TULOY-TULOY sa pagtulo sa gilid ng mga mata ni Prince ang maiinit na luha. Nakahiga siya sa stretcher sa loob ng humahagibis na ambulansiya. Hawak ng medical staff ang cell phone niya habang nakatapat sa kanyang tainga.
Kani-kanina lang, paglabas ng building ay nakita agad ni Prince na may nagkakagulo sa isang sulok. May nabaril daw. Then something hit his body. Agad namula ang suot niyang polo. That was when he realized that he was hit by a bullet. Nasapo niya ang sugatang dibdib, hindi makapaniwala. His visions instantly became hazy. Sa nanlalabong mga mata, nakita pa niya nang bumulagta ang isa pang tao hindi kalayuan sa kanya. Pagkatapos, may kumislap na bagay sa itaas ng building. He realized that there was a sniper on the loose.
Kahit umiikot na ang paligid, pinilit ni Prince na makapagtago sa likod ng isang sementadong flower bed. The blood was flowing from his wound. Binabasa niyon ang polo at pantalon niya.
Prince knew he couldn't make it. He wouldn't make it. Nararamdaman niya. The bullet in his body was a like a poison shutting his system. Nanghihina na siya. He could see death in front him. At natakot siya. Sobrang natakot dahil maiiwan niya si Johna at mga mahal sa buhay. Kaya naman, kinuha niya ang cell phone mula sa bulsa at tinawagan ang asawa. He couldn't leave her without saying good-bye. He couldn't leave her without telling her how much he loved her.
Dumating agad ang ambulansiya. And maybe, the two medical staffs also knew that he wouldn't make it kaya hindi siya pinigilan ng mga ito na makipag-usap sa telepono.
Humugot ng hininga si Prince. It felt like it was his last. Nahihirapan na siyang magsalita. Parang umaangat sa ere ang katawan niya habang may kung anong napakabigat na dumadagan sa kanyang dibdib.
Johna, I'm sorry, love. I'm sorry I couldn't be there anymore...
"N-no," sambit ng asawa mula sa kabilang linya. Umiiyak ito at nanginginig ang boses dahil sa takot. "I—if you love me, you'll make it," pakiusap nito sa garalgal na boses. "I l-l-love y-you. I love you so much, Prince. I love you, a-as deep as the deepest sea. I love you with all my heart."
Oh, God... Lalong tumulo ang mga luha ni Prince. Nagsisikip ang dibdib niya dahil sa paghihirap ng babaeng pinakamamahal. Kung may magagawa lang siya para alisin ang takot at sakit na nararamdaman nito. Hindi niya sukat-akalain na sa ganoon hahantong ang kuwento nila ng asawa.
Napaubo si Prince at naghabol ng hininga. Lumalabas na ang dugo mula sa bibig niya. Napakabigat ng talukap ng kanyang mga mata, gustong-gusto nang pumikit. He knew that once he closed his eyes, it was his end... Kaya pinipilit pa niyang lumaban. Pinipilit pa niyang humiram ng kahit kaunting oras.
"W-with all my heart, l-love. U-until my last b-breath. Until my heart stops beating," sagot ni Prince. Unti-unti na siyang nilalamon ng kadiliman. Bumibigay na ang katawan niya. Nauubos na ang kakaunting hangin sa kanyang baga. His eyes were shutting down and he couldn't fight it. "T-tell Lia, I l-love her. T-tell M-Mom and Dad and Cess t-that I l-love them. J-Johna... I'm s-sorry i-if... i-if I will l-leave too... t-too soon," hirap na hirap niyang sabi.
I love you so much, my love. Until we meet again... Ang mukha ni Johna ang nasa isip ni Prince habang unti-unti nang nagpapatangay sa puwersang humihila sa kanya.
"P-please—" narinig pa niyang umiiyak na pakiusap ng asawa bago siya napahinga nang malalim. And then everything else had shut down.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...