Chapter Two: Becoming Independent

30 2 0
                                    

       Ilang minuto lang ang nakalipas, nakarating na agad kami sa tapat ng apartment. Ito ang isa sa mga apartment na nagustuhan ko dahil na rin sa kakilala ni Manong Fred ang may-ari. Ibinaba ni Manong Fred ang isang maleta at isang suitcase na naglalaman ng mga damit at mga importanteng gamit ko. Ngayon kasi ang araw ng paglipat ko sa apartment na ito. At kahapon naman ang huling araw ng pagtira ako sa bahay. Nakabili na rin kami ng mga kakailanganin kong gamit noong nakaraang Sabado at kahapon naman sila nag-ayos sa paglilipatan ko. Gusto ko kasing humiwalay muna sa kanila. For once, gusto kong ako ang sumuporta ng sarili kong pangangailangan. I don't like depending on them. Kasi at the end of the day, ang sarili ko lang naman ang mayroon ako and that has to be enough.


       Malayo rin ang siyudad kung saan kami nakatira rito sa eskuwelahan kaya mas mapapadali kung magrerenta ako. Tamang tama lang ang nahanap kong lugar na paglilipatan dahil malapit lang ito sa university. Sabi ni Yaya Gina, bibisita naman daw sila rito tuwing Linggo para kamustahin ako. Hindi ko na hiningi pa ang approval ni dad dahil alam kong magdadalawang isip pa siya sa kagustuhan ko. Alam ko namang wala na siyang magagawa dahil nandito na ako. Ang stepmother ko, si Tita Amanda, wala naman siyang pakialam. Well, mas okay dahil walang hahadlang sa desisyon ko.

       After Yaya Gina and Manong Fred left, pumasok na ako sa loob dala ang mga gamit ko. I looked around at maganda naman ang loob. Lumapit ako sa nagbabantay nang mamukhaan ko ito.

       "Hello po, Ma'am! Good afternoon po! Kayo po ba si Mrs. Josephine Lacambra?" tanong ko sa nakayukong ginang. Mayroon pang nakalagay na pangkulot ang buhok niya at daster pa ang suot nito. Sa tingin ko'y nasa singkuwenta pataas na ang edad niya.

       Nang marinig niya ang pangalang binanggit ko ay tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo.

       "Oo, ako nga. Ikaw ba ang bago kong boarder? Ang kolehiyalang taga Nueva Vicenzo?" tanong niya habang nakataas ang kanang kilay.

       "Opo, ako nga ho."

       Tiningnan naman niya ang mga dala kong gamit at muling ibinalik ang tingin sa mukha ko.

       "Hmm, pasalamat ka, baguhan ka pa lang. Matuto kang alamin ang mga bawal at puwede rito. Got it?" mataray nitong sabi.

       Tumango lang ako bilang tugon. Nakakatakot na magsalita baka kung ano pa ang masabi kong maging dahilan para mapalayas ako rito.

       Umalis siya sa harapan ko at iniwan akong nakatayo. Malaki at maganda pala ang loob ng apartment. Halos isang daan yata ang mga kuwarto rito. May mga estudiyante rin akong nakikita na sa tingin ko'y mga kolehiyo na rin. Ilang sandali pa'y bumalik sa harapan ko si Mrs. Lacambra.

       "Ano pang tinitingin tingin mo r'yan? Follow me. Apartment ito, hindi museo. Got it?" ayan na naman ang mataray niyang pananalita at ang pagtaas ng kaniyang kilay. Kung si Anna Manalastas ay may iconic line na 'Kuha Mo?', itong si Mrs. Lacambra naman ay 'Got It?'. Magkapatid yata sila, e.

       Napatigil ako sa pagsunod nang huminto na si Mrs. Lacambra sa paglalakad. Nakarating kami sa tapat ng isang kuwartong may numerong 077. Sa palagay ko ay ito na ang kuwarto ko.

 
     "Oh, heto ang susi. Alam mo na siguro kung magkano ang renta buwan buwan? Wala ka nang katanungan?" maarteng tanong ni Mrs. Lacambra.

       Kinuha ko ang susi mula sa kaniyang palad. Napaisip ako ngunit hindi pa ako sigurado. Sa pagkakaalam ko ay sampung libo ang renta kada isang buwan. Kasabay na doon ang kuryente at tubig.

 
     "Sampung libo ho sa isang buwan. Tama po ba?" tanong ko bilang paninigurado.

 
     "Anong sampu? Labinlimang libo hija," sambit niyang nakapamewang pa.

The Sound Of RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon