Akeisha's POV
"Ano bang bibilhin mo?" Tanong ko kay Reign. [bastaaa! Samahan mo nalang ako!] sagot niya naman sa kabilang linya. "Hay nako ka talagaaa! Alas onse (11) na oh" reklamo ko sakanya. Eh pano ba naman?
Ginsising ako ng tawag niya. Mag papasama daw. Tapos alas onse na!
[basta! Kita tayo sa playground ng subdivision niyo] sbai niya naman.
"REIGN NAMAN—toot toot"
Bwiset! Binabaan ba daw ako? Hay nako talaga tong si Reign! Kahet kelan talaagaa!
Nag-bihis ako ng pantalon at nag hoodie nalang.Dinala ko ang cellphone at earphones ko at nag sneak palabas ng bahay. Malapit lang naman yung playground dito, kaya tinakbo ko lang.
"Ano ba kasi yang bibilhin mo? At nanggising kapa?!" Tanong ko kaagad sakanya. "Basta ngaa!" Sabi niya at hinila nalang ako.
Bago lang ako tumakbo tapos tatakbo nanaman? Hay buhay! Naka-suot din si Reign ng Hoodie tapos nakapantalon din.
Nakita kong tumigil kami sa isang sports gear store. Anong gagawin namin dito?
"Oy! Ba't tayo nandito? 'Di ka naman varsity ah?" Sabi ko sakanya. "Basta hali na kasi" sabi niya at hinila nanaman ako papasok. (Opx! Wag dirty minded!)
Pagkatapos ng walang hingahang hila. Ay pumasok na kami. Nagtungo kami sa mga shoes. And guess what? Panlalake.
"Anong ginagawa naten dito?" Tanong ko sakanya. May kuya kaya siya na bibigyan niya ng sapatos? Tss ewan.
"Uhm.. gusto ko sana na bilhan ng sapatos si Russel" at natawa siya ng nahihiya. What?! Ba't niya pa ako sinama?! Shems!
"Edi di mo nalang ako sinama! Wala naman akong maiitulong sayo eh" sabi ko naman. Na naka tingin sakanya ng confused.
"Makaka-tulong ka! Kasi basketball player naman dba si Zed at yung kuya mo? Edi alam mo kung anong gusto nilang mga sapatos" sabi niya na naka-ngiti.
Shit talaga! Nagdidistorbo ng tulog eh!
"Reign, hindi lagat ng lalake parehas ng taste ng sapatos! Tapos bakit mo pa bibigyan yon! Eh alam mo naman na rich kid yon! Save your money nalang okay?" Sabi ko at aalis na sana kaso hinila niya naman ako.
"Sge na kasi Keishaa! Ang damot mo naman eh. Hmp!" Sabi niya pa. "Sge na nga! Pero mga gusto lang to ni kuya at Zed na sapatos ah! Ewan ko kung magugustuhan eto ng baklang yun" sabi ko.
"May sinasabi ka?" Tanong niya.
"Wala! Di naman mabiro! Basta ililibre mo talaga ako ng Jollibee pagkatapos!" Sabi ko sakanya.
Tumango naman siya.
So ayun tinulungan ko siyang mamili. Kahit naman matalino to si Reign, rich kid den. Tingnan niyo.. 9,000 ang nagastos para lang sa CRUSH NIYANG BAKLA!
Eh pano kasi! Yung pinaka-mahal yung pinili niya pra special daw!
"Grabe ka gumastos!" Sabi ko naman sakanya. "Okay lang naman daw gumastos basta di umabot ng 20k a week." Tamo? Ritsked! HAHA
"Tss! Mag jo-jollibee pa tayo baka nalilimutan mo!" Paalala ko sakanya. "Di ko nalilimutan!" Sabi niya naman.
Naglakad lang kami patungo sa pinaka-malapit na Jollibee. Buti nalang talaga at 24/7 ang jollibee. 12 na ngayon eh. Midnight.
Si Reign na ang umorder.
Then nung nasa lamesa na ang order namin ay kumain na kami.
"Thanks Keish! Sa pagsama sakin" sabi niya kaya napalingon ako sakanya. "Any...time?" Tanong ko kaya natawa kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Falling For My Bestfriend
Fiksi RemajaTanggap ko na. Tanggap ko ng bestfriend mo lang talaga ako. Eh ano naman? Yun ang totoo eh. Wala akong magagawa. Ang magagawa ko lang ay maging masaya para sayo. Para sainyo