Chapter 1

34 13 3
                                    

"Amara hindi ka pa ba uuwi?" - Sandra

"Hindi pa, mag oovertime ulit ako" sagot ko

"Nako te hinay hinay sa pagta trabaho pumapasok ka pa sa paaralan" sabi naman ni Janella, kasamahan ko din sa trabaho. Pumapasok ako bilang isang cashier sa jollibee at sinasabay ko din dito ang pag aaral ko. Working-student ika nga, at the same time player din ako ng volleyball sa school namin.

"Kaya ko naman tsaka tuwing weekends lang naman ako nagta trabaho" sabi ko at binigyan sila ng ngiti

"Sabi ko naman sayo wag ka na mag trabaho eh kaya naman kita buhayin eh" sabi ni Tayler, ang may 'gusto' daw kuno sa akin at kaklase ko din pala sya.

"Kayang buhayin eh kita mong parehas lang kayo nyang si Amara na working student" sabi ni Janella, sinimangutan naman sya ni Tayler.

"Osige na, umuwi na kayo. Ingat kayo ah, bye" sabi ko at nagpaalam na din silang tatlo. Ako naman ay pumwesto na sa trabaho ko, ilang oras na din ang nakalipas ng makaramdam na ako ng antok at pagod.

Hikab dito, hikab doon, jusko nakakahiya sa mga customer aysh inaantok na kase ako eh 11:30 palang ng gabi at mamaya pang 12 am ang out ko. May pasok pa ako mamayang 7 am, nako naman!

Maya maya lang ay nakita ko sa gilid ng aking mata na may lalaking namimili na ng kanyang kakainin, di ko na muna inabala at hinayaang mamili muna, makalipas ang ilang minuto sa lumapit na sya sa counter.

"Good evening sir...."

shet mami ang pogi naman ng isang 'to

"c-can i have your o-order"

shemay amara bat nauutal ka?

"Just one spaghetti and coke"

Ang lalim ng boses, matangkad sya at moreno kaso di ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil naka shades ito.

"Excuse me?"

Ay sheteng kalabaw! Di ko namalayan na napatulala pala ako sa kanya.

"A-ah yes, dine in or t-take out?"

"Take out" simpleng sagot nito

"O-okay, wait a minute sir" sabi ko at binigay na ang order nung lalaki don sa isa ko pang kasamahan. After a minute ay dumating nadin ang order nya kaya nilagay ko na ito sa paper bag at iniabot sa kanya.

"Here's your order sir, enjoy your food" nakangiti kong sabi doon sa lalaki.

"Thank you" sabi nya nang nakangiti at umalis na din. Whaaa ang pogi ni kuya, sana bumalik sya hahaha. May iilan pang customer ang bumili bago matapos ang trabaho ko at dumiretso na ako sa locker para mag bihis.

"Hoy bakla ka, ano ningingiti mo dyan? Bet mo yung poging lalaki kanina 'no?" sabi ni Seby na isang baklush. (bakla)

"P-pinagsasabi mo? H-hindi ah!" angal ko

"Kunyari ka pa eh kitang kita sayo kanina, natulala ka pa nga eh tapos nauutal pa HAHAHAHA" - Seby

"Alam mo epal ka" sabi ko at nag ayos na para makauwi na.

"Oh mauna na ako sayo Seby, bye"

"Owkay bye gurl"

Lumabas na ako at nagpaalam na sa iba ko pang kasama, di naman ganon kalayo ang tinutuluyan kong boarding house at hindi ganon ka traffic kaya nakauwi na agad ako bandang 12:30 am.

Living With 12 Dorks [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon