Tama ba pagkakabasa ko? Tinawag nya akong bhe? Namamalikmata bako? Inulit ulit kong basahin baka nagkakamali lang ako. Naiinis ako pero nakaramdam ako ng kilig. Nakakainis ka Sarah Garcia bakit ganyan ka? Bulong ko sa sarili
Oo na, bati na tayo.. reply ko
"Yes, oh wala ng bawian yan ah. Sabi nito sakin.
Opo walang bawian, ano nga pala ginagawa mo ngayon? Tanong ko sa kanya..
"Eto namimiss ka."
Hoyyyy Sarah Garcia walang ganyanan, dika ba aware na naguguluhan nako sa nararamdaman ko tapos todo pakilig kapa? Bulong ko sa sarili at diko naman maiwasang itago ang kilig na nararamdaman ko. Ang alam ko naiinis ako ea, pero bakit nakangiti ako? Bakitttt?....
Baliw ka jan. Wala ka nanaman mapagtripan kaya ako pinagt'tripan mo. Reply ko sa kanya
"Seryoso ako no, namimiss ko din si baby boy. Hindi moba ako namiss? Hahahahaha"
Argh! Nakakainis naman ea bakit ganito sya? Kala ba nya diko sya miss? Ea saglit nga lang na mawala sya sa paningin ko namimiss kona ea, pano pa kaya pag alam kong nasa malayo sya? Edi sobra sobra na...
Joke lang naman, syempre miss ka rin namin no. Lalo na yung mga banat mo na waley hahahaha... Reply ko sa kanya
"Ay, grabe ka naman makawaley. Kinikilig na kaya yung iba pagsinasabihan ko ng ganon samantalang sayo waleyy lang? -_-"
Natawa naman ako sa mga inaasal namin, para kaming magjowa na nagiinisan. Ganito siguro pagnaging girlfriend si Sarah no? Napakaswerte talaga ng magiging boyfriend nito pagnagkataon.
Oh sigi kinikilig ako, pabirong sabi ko. Gusto ko lang sya inisin. At mukha namang epektibo yung ginawa ko.
"He, bahala ka jan madali lang naman sabihin na kinilig ka ea dimo pa aminin, ayieeee. Balik nitong inis sakin
Mali pala ako, akala ko maiinis sya mukhang ako pa pala maiinis sa kanya, grrrrr!
Oo na namiss na kita masaya kana? Pagmamaktol ko
"Yun oh, aamin din kase pinatagal mopa, hahahahahaha!.."
Pinilit mo lang kaya ako. Pabirong sabi ko
"Hahahaha. Sigi tanch magpapahinga muna ako. Byee, loveyou! :*"
Teka, tama ba nababasa ko? sinabihan nya ba talaga ako ng ganon? totoo nga sinabihan nya nga ako. Halos mapatalon ako sa kilig ng mabasa ko yon, muntik nakong mahulog sa kama ko.
Sigi, pahinga ka mabuti. Loveyoutoo :*....
Hindi ko alam pero sobrang saya ko, para bang nanalo ako sa lotto ay ang oa kona masyado. Bakit ba ea masaya ako ea. Natulog ako nang may ngiti sa labi at may kilig na nararamdaman.
Sarah's PO'V
Nakarating nako dito sa korea, medyo napagod ako sa flight namin at hindi rin ako nakapagpahinga sa crew rest namin. Nag ayos muna ako ng gamit at saka nagbihis para makapagpahinga na. Pero bago ako makatulog ay binuksan ko muna yung ig ko, ewan koba feeling ko may kulang sakin, may namimiss akong tao, namimiss ko yung ngiti nya, yung mukha nya. Bigla ko naman naisip si tanch agad kong sinearch ang pangalan nito. Finallow ko sya at nagsend ng message.
Namiss ko syang inisin, natawa naman ako dahil hindi nya ako nainis sa reply nya bagkus sya pa ang nainis sakin. I feel complete, nawala yung lungkot ko nang makausap ko sya. Nakaramdam naman ako ng antok kaya nagpaalam nako kay tanch at nakatulog naman ako agad.
BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanficGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...