Nadatnan namin sa sala sila Teiwon, Razor at Gavin may hawak silang bond paper. Si Teiwon nakaupo sa sofa at nakataas ang dawalang paa sa lamesa, si Razor naka-indian sit isang sofa na kaharap ni Teiwon at si Gavin naman nakasalampak sa sahig. Jusme para lang silang nakatambay sa kanto.
Napansin naman kami ni Razor dahil nakaharap ang sofang kinakaupuan niya sa may front door.
"Hi Chels" bati niya sabay kindat kaya ngumiti nalang ako. Napalingon naman sa amin sina Teiwon at Gavin.
"Good morning Erie noona!" masiglang sabi niya. Para talagang bata si Teiwon kaya nacu-cute-an ako sa kaniya."Hello Chelshie, good morning" nakangiting sabi ni Gavin habang kumakaway.
Ngumiti din ako sa kanila at kumaway "Hello! Goodmorning din sa inyo"Lumakad naman si Layrix palapit sa kanila kaya lumapit na din ako para makidaan na rin papuntang kusina kasi di ba magiging cook ako ngayon at para makapaglinis na rin ako.
"Erie noona ikaw ba yung nagluto nung chicken adobo?" napahinto ako sa paglalakad at agad napaharap sa kanila. Patay na
"Hmm oo.. ano kasi..sorry nakialam ako sa ref niyo hindi na kasi ako nakauwi kahapon sa bahay" nahihiyang pagpapaliwanag ko."Wag mong alalahin yun pero sobrang sarap nun kahit konti nalang natikman ko paano ba naman kamuntikan nang maubos ni Astro hyung. Ngayon lang ako nakatikim ng ganun kasarap na chicken adobo." Nagniningning pa ang mga mata ni Teiwon habang sinasabi yan. Pero lumaki bigla ang tainga ko nung marinig kong kinain yun ni Astro baby, lihim akong napangiti.
"Teka bakit wala man lang akong natikman? Ang daya niyo ahh" nakabusangot na sabi ni Layrix.Oo nga! Bakit hindi kayo nagshare" sabay pang sabi ni Razor at Gavin.
"Teka mga hyung wag akong sisihin niyo konti nga lang natikman ko" nakangusong sambit ni Teiwon.Napakamot nalang ako sa sintido ko "Umm.. tira lang kasi yun, sayang naman kung itatapon ko kaya nilagay ko nalang sa ref." sabi ko.
"Iluto mo din yun clumsy girl, gusto ko rin tikman" parang batang sambit ni Layrix.
Kaya tumango nalang ako at pumunta nang kusina. Lahat ng sangkap nandito na at hihiwain ko nalang. Nagtali muna ako nang buhok at isinuot ang apron tsaka nagumpisa nang gawin ang dapat kong gawin.
Niluto ko ang request ni Layrix na buro atadobong manok. Nagluto din ako ng Sisig na kapampangan style, Kare-kare, Poorman's paella o Biringhe na tawag dito sa amin, nagsteam din ako ng ampalaya attalong para sa buro at nagprito ako ng tilapia. Oh diba parang magpapakain silang isang barangay sa dami nito.
Habang nagpiprito ako ng tilapia pa kanta kanta pa ako syempre good mood angateng niyo, kinain ba naman ni Astro baby yung tirang niluto ko at ibig sabihinnasarapan siya."Shit! What's that smell? So gross"nagulat ako sa nagsalita kaya agad akong napatingin sa likod ko, si Astro babyna kakapasok lang sa kusina habang nakatakip ang ilong niya gamit ang kamay atnakakunot ang noo. Ay oo nga pala nag-gisa din ako ng bagoong para sa sawsawanpero hindi naman na mabaho kasi pinakaluto ko na.
"Umm.. ito ba?" tanong ko tsakapinakita sa kanya ang kawali na kung saan nakalagay ang lutong bagoong.Nakatakip pa rin ang ilong niya, para namang sira akala mo naman ikamamatayniya.
BINABASA MO ANG
That being a Fangirl
ФанфикIlusyonada, adik, baliw at ambisyosa yan ang ilan sa mga katangian ng isang die hard fan, medyo harsh pero yan ang totoo. Ang babaing ito ang magpapatunay dahil makikita niyo talaga sa kanya at sa bibig niya pa mismo nanggaling. Siya pa ang nangung...