Season 1 Epilogue (Pt.1)

22 10 0
                                    

Moerani's Point Of View

“DUMIRE-DIRETSO lang kayo doon, mga venefica. Kapag nakakita na kayo ng isang maliit na tent na nasa tapat ng isang posteng may kulay pulang ilaw ay tama ang dinadaanan ninyo. Sige, mauna na ako.” kaagad naming tinahak ni Dovi ang direksyon na sinabi ng matanda. Hindi na kami nag-alinlangan pa dahil ang oras ang kalaban namin.

Katulad ng sinabi ng matanda ay bumungad sa amin ang isang poste na kulay pula ang ilaw, sa tapat noon ay isang maliit na kulay pulang tent na nadedekorasyunan ng mga mamahaling bato. May babaeng naka-kulay pulang coat ang lumabas doon. Binalingan niya kami ng tingin at ikinagulat ko nang magkulay ginto ang mga mata niya.

“Heto na siguro 'yun, Rani.” hindi ko pa rin maialis ang tingin doon sa babae kaya hinawakan na ni Dovi ang mga kamay ko.

“Let's go, Rani.” aya niya na nakapagpakalma sa dibdib ko. “It's now or never.” dugtong ulit niya at saka inilabas sa bulsa niya ang isang piraso ng ruby na ibinigay ko sa kaniya.

“Excuse me? Is anyone here?” sabi ko nang hawiin ko ang mga tali na may mga mamahaling bato na nagsisilbing kurtina ng lugar.

Tumambad sa amin ni Dovi ang isang matandang babae. Mukha siyang matanda ngunit kita pa rin sa kutis niya ang kabataan niya. Nagulat nalang ako nang iangat niya ang tingin niya sa amin sanhi para mapansin kong wala siyang mga mata. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo mga bata?” hinila ko si Dovi at pinaupo sa isa sa mga upuang nasa harapan namin.

“May mga gusto lang po sana kaming malaman.” kaagad kong binalingan ng tingin si Dovi na mariing pinapasadahan ng tingin ang paligid. Napatingin din tuloy ako bago magsalita. Puno ang lugar na ito ng mga mamahaling bagay, proselas at mga bato. May mga makikita din ditong lumang mga bagay katulad ng mga papel na nakatambak lang sa gilid.

May nakita din akong mga manika na may mga karayom na nakatusok. May isang bolang kristal din at katabi noon ang iba't ibang mga tarot cards. Nakakapagtaka lang talaga kung papaano nakikita 'yun ni Lola.

“Hindi niyo kailangang mamangha. Lahat ng mga bagay na nandidito ay pag-aari ko at ginagamit kong lahat. Maging komportable sana kayo sa mumunti kong tulong.” nginitian niya kami kaya nginitian ko rin siya pabalik kahit na alam ko namang hindi niya 'yun makikita.

“Kamukhang kamukha ka ng iyong Tatay, Moerani. Napakaganda mong bata.” nagulat ako nang bigkasin niya ang pangalan ko, hindi pa naman kami nagpapakilala ni Dovi.

“Thelios Anberge. Hindi ka ba magsasalita? Napaka-gwapo mo ring bata, ngunit masasayang lang 'yang lahat kapag isinaalang-alang mo ang kaabaitan mo't puso.” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lola.

“Lola...”

“Venefica Vicchia na lamang ang iyong itawag sa akin. Hindi nababagay ang katawagang iyon dahil hindi naman ako katulad ninyo.” kumunot ulit ang noo ko sa sinabi niya.

“Venefica Vicchia. Gusto lang po sana naming malaman kung ano ang katotohanan tungkol sa clan ng Chravis at ng mga Anberge.” ang sabi ko at saka binalingan ng tingin si Dovi na napalunok din. Ngumiti ang matanda at saka inilapag sa may lamesa ang dalawa niyang kamay.

“Bago 'yan. Nagdala ba kayo ng pambayad, mga bata?” sinensiyasan ko si Dovi na iabot ang ruby sa kamay ng matanda. Ngumiti ulit ito kahit sa tingin ko'y ni hindi niya kami nakikita ni Dovi.

“Magandang klase ito. Hindi mo ba nakaligtaang magpasalamat sa lalaking lamia na nagbigay sa iyo nito, Moerani?” nanlaki ulit ang mga mata ko nang sa isa pang pagkakataon ay nahulaan niya kung sino ang nagbigay sa akin noon.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now