17- Box

170 24 8
                                    

Nang makarating ako sa G.E napakadaming files na dapat kong gawin. Karamihan ay patungkol sa mga products na ilalaunch next week.

Yes! Magkakaroon kami ng event next week. We will be opening our new branch ng pabrika sa Cebu and Launching ng mga bagong produkto na ilalabas namin. Kaya masyado kaming busy actually. Buti nga at si John muna naghahandle ng account ko sa kompanya nila.

"Maam coffee po" katok ni Yesha sakin.

"Come in" I said

Inilapag niya ang mug tsaka umalis at may nakalagay na note don. I just nod at her. A sign of thanks

Sa note may nakalagay na:

I hope you're okay now. Dont forget to rest okay?

-JM

Jm? Sino ba to?

Bigla namang may kumatok.

"Come in" i said

"Nakuha mo na pala" Seph said.

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Sayo galing to?" Tanong ko.

Naupo siya sa upuan sa harap ng table ko at itinaas ang paa sa lamesa ko.

"Pakibaba naman yan" sabi ko.

"Ayoko nga! At oo sakin galing yan" sabi niya.

"Tss. Bakit naman JM?" Tanong ko.

Naiilang ako sa lalaking to. Muka kasing nang aasar lang e.

"Short for Joseph Martini babe" he said then winked.

Ugghh. Gross.

"Shut up. Tapos ka na ba sa mga gagawin mo ha? At nandito ka? Mr. Martini kung manlal--"

"Kung manlalandi lang ako lumabas na ko ganon?" Putol nya sakin.

"Oo" sabi ko agad. Yun naman talaga ang sasabihin ko.

"Ill just check you kung ok kana. Im a bit worried" he said then smile.

"What?" Namula ako.

Worried? Siya? Hell a Miracle!

"Nothing. Haha dont blush too much di pa ko nanliligaw" sabi niya.

Lumaki naman ang mata ko at napaawang ang bibig ko. Anong manliligaw? Siya? Paano? Idedate nya ko? Bibigyan ng flowers? Namula ako sa ideyang yon. Ano ba tong naiisip ko?

"A-ano? U-umalis ka nga. Alis na" lintek bat ba ko nauutal?

He chuckled. "Cute" he said.

Napayuko ako.

"Bye babe see you" pagkasara niya ng pinto e nakahinga ako ng maluwag. Parang nawala ang bara sa lalamunan ko paglabas niya at ang lintek kong puso ang lakas parin ng tibok.

Kahit gulo gulo ang mga pangyayari sa isip ko. Hindi ko maiwasang hindi mangiti.

"Tsss. Stupid Martini" I said.

Dumaupdop na lang ako sa table ko ng dahil sa kapaguran.

Malapit narin namang mga 6 makakauwi narin ako. I want to see Annie na. Actually magulo pa rin ang isip ko patungkol sa twelve keys na yon.

I want to find out about it at gusto kong isama si Halley doon. Maybe she can have conclusions or ideas that may solve the case of my family.

Maybe after this event makapunta ulit ako doon but not now masyado pa kong madaming ginagawa. I cant handle that all hindi naman ako wonderwoman no.

"Maam may nagpapabigay po" sabi ni Yesha sabay bigay sakin ng isang box.

"Sino daw?" I asked .

"Pinadeliver lang po maam eh"

"Ok you may go" I said.

I looked at the box infront of me. Bakit parang ang sama ng kutob ko sa box na to?

I opened the box. Mabilis ang pangyayari nagulat na lang ako ng sunod sunod na pagbagsak ng luha ko. Ang laman ng kahon na binuksan ko ay gumulong na sa lapag.

Nangatog ang mga binti ko. Hindi ako makahinga ng maayos, naisin ko mang sumigaw hindi ko magawa.

I just found out a dead black cat inside the box. Putol ang ulo nito at sa may noo ng pusa may sulat.

Ganto ang mangyayari sayo Anikka. Wag ka ng magtago o umiwas dahil ako mismo ang hahanap sayo. You'll be dead and once your dead I can have my revenge. Keep safe my sweetest Anikka papatayin pa kita

-D.E.S

Halos manlumo ako sa nabasa ko. They're going to kill me that's for sure. Naatrasan ko ang swivel chair ko kaya naman mas lalo akong nanghina ng makita ng puro dugo na rin ito.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyado ako gulat sa mga pangyayari.

*tok tok*

"Ellie si Seph to"

Hindi ako makatayo. Ni makapagsalita hindi ko rin magawa. Sobra sobra ang takot ko sa pusa, sa sulat, sa dugo, sa lahat.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto doon ko nakita ang nakatayong si Seph na mabilis akong niyakap.

"Shhh. Wag kang matakot andito lang ako"

Sabi niya.

Patuloy parin ako sa panginginig pero sa mga yakap nya nagiging komportable ako. I feel safe in his arms.

"Ellie babe shh. Kumalma ka shh" patuloy parin siya sa pagpapatahan sakin.

Niyakap ko siya na sobrang higpit. Hinalikan niya naman ako sa noo. Binuhat nya ko at inupo sa sofa na malapit sa may gilid ng table ko. Inihiga niya ko don pero dahil nga nakayakap ako nasama siya sa paghiga nya sakin. Nakaunan ako sa matitikas nyang braso at balikat habang hinihimas ang likod ko at pilit akong pinapakalma.

"Hush Ellie magpahinga ka muna promise dito lang ako sa tabi mo"

Tumango na lang ako. Wala akong lakas na magsalita o magprotesta sa pwesto namin ngayon ang importante alam kong ligtas ako sa mga bisig niya.

Akala ko mananahimik lang siya pero nagulat ako ng bigla siyang maghum ng isang pamilyar na kanta.

"When I first saw you I already knew
There was something inside of you
Something I thought that I would never find
Angel of mine" huminga siya ng malalim tsaka tinuloy ang pagkanta. Hindi ko inakalang maganda pala ang boses niya. Malalim ngunit malamig ang kanyang boses.

"I look at you looking at me
Now I know why they say the best things are free
Gonna love you girl you are so fine
Angel of mine
How you changed my world you'll never know
I'm different now, you helped me grow" Nakakaantok ang boses nya. Unti unti ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Unti unti niya na rin akong napapakalma.

Hanggang sa di ko na kinayanan ang antok at unti unti na kong humimbing sa pagtulog ngunit bago ko tuluyang makaiglip sa mga bisig niya narinig ko siyang nagsalita. Hindi ko ito masyadong maintindihan ngunit tumatak iyon sa aking isipan.

"..... Mahal na mahal kita Anikka hindi ko papayagang masaktan ka ulit"

—————————

A/n:

        Baka maonhold muna ang b.b.f :))) tatapusin ko muna siguro to so yon guys keep supporting :*

NOT A HAPPY ENDING ANYMORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon