Kabanata 31
He's been busy for the entire week. Kahit busy siya ay hindi niya pa rin nalilimutang ihatid at sunduin ako. Sobrang nahihiya na ako dahil alam kong marami pa siyang pinagkakaabalahan lalo na't kakaumpisa niya pa lang para tutukan ang pagiging CEO ng Avitech.
"Daxel, hindi naman kailangang gan'to. I can commute you know. Hindi maganda na nakikita ang CEO na umaaligid sa empleyado niya." I ranted when I went inside his car.
"Then don't think of me as a CEO, think of me as a normal boyfriend." he casually said.
"Boss pa rin kita!"
"I'd rather be your boyfriend." he clasped our hands together as he kissed the back of my hand.
"Boyfriend kita pero hindi mo 'ko kailangang i-spoil nang ganito."
"I'll spoil my baby in any way that I can."
I glared at him. He glanced at me with his innocent doe eyes and smile.
Iyon palagi ang pinagtatalunan namin sa tuwing ihahatid niya ako o susunduin. At ang nakakahiya pa ay ang paghihintay niya pa rin sa akin sa bench pagkatapos ng trabaho ko. After revealing that he's the CEO, halos lahat ng mga tao ay nakatanaw sa kanya habang naghihintay ro'n.
During lunchbreak he would even invite me to eat. Dahil ayokong pumayag na sa office niya kami, sa cafeteria kami tumutungo. It's because whenever we went there in his office to eat, we would end up making out. Kaya naman sobrang awkward na makita nila ang CEO na kumakain ng tapsilog kasama ko sa cafeteria.
"I'd be gone for three days for a business meeting in Singapore." he said while we're eating lunch.
Tumango ako. "Alright. Enjoy your trip then."
Tinuloy ko ang pagkain ko nang maramdaman kong nakatitig siya sa'kin. I glanced at him, his lips protruded a little.
"What?"
"Hindi mo man lang ba 'ko pipigilan?"
Nalaglag ang panga ko. "What? Of course not! That's a business trip, it's important!"
Nakanguso siya at sumubo ng tapa. "We won't see each other for three days."
"Oh my God, Daxel! Tatlong araw lang, 'wag ka masyadong clingy!" naghuhuramentadong sabi ko.
He pouted more. "Hindi mo man lang ako mamimiss?"
"We'll text and call each other every night if that's what you want."
"Day and night. Make that every hour." he compensated.
Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. He's being a big baby. It's adorable and I find it so funny. Bakit ba napakaclingy ng boyfriend kong 'to? Ang cute lang, bwisit.
Hinatid niya pa ako papasok sa opisina pagkatapos kong kumain. My officemates would surround me asking how Daxel is as a boyfriend. Sobrang interesado sila sa relasyon namin ni Daxel.
Nang matapos ang office hours ay sinalubong kaagad ako ng CEO na matiwasay na naghihintay sa bench. Nakita ko pang pinagtitinginan siya do'n. He looks peaceful while wearing that expensive corporate suit. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita ako.
We walked towards the parking lot and when we went inside he suddenly pulled me closer for a kiss. Agad na tinakpan ko ang labi niya at lumayo.
"No kissing for now," I announced.
"Why? I'd be gone for three days," he whined like a child.
"Uh-huh, we'll kiss when you come back from that business trip."
BINABASA MO ANG
Against the Barrier (Magnates Series #1)
RomanceThis book is published under IMMAC PPH (Magnates Series #1) Being an heiress to a wealthy family, political marriage is one way to prolong the Pontevera's legacy. But Ishina Astrid Pontevera chooses to live independently without all the privileges...