"Gising na!!!!!!"
Yan ang yumanig sa buong pagkatao ko bago ko idilat ang mga mata ko. Grabe talaga eh, wala bang karapatang mag beauty rest ang mga kagaya ko kahit minsan lang?
Umupo ako sa kama. As usual, si mama na naman ang gumising. Everyday, ganyan ang eksena eh. Halos mabulabog ang buong barangay sa super duper tinis niyang boses. Ewan ko nga kung bakit Hindi pa sya pina ba barangay eh. Kabingi lang.
Tumingin naman ako sa taas at tumingin sa wall clock ng kwarto ko.
It reads:
6am
What?
"Ma, alas sais palang oh! Reminder" tinaas ko pa hintuturo ko "8am ang klase ko" tapos nag pout ako. Biglang umasim naman ang mukha nya, dahil ba to sa pag pout ko?
Nagtitigan lang kami ni mama..
*PAK*
"Aray naman, ma" sabay hawak sa noo ko na hinampas ng dyaryo ni mama.
"Susmiyo! Ikaw talagang bata ka! Pa pout pout kapa. Buti nalang at anak kita at nagagandahan pa ko sa mukha mo kahit papaano!" Huminto sya saglit "Apat na taon na kitang ginigising ng ganyang oras ha?! Ang bagal mo kasing kumilos!" Sigaw ni nanay.
Ahh.. Sorry naman, nakalimutan lang mama eh. Kasi naman, bangag ang utak ko ngayon. Lahat ng katas (ehem! Ewan ko lang kung meron) eh piniga ko na para dun sa sinusulat kong story sa Wattpad.
And yes! You heard it right, mabagal ako kumilos. Hmm. Sabi ni mama pinaglihi daw ako sa kusumisyon, pero parang hindi naman, parang sa pagong ata eh pero hindi ako marunong lumangoy. So, sa tortoise siguro. He he he. Kaya eto ako ngayon, 2 hours ang pagre ready ko para sa school.
Tumayo na ako at nagsimulang magligpit ng higaan. Halos maluha-luha naman ako habang papaalis ng kwarto. Bayaan mo aking minamahal na higaan, magkikita tayo mamaya. Tapos nag walling pa ako. Huhuhu.
Habang sinasara ko yung pinto ng room ko:
It feels like a perfect night
To dress up like hipsters
And make fun of our exes, ah ah ah ah.
Wow! Ang ganda ng song na nanggagaling sa phone ko.
It feels like a perfect night
For breakfast at midnight
Pumasok ulit ako sa kwarto at sinarado lahat ng mga bintana na binuksan kanina ni mama. Bakit ko sinara lahat? Kasi sasayaw ako. PARTY RAKK na 'to kung baga.
Ehersisyo narin at the same time. Si mama, nasa kusina na.
To fall in love with strangers, ah ah ah ah
Yeah! We're happy, free, confused and lonely at the same time
It's miserable, and magical, oh yeah!
Nagwawala na ako ngayon. WOAH!! Head bang!!
Tonight's the night when we forget about the deadlines.
It's time -------
Hihahagis ko na sana yung nahablot kong unan nung narealize kong huminto pala yung music. >_<
Nagsalubong naman ng todo ang mga eyebrows ko. Ano ba? Wala pa nga sa chorus yung kanta eh! Bakit ba tumigil? Hindi pa ako ginaganahan sa pagsasayaw, dapat may tambling pa yun eh! Tsk. Pano ako magiging sexy nyan? Hustisya!!
Umupo muna ako sa bed for 10 seconds, then the realization hits me.
"Hala! Yung ringtone ko yun ha!" Napatakip naman ako sa bibig. Naku! May tumatawag pala kanina.
Dali-dali ko namang kinuha yung cellphone ko, na nasa ibabaw ng maliit na cabinet sa may right side ng bed ko.
Oh my! Si Bart pala yung tumatawag kanina!
Teka nga, alam ko may homework kami sa Math eh. Ma dial nga para matanong ko narin kung bakit sya nag missed call. After ng pangatlong ring, sinagot na nya.
"Good Morning" bati ko
"Same. Bakit hindi mo sinagot tawag ko?" Kita mo to, parang galit pa sa tono ng boses nya, mag on ba kami?
"Siguro nagandahan kana naman sa ringtone mo no? Taylor Swift song na naman ba?"
"Hindi ko naman gustong dedmahin ang call mo, sadyang maganda lang yung music" pang aasar ko. Bakit? Totoo naman eh!
"So, bakit kanga pala nag try na tawagin ako? Bilis na, nagwawala na dun si mama"
~Madisson, natutulog kana naman ba? Kilos pagong kana nga, kung makatulog daig mopa mantika!~
Yan yung sinisigaw ngayon ni mama, kulang ata sa hustisya eh.
"I remind lang kita dun sa assignment natin sa Ma----" I cut him off
"Ah, Oo! Yung sa Math! Wala eh, pakopya nalang" diretso na kaagad. Kasi naman eh, masasayang lang ang liway nya. Wala rin akong maiintindihan kung tuturuan nya ko. Ako yung tipo ng NERD na boplaks, walang alam. Kung pinaglihi lang ako kay Albert, hmm. Forget kona yung surname nya eh, edi sana brilliant ako?
"O.. Osige" nag aalanganing tugon nya
"Yehey! Sige, by-----" this time, he cut me off
"Teka muna, hindi kaba excited sa announcement ni Ms. Santos mamaya?"
Sya yung adviser namin. Bigla naman akong na curious
"Medyo, ano kaya yun?" Tanong ko, feeling naman alam ni Bart yung sagot
"Ewan ko lang"
"Oh sya, babayu! Ayun at nagwawala na si mama" dinig kona mga kalabog ng mga kasirola sa kusina. May pagka abnormal din si mama eh no?
Pumunta na ako sa kusina. Iniisip parin kung ano nga kaya yung ANNOUNCEMENT mamaya. . . . . .
_____
May part 2 po iyan. Updated narin ;)
VOTE/COMMENT/FOLLOW pag may time..
BINABASA MO ANG
Before The Prom
Novela JuvenilIsang babaeng panget na nais sumali sa JS Prom. Ang Problema, walang makadate -- syempre panget nga diba? Pero, what if bago ang Prom ay MAGLARO ang TADHANA? Hindi lang pala ISA ang magkakandarapa sakanya. ______ Written by: MGswizzle