First and Last

43 1 0
                                    

‘Hay ang gwapo niya talaga’ bulong ko sa sarili ko habang nakatitig ako sa profile picture ng pinakamamahal ko na si Kevin sa facebook.

Naalala ko nung una ko siyang nakita sa bahay ng kaibigan ko na si Yna. Pinsan ni Yna si Kevin at kila Yna rin ako nakitira dahil sa papasok narin siya sa School kung saan kami nagaaral. Meron kaming Buisness Plan na ginagawa dahil isa siyang business management student, tinulungan niya kami kung paano kami magkakaroon ng kita. Sobrang saya ko ng mga panahon na yun dahil talagang hirap na hirap na kami. Sobrang humanga ako sa kanya kasi bukod sa kisig na, matalino pa!

Nung una like ko lang talaga si Kevin pero habang tumataggal, palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya. Pero isang araw, nagising na lang ako at hinihiling sa sarili ko na sana, hindi na lang ako basta ngitian ni Kevin. Sana maisipan niya ng kausapin ako.

Sana mapansin niya ko.

Pero para akong sinaksak nung nalaman ko galing kay Yna, kamakaylan lang daw ay parang nagkakamabutihan na daw si Mika at si Kevin.

Sikat sa University namin si Mika. Paano ba naman, maganda na matalino na, mayaman pa! Ano naman ang binatbat ko doon di ba? Walang wala ang beauty ko! tyaka madalas pa akong pagkamalang tomboy ng mga kaklase ko kasi bukod sa panlalaki na ang name ko, boyish pa ako kumilos.

Pero hindi ko naman kasalanan kung Jaden ang naisipang ipangalan ng mga magulang ko? tsaka kasalanan ko bang ganito talaga ako kumilos na parang si-siga-siga? Kahit naman ganito ako kumilos alam ko meron paring cute side sa sarili ko eh.

 Pero ano nga bang laban ng cute side ko sa gorgeous personality ni Mika?! Wala! As in walang walang wala.

Hay.

Kinuha ko yung cellphone ko para itext si Yna at maglabas ng saloobin. Pag ganito kasing na de-depress ako, siya lang ang sinasabihan ko ng mga hinanakit.

“Yna, tinititigan ko ngayon yung picture ng gwapo mong pinsan! Hay ang gwapo talaga niya” text ko sa kanya.

Maya-maya lang din, nag reply na si kambal

“sinong pinsan ko?” tanong ni reply niya saakin

“sino pa edi si Kevin!” sagot naman ko naman sa kanya. After ko mai-send yun, hindi na ulit nag reply si Yna. Malamang eh busy makipag chat ngayon yan sa boyfriend niya.

Buti pa siya may love life! Eh ako kaya? Hay, nakaka depress. T__T

Biglang nag vibrate ang phone ko at nakita ko namang nag reply si Yna

“ah, baka matunaw yan! Hehehe” sagot ni Yna sa text ko.

“busy ka?” tanong ko sa kanya

hindi naman masyado. Bakit?” – Yna

“wala lang. Uy alam mo ba nakakita ako ng picture ni Kevin at ni Mika na magkasama!” – ako

“selos ka no?” – Yna

“laking ganda naman kasi ni Mika! Bagay na bagay sila” - ako

“eh bagay din naman kayo ni Kevin ah? cute ka naman at magaling kumanta” – Yna

“kelan ka pa natutong mambola ha? Pero wala lang, nakakapang selos lang. Hehehehe :’)” - Ako

MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon