend. He even disguised as an...