Chapter 1

50 4 1
                                    

CHAPTER 1


PANAY ang pagkuha ng larawan ni Matthew gamit ang kaniyang DSLR Canon 500D habang nililibot ang kabuuan ng Nature's Sanctuary Hotel and Resort. Mukhang hindi siya nagkamali ng desisyong pumunta sa Davao. Mula nang tumapak ang mga paa niya sa lugar na iyon ay tila nagkaroon ng kapayapaan sa kaniyang sistema.

"Pwede ba? Kung wala kang matinong gagawin umalis ka na lang sa lugar na 'to! Panira ka ng mood eh."

"Aba ang yabang mo miss ah. Bakit sino ka ba? Pagmamay-ari mo ba 'to?!" 

Napalingon siya sa pinanggagalingan ng dalawang boses na nagtatalo. Hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya ay may isang lalaki at isang dalagang sa tingin niya ay kasing edad lamang niya ang  pinanggagalingan ng pagtatalo. Lumapit siya upang marining kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito.

Namaywang ang babae. "Bakit? Kailangan pa bang maging sa akin itong resort para igalang mo ang lugar na 'to ha manong? Nandiyan naman ang mga basurahan pero hindi niyo pa maitapon ng maayos ang kalat niyo! Tandaan niyo manong, hindi man ngayon, pero dadating din ang panahon na gagantihan kayo ng inang kalikasan sa mga ginagawa niyo!"

Kanya kanyang pagsang-ayon ang ginawa ng mga taong nasa paligid at nakikiusyoso din na tulad niya sa litanya ng babae. Mukhang epektibo naman iyon dahil nakita niyang namula sa pagkapahiya ang lalaki at padabog na umalis. Ngingisi ngisi naman ang dalaga at umakto ito na tila nagpagpag ng alikabok sa mga palad.

Napatulala na lamang siya dito at wala sa loob na kinuhanan ito ng litrato. Nakalimutan niyang tanggalin ang flush niyon kung kaya't napalingon ito sa kaniyang direksyon ng mapansin ang liwanag na nagmula sa kaniyang camera. Nangunot ang noo nito at lumapit sa kinatatayuan niya.

"Sinong may sabi sa'yong kuhanan mo ko?" Mataray na tanong nito.

Agad naman siyang umisip ng isasagot. Tumikhim siya. "Pasensya ka na Miss. Natuwa lang ako sa'yo. Tama naman ang lahat ng sinabi mo dun sa lalaki."

Sinuyod siya ng mapanuring tingin nito. Napatitig naman siya sa mga mata nitong may mapipilantik na pilikmata.

"Sumunod ka sa'kin." Isa iyong utos.

"Ha?"

She roll her eyes. "Bingi ka ba?"

"Ha? Ah.. eh.. oo--"

"Bingi ka nga??"

"Hindi ako bingi. What I mean is, oo sige susunod ako."

Muli ay binigyan siya ng mapanuring tingin nito, mabilis na tumalikod at naglakad. Sumunod naman siya.. Kahit nakatalikod ay halata ang kagandahan nito. Sumasayaw sa hangin ang alon-along buhok nito habang naglalakad sa ... sa ... teka nasaan na nga ba sila? Hindi naman siya pamilyar sa lugar na iyon.

"Nasan na tayo?", di mapigilang tanong niya.

"Butterfly Garden."Mabilis nitong sagot.

"Anong gagawin natin dito?"

"Kuhanan mo. Hindi ba't photographer ka?"

"Oo pero, naka bakasyon ako ngayon."

"Wala akong pakialam. Basta kunan mo. At ang gusto ko, ma-publish sa isang sikat na magazine ang iba't ibang tourist spots dito sa Davao. Lalong lalo na itong Nature's Santuary. It could be a good example para sa iba pa nating kababayang Pilipino para pangalagaan ang kalikasan."

Bahagya siyang ngumiti dito. Siguro environmentalist ang isang ito kung kaya't ganun na lamang ang pangangalaga nito kay mother earth. Ayawdin naman niyang makipagtalo dito kung kaya't sinunod na lamang niya ang sinabi nito.Tutal maganda naman talaga ang lugar na iyon. Tila isa iyong paraiso at may kasama pa siyang diwata?Teka, diwata nga ba ang isang ito o si wonder woman? Bukod sa maangas itong magsalita ay napansin niya na maipaparis sa kilos ng lalaki ang kilos nito't galaw. Tomboy yata ang isang 'to?

Umupo ito sa isang malaking bato na nagsilbing na ring upuan. Pumikit ito. Nakakita siya ng mga paruparong lumipad papalapit dito. Muli ay hindi na naman niya mapigilang mamangha sa ganda nito. Kinuhanan niya ito sabay ng pagmulat ng mga mata nito at tumingin sa kaniya ng matalim. Bumuntunghininga ito at tumayo.

The Story of My GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon