KABANATA 15

28 2 0
                                    

“Kung iyong mararapatin ay ipagpapaalam ko kay Don Hernan maging kay Doña Felita ang paninimula ng aking panliligaw.”mabilis na pagkakabigkas ni Jaoquin na siyang ikinatulala ni Corazon.

Napangiti si Jaoquin sa nakitang reaksiyon mula sa dalaga na minsan nang nag-anyaya na sana ay maging isaa siya sa mga manliligaw nito. Kinuha niya ang kanyang gitara at pinatugtug ito sa harapan ni Corazon.

Hindi man siya kumanta ay alam na nang Binibini ang gusto niyang sabihin.

Sa gabing iyon ay hindi nakatulog si Corazon. Masayang masaya siya dahil sa kanyang paggising ang siyang pagpunta ni Jaoquin upang katukin ang kanyang puso.

“Matutuwa si Rasilita kapang nalaman niyang masaya ako ngayon.”wika ni Corazon at naalalang may bago nga pala siyang kapatid.

“Kapag nakausap na kita Zonya ay magpapasalamat ako ng labis sa iyo. Alam kong ikaw ang may pakana nang pagkakalayo ng loob nina Laura at Jaoquin. Buti nga kay Laura, bakit ba niya kasi kinalaban ang mas makapangyarihan kaysa kanya?” hindi tulad ng dati na nagsasalitang may kausap si Corazon. Ngayon ay tanging nag-iisa na lamang siya.

******

Isang linggo na ring hindi nagpaparamdam ang ibang mga katauhan sa katawan ni Corazon. Isang linggo na ring nangliligaw si Jaoquin sa kanya.

Lahat ng mga katanungan ni Rasilita ay nawala. Lahat ng balak na gawin ni Zonya para kay Felimon ay nakalimutan na rin. Ang buhay ni Corazon na lamang ang natira.

Sa pagamutan ni Ginoong Alfredo ay tahimik na. Lumalabas na si Laura paminsan minsan subalit nahihiya pa rin itong dumalo sa mga misa o sa mga pagtitipon na may maraming tao. Bakas sa mukha ni Laura ang kalungkutan.

“Ama payagan niyo po sana akong makadalo sa kaarawan ni Valentin sa susunod na araw.”  masayang tumango si Ginoong Alfredo dahil bumabalik na si Laura sa kanyang mga kaibigan.

Iyon lamang ang tanging paraan upang makita niya ang matagal na niyang gustong kausaping si Corazon.

Papasok na sana si Laura sa kanilang tahanan ng may biglang humablot sa kanyang kamay at dali-daling kinaladkad siya papunta sa likuran ng kanilang pagamutan.

“Jaoquin.” mahinang wika ni Laura. Si Jaoquin ay nakasuot ng damit ng isang guwardiya. 

Nakasandal siya ngayon sa pader na kahoy habang nasa harapan niya si Jaoquin. Napatingin ito sa paligid at ng mapansing walang tao ay agad niyang hinalikan ang dalaga.

Napakapusok na tila gustong-gusto nilang dalawa ang kanilang ginagawa. Ang bawat pagkagat ni Jaoquin sa mga labi ni Laura ay siyang pagbitaw niya ng mga maliliit na pagtili. Ang dalawang kamay ni Laura ay nakakapit sa kwelyo ng binata habang ang kamay ni Jaoquin ay kanina pa lumalakbay sa likod ni Laura at napunta sa dibdibang bahagi ng dalaga.

“Jaoquin…”pagpipigil nito at natauhan silang dalawa. Agad inayos ni Laura ang sarili at ganun naman ang baro ni Jaoquin.

“Ipagpaumanhin mong hindi ko napigilan ang aking sarili.” hindi makatingin si Joaquin sa mga mata ni Laura ganun din naman ang dalaga. Sila’y nagkakahiyaan bagama’t matagal tagal na ring hindi nila iyon nagawa.

“Bakit ka naparitong batid mo namang ang mga mata ng tao ay nakapaligid sa akin ngayon?” nag-aalala rin si Laura kay Jaoquin.

“Ang mga mata nila’y hindi nakatingin sa iyo Laura. Bumaling na ito kay Corazon.” napayuko si Laura ng marinig ang pagkakasabi ni Jaoquin sa pangalan ni Corazon na para bang nagkakamabutihan na sila. 

Hinimas ni Jaoquin ang buhok ni Laura.

“Ang aking puso ay iyong iyo mahal ko. Kung may marinig ka mang aking ginawa bagkus iyon ay hindi totoo at para iyon sa ikabubuti ng aking pamilya.” nakatitig lamang si Laura sa lupa.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon