KABANATA V
( On Mission )
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️
THIRD PERSON
Nagimpake na si Eunice ng mga gamit na pwede niyang dalhin sa kanilang paghahanap sa iba pang tagapangalaga. Ginamit niya ang medyo kalakihang bag na kakabili lang ni Gino para sa kanya. Ipinasok niya ang iilang kasuotan at dalawang libro.
Kahit pa nasa kalagitnaan siya ng mission ay kailangan niya paring magaral ng mabuti.
Pagkatapos niyang mag- impake ay lumabas na siya sa silid para bumaba. Naabutan niya si Gino na abalang naghahain ng almusal.
"Nasaan si Ryuu?" Tanong ng dalaga kay Gino.
"Iwan, baka tulog pa yun." Sagot naman nito sa kanya.
"Sige. Pupuntahan ko lang para sabay na tayong kumain." Umalis na si Eunice para puntahan ang binata.
Tiningnan lang ni Gino si Eunice habang papalayo ito.
"Napapansin ko ang pagbabago ni Ryuu lately. Hindi kaya..." Natigilan si Gino sa sinasabi. "Hindi. Imposible, may kasintahan na yun." Binalik na ni Gino ang atensyon sa pagluluto. Naglabas na rin siya ng mga pingang gagamitin nila at inilagay sa hapag.
SA PAGLALAKAD NI EUNICE AY NADAAN NIYA ANG MALAKING PINTOAN NG HARDEN.
"Ba't nakabukas to?" Nilapitan niya ito at isasara sana nang may narinig siyang ingay mula loob.
Ibinuka niya ng bahagya ang pinto at dahan dahang pumasok. Nakita niya sa di kalayuan si Ryuu na nakaupo sa damuhan malapit sa tubig. Para itong may malalim na iniisip.
Lumapit pa si Eunice para mas masilayang ang binata. Nakita niya itong nakapikit pala.
"Natutulog ba siya?" Mahina niyang tanong sa sarili nang hindi marinig ng binata.
DALI-DALING KINUHA NI RYUU ANG KAMAY NG NAPAKAGANDANG BABAE AT INIKOT ITO SA ITAAS NG ULO NIYA. Kaya umikot na rin ang babae.
"Napakaganda naman ng mahal ko." Sabi ni Ryuu.
Ngumiti lang ang babae.
Inikot ulit ni Ryuu ang babae at ngayon ay nakatalikod na ito sa kanya habang nakayakap naman siya dito. Hawak parin ang kamay ng isat-isa.
"Alam mo bang matagal ko itong hinintay?" Sabi ng babae.
"Alam ko. Kaya nga hindi na ako magaaksaya ng panahon para makasama ka"
"Anong ibig mong sabihin?" Bumitaw ang babae mula sa pagkakayakap ni Ryuu at humarap sa kanya.
"Kathlea. Mahal na mahal kita."
"Ryuu.."
"Pakasalan mo ako."
Pagkasabi ni Ryuu ng mga salitan iyon ay tumulo ang luha sa mga mata ng babae. Masaya siyang umiiyak habang tumatango.
BINABASA MO ANG
THE RING (the tale of 5 elements)
FantasyFIRE, WATER, METAL, WOOD, EARTH are the elements that balanced the atmosphere, movements and harmony of the universe and the other worlds. Eunice Engrata, a simple college student taking up Bachelor of Secondary Education major in Mathematics was g...