Season 1 Chapter 5: The Darker Twist

35 20 7
                                    

Moerani's Point Of View

MOMMY'S  right. Malamig nga sa lugar na ito. I really can't stop hugging myself. I immediately smiled and appreciate the beautiful view of our place. Hindi makakailang kahit na madilim dito ay kitang-kita pa rin ang tinatago nitong kagandahan.

I'm just wearing a plain white t-shirt tucked in a plain pink pyjamas. I love pink, don't judge me.

"What do we have here?" ang sabi ko nang makakita ng isang aso. He does have a dark black fur. His eyes is as golden as the sun's rays. And his expressions is as angry as a bull aiming his target. He's not that friendly, though.

"Hi, little one. Who's your owner?" ang sabi ko habang hindi pinagpapasiyahang lumapit sa asong nakita ko. I don't think he's just an ordinary stray dog.

Napaupo na lamang ako sa gulat ko nang magsimula siyang lumapit sa akin. He's really angry at me.

“Leon! Stop!” napatingin naman ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. He was really tall.

“I'm so sorry. He's just so very sensitive this days. I'm sorry.” ang sabi niya at saka hinawakan ang collar ni Leon, iyong aso.

“H-Hi. Are you one of the residents here?” ang sabi ko at saka tumayo at pinagpagan ang sarili. Base sa pagkakatantiya ko, mas matangkad ang lalaking ito ng kaunti kay Beggar.

His really dark brushed up hair gave me this hot dark vibe. His brown eyes is really sparkling. And his eyebrows is fascinatingly pretty thick. Simple lang ang suot niya, black plain t-shirt partnered also with a black pants.

Napansin ko ang mapula-pula niyang leeg. Hindi ko na inalam ang nangyari doon dahil baka kung anong isipin niya sa akin.

“Sadly yes. Ikaw ba iyong bagong lipat doon sa may Mors Street?” ang sabi niya at saka ngumiti sa akin.

“Oo. Kakalipat lang namin kahapon. Pwede ba akong magtanong?” kaagad naman siyang napatango.

“Anong bang mayroon dito sa lugar na ito? Lahat nalang ng bagay napakamisteryoso.” ang sabi ko. Nawala ang ngiti sa mukha niya nang marinig ang tinanong ko.

“You don't need to know. You're one of us, didn't you?” wala akong naintindihan sa sinabi niya kaya napakunot nalang ang noo ko.

“One of you?”

“I guess you're not. Just be aware. But, why are you here if you're not one of us? Weird.” ang sabi niya at saka nagpaalam na sa akin. Marami pa raw siyang gagawin kaya mauna na siya.

One of them?

Hindi ko mapigilang hindi mailang sa tuwing maglalakad ako. Halos lahat kasi ng tao dito ay nakatingin sa akin. This is so awkward and creepy. Direstso lamang ang lahat ng tingin nila sa akin at itinigil nilang lahat ang ginagawa nila. Mas lalo tuloy akong napayakap sa sarili ko.

Ano bang ginawa ko sa kanila?

The wind suddenly stops as I passed by a church. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano. This is just a church, Moerani. Why are you so afraid?

Napagpasiyahan kong daanan muna iyon ng saglit. I just need to calm myself.

Marahan kong binuksan ang pintuan nito. Kaagad naman na tumambad sa akin ang walang katao-taong loob ng simbahan na ito. Mukhang hindi ito madalas na gamitin. Siguro, ako lang ang nangahas na pumasok dito.

I just tiptoed entering the building, incase kasi na may mga taong nagtatago ay hindi ko sila magulat.

Nilibot ko ang buong lugar at pinagmasdan ang mga artworks na nandidito. It was some kind of history of the people here.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now