CHAPTER 6

105 48 5
                                    

PATRICIA'S POV

Naka pila kami ngayon ni Raphael sa bilihan ng ticket at habang naghihintay ay kung ano-ano ang pinag-uusapan namin.

"Naalala ko 'yung pumunta kami sa sementeryo noon tapos may nakita akong babae na na naka rainbow shirt. Pota ano 'yon? Eh madalas na kulay ng damit na sinusuot pag pumupunta sa ganon eh puti o itim. Tapos HAHAHAHAHA pota ano yon? Makulay ang buhay pag sumakabilang buhay? HAHAHAHAHA" pagkwe-kwento ko sa kanya nang maalala yung nakita ko sa sementeryo noon dahil may nakita ako ditong naka rainbow shirt

"Gago HAHAHAHAHA alam mo ba nung araw na nasa sementeryo kami naisip ko na ang saya siguro sumakay sa flying ataul habang kumakanta ng A Whole New World HAHAHAHAHA parang Aladdin lang" aniya kaya naman humagalpak ako ng tawa at pinagtitinginan kaming dalawa pero wala akong pake kasi ini-imagine ko kung anong itsura niya kung sakaling nangyari nga 'yon.

Nagpatuloy kami sa pagkwe-kwentuhan at tumigil lang kami nang kami na ang susunod na bibili ng ticket. Binili namin ang ride-all-you-can na ticket para ma-enjoy namin lahat ng mga rides dito.

"Anong gusto mong unahin natin?" Tanong niya habang busy ako sa pagtingin ng mga rides dito

"Gusto ko sa Anchor's Away, balita ko maganda daw do'n eh!" Masiglang sabi ko at walang ano-ano'y hinatak siya papunta do'n.

Nang nakasakay na kami ay di ko mapigilang ma-excite dahil ngayon lang ako makakasakay dito. Hindi kasi ako yung taong mahilig pumunta o sumakay sa ganitong mga rides kasi para sa'kin masyadong pambata ang ganito.

Ngayon ko lang talaga susubukang i-enjoy ang ganito dahil si Raph ang nagyaya sakin, ayokong masayang ang pera niya, siya kasi ang nagbayad kesyo ang sabi niya na siya ang nagyaya sakin. Ayoko rin naman kasing maging kj, noh.

Nang magsimula ng umandar ito ay napahawak ako sa damit ni Raph kaya natawa siya. Akmang aalisin ko na ang pagkakahawak ko pero agad niya itong kinuha at in-intertwined ang kamay namin.

"Hayaan mong ganito muna tayo" aniya at tumingin sa mga babaeng nagsisitili sa harapan at sa likuran namin

Tili ako ng tili dahil sa takot na baka mahulog kaming lahat dito at ang katabi ko naman ay panay lang ang tawa sa reaction ko.

Hindi ba natatakot 'tong hinayupak na 'to? Tuwang-tuwa pa siya samantalang ako dito ay parang kakapusin na ng hininga sa kakatili. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Raph hanggang sa matapos na.

Pinapaypayan ko ang sarili ko nang makababa na kami ng Anchor's Away. Damn it! Parang masusuka pa ata ako.

"Hoy, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Raph nang makitang pawisan ako

"Oo, punta lang akong washroom" tinapik ko ang balikat niya at dumiretso sa pupuntahan ko

Pumasok ako sa isang cubicle at nagsusuka doon. Gross! Ayoko ng sumakay do'n sa putanginang 'yon! Nakakalula masyado.

Lumabas na ako ng cubicle at nagmumog, buti na lang talaga at lagi kong dala mouthwash ko. Pagkatapos non ay nag a-apply ako ng foundation sa mukha ko at nag liptint na rin.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Raph na may hawak-hawak na ice cream sa dalawang kamay niya.

"Nandito ka na pala, kainin mo 'to" binigay niya sa akin ang chocolate ice cream na hawak niya, alam niya talaga ang paborito ko "kaya mo pa ba?"

Behind the Broken Glass (ONGOING)Where stories live. Discover now