To be with you

121 4 3
                                    

Ako si Justin, 17 years old. Pangatlo sa apat na magkakapatid, ang bunso namin na si Jacob ay 2 years old pa lamang. Simple lang buhay namin namin, Hindi mayaman pero hindi rin naman mahirap. Nasusunod din ang gusto kung minsan dahil nasa ibang bansa ang tatay ko. Hindi kami close nang tatay ko, Mas gusto ko pang kasama si mama keysa sa kanya siguro ay dahil na rin sa palagi siyang wala sa tabi namin. Isang beses sa isang taon lang kasi siya kung umuwi kung minsan nga ay hindi pa. Maraming nagsasabi na mahirap daw para sa mag asawa ang magkalayo sa isat isa tulad nang mga magulang ko pero idol ko mga magulang ko kasi kahit ganun hindi nila nagagawang magloko tulad nang iba na may mga kalaguyo. Mahigit isang taon pa lang kami dito sa bahay naming inuupahan, wala pa kasi kaming sariling bahay pero ang sabi ni papa baka daw sa susunod na taon e makakabili na kami. sana nga. Sa tapat ng bahay namin ay may isang malaki at magandang bahay na walang nakatira. Mas gusto ko ito kaysa sa dito sa bahay. Ang sabi ay nasa ibang bansa daw ang may ari at wala nang balak pang bumalik pa dito sa pilipinas. pinapaupahan ito pero mahigit dalawang taon na daw walang nangungupahan. siguro ay mahal ang paupa nila. Isang araw may track na pumarada sa tapat ng bahay namin, May mga dala itong gamit pang bahay at inisa isang pinasok sa bahay na iyun. Mukhang my titira na. Matapos ilipat at ayusin ang mga gamit sa loob ng bahay na iyun kinaumagahan ay my kotse namang pumarada sa tapat nito, lulan nito ang dalawang babae na sa palagay ko ay mga katulong dahil sa suot nilang uniporme at isang matandang babae na puno ng alahas ang katawan. siguro ay nasa 50 o 60 taong gulang na ito ngunit nasa hubog pa rin ang katawan at maporma pa. kumbaga e my asim pa sabi nga nila. Walang expression sa mukha nito, Hindi ko malaman kung masungit ito o hindi. Natapos ang araw na iyun at wala nang iba pang dumating. siguro ay silang tatlo lang ang titira sa malaking bahay na iyun. Wish pa naman sana namin ng mga kaibigan ko e sana ay magandang babaeng tumira na pwedi kaibiganin o ligawan. Ngunit parang hindi matutupad ang wish namin, Tatlong araw na rin kasi ang nakalilipas pero wala namang magandang babaeng dumarating. Hanggang isang araw lulan ng taxi e may isang babaeng bumababa sa bahay na iyun, Maputi ito, matangkad, makinis, mapupula ang mga labi at mahaba ang napaka ganda nitong buhok. Para siyang model. May dala siyang isang malaking maleta at dali dali naman siyang sinalubong nang isa sa mga katulong sa bahay na iyun. Tinawag siya nitong "Maam Hannah". Hannah ang pangalan nang napaka gandang babaeng iyun.

Magmula nang dumating si Hannah e gabi gabi na kaming nakatambay ng mga kaibigan ko sa labas, umaasa na baka lumabas din siya at mapansin kami. Ngunit isang buwan na ang nakalipas wala namang magandang babaeng lumabas o dumungaw man lang sa amin. Hindi ito lumalabas nang bahay kaya pala ang puti niya. Hindi na rin kami umaasa na makikilala at mapalapit pa kay Hannah.  Biyernes noon, galing ako sa bahay ng kaibigan ko. umuwi ako sa bahay namin mga bandang alas tres na nang hapun. paglapit ko sa pinto ng bahay namin e my dalawang boses ng babae akong naririnig. yung isa ay kay mama at yung isa nama'y di ko kilala. Napakasweet ng boses nang isang babae. nagtatawanan sila. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko.. Si mama at si Hannah yung magandang babae sa kabilang bahay, Karga karga at nilalaro niya ang kapatid kong si Jacob. Hindi agad ako lumapit, Bumibilis ang pintig nang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Nang masulyapan ako ni mama ay tinawag niya ako ipinakilala kay Hannah. "Hannah, Ito pala yung isa kong anak si Justin, Siya yung sinasabi ko sayong wala pang girlfriend" Tumingin sakin si Hannah. Tinangnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya "Hello. Ang cute ng kapatid mo, Pwedi akin nalang siya? Wala kasing akong kapatid" Hindi ako nakapagsalita agad. Ang ganda kasi ng ngiti niya.. nakakainlove! at ang titig ng singkit niyang mga mata.. nakakatunaw! Tumango tango nalang ako at ngumiti sabay akyat sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. pagkakataon ko na iyun para makipagkaibigan kay Hannah pero bakit di ko magawa? maging titigan siya ay hirap na hirap ako. Ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae, Lahat naman kasi ng mga ex girlfriends ko ay hindi ko naman talaga sineryoso. pero iba si Hannah. Mukhang nalove at first sight na ako sa kanya. Makalipas ang 15 minuto ay bumaba na ako nang sala. si mama at si jacob nalang ang nandun. "Ma, Ano daw ang pangalan nun?" tanung ko kay mama. "Si Hannah? Hannah Sakabe ata iyun anak." Sagot nang mama ko. Dali dali akong bumalik sa kwarto ko, Kinuha ang laptop, Binuksang ko ang facebook ko at nisearch ang pangalang "Hannah Sakabe". Tama! Hannah sakabe nga ang pangalan niya. subrang tuwa ko noon. Halos tumalon talon pa ako sa kama ko. Agad ko siyang inadd as a friend. Mahigit dalawang oras din ako naghintay bago niya inaccept ang friend request ko. Tinangnan ko ang laman ng facebook niya. Madami siyang mga larawan at sa palagay ko'y masayahin siyang tao dahil sa mga nakakatawa niyang posts. Nilike ko halos lahat ng mga post niya. Hanggang sa kadulo dulohan ng wall niya at mga photo albums niya. Pakatapos ay nagmessege ako sa kanya "Hi" at agad naman siya nagreply ng "Hello".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To be with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon