LOVELYN POV.
LUNES na at naghahanda na kami para sa pag pasok namin. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Alexander Kahapon. "Be careful hindi pa kita napapakasalan." Gusto ko mang kiligin pero nangingibaw ang inis ko. Bakit siya nag papakita ng ganun sa akin kung hindi niya naman ako mahal. At isa pa price lang yunsa pagkapanalo niya sa akin sa laro. Sana naman walang mga multo(basher) pagdating ko sa eskwelahan. Haysss.
Bumaba na ako ng kwarto at dumeretso sa kusina. Nandito narin kasi ang yaya kaya kakain nalang kami. Nandon na silang lahat. Sila kiero, tobi, Alexander, princess. Napapansin kong tahimik si tobi, naninibago ako sa kanya.umupo na ako sa tabi ni princess at kumuha na ng kanin at ulam. Ang tahimik nilang lahat naninibago ako. Pati narin kay princess.
"Goodmorning princess" ngiti kong sabi pero ningitian lang ako nito. Ay ano bang meron. Haysss
"Goodmorning kiero" bati ko rito pero ningitian lang din ako. Hala ka.
"Goodmorning Alexander " pero walang ganti ito kahit ngiti man lang. Naninibago ako. Madali pa naman akong magtampo. Alam kong magsasalita sa akin si tobi."Goodmorning tobi."matamlay kong sabi tinignan ako nito at ngumiti.
"Goodmorning lovelyn."sabi ni napangiti naman ako ng masarap buti pa si tobi sinagot ako."Pwedi ba akong sumabay sayo ngayon papuntang school? Wala pa kasi akobg badget pang pamasahe sa jeep eh." Tumango ito at ngumiti.
"Of course no worries lovelyn. Ikaw paba."
"Maraming salamat." Sabi ko saka tinapos ang pagkain ko. Natapos na kaming kumain kaya nagmamadaling pumunta ako sa labas at hinhintay si tobi. Hindi ko maexplain kung bakit sila ganyan sa akin. 😞 pati si princess ay ganun din kala ko ba mag best friend kami? Bakit ganun ang pakitungo niya sa akin, sila bakit ganun?
"Let's go? "Tanong ni tobi tumango naman ako at binuksan nito an front seat kaya sumakay nalang ako. Nakasimangot parin ako pero sa ekpresiyon ko hindi mo makikitang malungkot ako. Ganito ako magtago ng nararamdaman ko. Pinaandar na nito ang kotse at pinaalis na. Nanatiling nakatingin ako sa labas at tanaw ko sa side mirror at dlawang kotse na nakasunod sa amin. Kay kiero at Alexander yun.
"Bakit ganun sila? " wala sa sarili kong tanong. Hinayaan kong liparin ang mga buhok ko. Bukas kasi ang salamin.
"Sino?" Napatingin ako kay tobi nanagsalita ito. Seryoso itong nakatingin sa daan.
"Sila, bakit ganun sila makitungo sa akin? May nagawa ba akong mali? Hindi nila ako kinakausap."malungkot kong sabi pero alam kong walang expresiyon ang mukha ko.
"Hindi ko alam bakit ganun sila lovelyn." Sagot nito, napabuntong hininga ako. Niliko nito ang kotse. Natanawan ko ang school. Nag park naman ka agad si tobi at huminto. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako kaya binuksan ko na ito at bumaba na. Sakto naman ang paglabas nila princess at alexander ganun din sila kiero.
"Maraming salamat tobi, mauna na ako sa inyo."sabi ko saka tumalikod na.
'Look who's here. Dumating na ang poor'
'Yeah gold digger bitch! Hindi nahiya'
'Yeah ewwww.'
Napayuko ako sa mga naririnig ko. Heto na naman sila. Hindi ko nalang sila pinansin pero may bigla namang humarang sa akin. Tatlong babae at ang kakapal ng make up.
"Pweding makisuyo? Paki sagotan naman tong assignment namin." Sabi nito tumingin ako sa kanila na walang expresiyon. Bakit ako ang gagawa.
"Bakit ako? May mga kamay namn kayo? "
"What the hell! Sinusuway mo ba kami!? "
"Kung sa tingin mo oo ganun na nga. Hindi ko obligasyon yan"
"Huh!! Isa kalang hampas lupa dito sa school nato. Kaya wag kang umakto na parang sayo to! "Sigaw niya sa akin
"Bakit sayo ba ang school nato?!
'Wohhhhhhh'
'Hahaha ay nasgot ng nerd'
'Oo nga hahaha ang tapang'
'Suss ako niyan sinabunutan ko na yan'
"I don't care. Gawin mo na to! " saka binigay sa akin ang mga notebooks. Hindi ko ito kinuha at nalaglag lang ito
"Ano ba!!! Bingi kaba!? Look pulutin mo ang mga notebooks nayan!!! " sigaw niya hindi ako gumalaw at nakatitig lang sa kanya. "Aba bingi karin eh. " bigla niyang tinaas ang kamay niya kaya napapikit ako.
"Try to touch your dirty hands of her, and you will be out in our school. " yung boses nayan. Kilalang kilala ko. Napamulat ako ng mata at nakayuko na ang tatlong babae. ALEXANDER. sabi ng isip ko. May bigla namang umakbay sa akin.
'Oh my gossh look inakbayan siya ni alexander'
'O my god! Sila ba? '
'Wahhhh bwesit na nerd yan! '
"Listen! "Mataas na boses ni alexander. Napatingin ako sa gilid ko, si princess, kiero at tobi. Nakangiti silang nakatingin sa akin. Hindi ko alam bakit palagi silang nakangiti, kanina kanina lang ay hindi nila ako pinapansin.
"This girl in my side. Is my GIRLFRIEND! kung sino mang makikita kong manakit sa kanya ay humanda sa akin! Naiintindihan niyo! " napayuko ako bakit niya ginagawa to. Hindi sumagot ang paligid.
"UNDERSTAND!!! " sigaw nito.
"Yes! "SIGAW din nila. Bigla naman akong hinila ni Alexander. Hindi ko maiwasang makilig dahil sa inaakto nito. Masyado na siyang sweet sa akin. Kung kanina ay nagtatampo ako sa kanila. Napangiti naman ako ngayon dahil sa kabutihan na nagawa ni Alexander. Huminto kami sa room ko at tanaw ko naman sila princess na papunta din dito.
"Get inside."maawtoridad nitong sabi pero tinignan ko lang siya na walang expression . Nakatitig din sa akin ito.
"You want kiss? " nagulat naman ako sa sinabi nito kaya tinapakan ko ang paa niya.
"Ouch! Ano ba! Tinatanong lang kita mang aapak kana!? "
"Sino b naman kasing hindi magugulat sa sinabi mo kung bigla bigla kang magsabi ng ganiyan ha! Kanina lang ay hindi moko pinapansin tapos ngayon para kang si Shining armor kung kala mo makaligtas sa kanya ang mundo! " inis kong sabi sumilay naman ang nakakalokong ngiti nito.
"Why? Ayaw mo bang may shining armor ka? May magliligtad sayo? " tanong nito habang nakangisi. Manyakis talaga.
"Naiinis lang ako sayo." Nakayuko kong sabi. Bigla naman akong nitong hinila ay niyakap. Nakakagulat. Dahil ginawa niya ito. Naamoy ko ang pabango niya. Nakasadig ang ulo ko sa dibdib niya dahil nga nakayuko ako.
"I'm sorry, gusto lang kitang inisin dahil gusto kong malaman kung anong reaksyon mo."
"So ganun nalang? Pati sa harap ng pagkainan ginaganun niyo ako? " nakasimangot na ako. Tumawa naman ito ng mahina.
"I'm sorry babe, hindi na mauulit." Babe? Taena! Hampasin niyo na ako dali.
"MS. LUST AND MR. MONTEFALCO. hindi landian ang corridor nato kaya wag dito" natulak ko naman si Alexander dahil biglang nagsalita si Mrs. Dela Peña, nakakahiya.
"Sorry maam, kinocomfort ko lang ang jowa ko." Nagulat naman si maam. Pero nakabawi agad ito.
"Well wala naman akong masasabi dahil pareho kayong matatalino. Mag klaklase na ako Mr. Montefalco pwedi ka ng bumalik sa room mo." Tumango naman si Alexander at tinignan ako.
"Susunduin kita dito kayo ni princess sabay tayo mag break time. " lumapit ito at hinalikan ang noo ko. Napangiti naman ako .
"Pumasok na kayo." Pumasok na ako.
"Yieeeeee ang sweet naman" biglang sabi ni princess . Loka kanina hindi ako pinansin tapos ngayon nanunuyo.
AUTHORITIES NOTE 📝📝📝📝📝
HERE NA BUMAWI NA AKO. KAHIT MASAMA PA ANG PAKIRAMDAM KO PINIPILIT KONG MAG TYPE. HINDI KO KAYO MATIIS MGA KA DARLING. PERO THANK YOU SA MGA NAG SABI SA AKIN NA'GET WELL SOON' NAPAKASARAP BASAHIN AT NAKAKAINSPIRE. SANA AY HINDI KAYO MAGSAWA SA KWENTO KO SALAMAT.! KAMSAHAMNIDA EUBDIGA! ❤❤❤❤❤❤❤
BINABASA MO ANG
SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETE
General FictionWhat will you choose? Law Or Love. What if The love has a Law. Pipiliin mo bang sumugal para sa kanya? O Mas pipiliin mong Masaktan para lang hindi siya masaktan? Do you already Fall in love with someone? Na kahit anong hirap ang dinanas mo makit...