Tanch's PO'V
Umiinom ako ng tubig sa kusina ng biglang may nagdoorbell.
Sino kaya to? Tanong ko sa sarili at binuksan ang pinto. Nang maaninag ko ang mukha nya bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko, si Sarah? Si Sarah nga ba yan? Saglit akong napatitig sa kanya para makita ko kung sya nga talaga yon. Hindi naman nagkamali ang mata ko, si Sarah nga.
Sarah? Kailan kapa nakabalik? Akala koba nasa korea kapa?
"Hindi mo muna ba ako papapasukin? Ang init kaya dito." Pagsusungit nito.
Natawa naman ako sa kanya, ang cute nya talaga magsungit. Namiss ko tong babaeng to sobra.
Ayy sorry naman daw, bigla bigla ka kasing nagpapakita ea pagkatapos mong umalis ng walang paalam.
"Ayaw moba ako makita? O sigi aalis nako. Bye!"
Nang marinig ko yung sinabi nya. Biglang gumalaw ang katawan ko at niyakap sya. Maski ako nagulat sa ginawa ko, hinayaan ko lang ang sarili ko na yakapin ang nakatalikod na si sarah.
"A-ah tanch, oo hindi muna ako aalis, pwede kanang bumitaw sa pagkakayakap sakin..."
Bigla naman akong natauhan at napansing nakayakap nga pala ako kay Sarah. Agad ko namang binawi ang mga kamay ko sa pagkakayakap ko sa kanya. Nakakahiya ka tanch, alam kong namula ang pisngi ko sa sobrang hiya. Sana lang hindi mapansin ni sarah, nagpalusot naman ako at tinago ang mukha kong namumula dahil sa kahihiyan.
Ah, sorry. Namiss lang kase kita ea.
Nakita kong natawa si Sarah ng bahagya at alam kong dahil yon sa mukha ko, so napansin nya pala. Ano kaseng ginagawa mo tanchellie, nakakahiya ka. Sabi ko sa sarili.
"No. It's okay"
Inaya ko na sya na pumasok sa bahay para maiba ang usapan at hindi na nya titigan ang namumula kong pisngi. Agad ko naman pinaupo si Sarah sa sofa at nagpagawa narin ako ng juice kay ate may.
Kailan ka dumating? Tanong ko sa kanya para mabasag ang katahimikan namin..
"Kanina lang, inayos ko lang saglit yung gamit ko at nagpalit pagkatapos dumeretso nako dito. May binili kase akong gift para kay davi, sana matuwa sya sa binili ko."
Pinakita naman ni Sarah ang bitbit nyang pasalubong kay Davi. Isang spider man na toy, yun pa naman ang paboritong laruin ni Davi. Napangiti naman ako kay Sarah.
Sure ako nagugustuhan nya yan, thankyou nagabala kapa na bilhan ng gift si Davi..
"Namiss ko kase sya ea, kaya binilhan ko sya nito."
Ang sweet mo namang tita. Sabi ko sa kanya
Hindi ako nagkamali kung bakit gusto ka nya maging mamu. Pabulong na sabi ko..
"Ha? Ano uli yon? Hindi ko narinig.."
Ah wala sabi ko tatawagin kona si davi, I'm sure matutuwa yon pagnakita ka nya.
Ngumiti naman ito sakin. Yan tayo ea yang mga ngiting yan ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Haynakoo hindi kona talaga alam. Bulong ko sa sarili ko. Tinawag ko naman agad si Davi.
Davi, Davi. Baby baba ka muna dito saglit may bisita kapo... malambing na sabi ko
Agad naman itong bumaba. Nakita nya agad kung sino ang bisita nya, hindi ako nagkamali kase wala ng paglagyan ang saya ni davi ng makita nya si sarah at yumakap agad siya dito.
Tita Sarah, imissyouu. Balak kapo namin puntahan kanina but mommy told me that your out of the country..
Masaya ko lang silang pinapanood, para silang mag ina na hindi nagkita ng ilang taon. Kitang kita ko kung gano kasaya si davi nung nakita nya si Sarah at ganon din si Sarah. Sa kalagitnaan ng panonood ko bigla ay may bigla namang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Unconditional love
Hayran KurguGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...