CHAPTER 10

374 18 2
                                    

Enjoy reading po! ❤️❤️❤️
==================


CHAPTER 10

Wala na silang makitang bukas na milk tea parlor kaya sa isang fastfood na lang sila napunta. Tutal ay may milk tea rin naman doon.

Enjoy na enjoy niya ang pag-inom. Matagal na rin kasi ng huli siyang makapag milk tea. Ito naman ay tahimik lang na naka upo sa katapat niyang upuan. Classic ang kinuha nito samantalang siya ay Wintermelon naman. Sinamahan pa nila iyon ng big mac.

Habang ngumunguya ay muli niyang pinaglaruan ang laylayan ng t-shirt nito na suot niya sa ilalim ng lamesa. Napaka komportable niyon sa balat. Amoy na amoy pa niya ang mabangong pabango nito. Feeling niya ay kumapit na nga iyon sa katawan niya.

Nang may pumasok sa isip, ay walang pakundangang tinanong niya ito matapos uminom ng milk tea.

"Ikaw? Kamusta ang pamilya mo? May mga kapatid ka ba?"

Mula sa pagtingin sa mga nagdadaang mga sasakyan sa labas ay humarap ito sa kanya.

"Nagiisang anak lang din ako. Actually I'm a menopausal baby. May edad na kasi ang mama ng ipagbuntis niya ako. But I do have a cousin. Anak siya ng bunsong kapatid ni papa. Mas nauna kasi si Tito na magkapamilya. He's a year older than me. Kaya kahit papano ay may nakalakihan akong Kuya."

Napatango tango siya. Siya kasi ay mas matanda sa mga pinsan niya kaya siya ang tumatayong Ate. Naipagpasalamat niya na kahit papaano ay kasundo niya ang mga ito kahit hindi maganda ang relasyon niya sa kanyang tiyahin.

Nagkwento naman ito. Pulos nakakatawa ang kwento nito kaya napagaan talaga ang pakiramdam niya. Minsan ay may mga kinukwento itong mga kalokohan nilang magpinsan na hindi niya mapigilan ang pagtawa. Tingin niya ay sinadya nito iyon para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Lumobo naman ang puso niya sa galak. Nadagdagan tuloy ang pogi points nito sa kanya.

Mabuti na lang at wala ng masyadong taong kumakain doon kaya nakakapag ingay sila. Ang totoo niyan ay wala na nga siyang pakialam sa paligid nila. Narito lang ang pansin niya.

Sa dami nilang pinagkwentuhan ay hindi na nila namalayan ang oras. Nakita na lamang niya sa wrist watch nito ang oras nang tumunog iyon. Alas dose na pala ng hatinggabi. Maaga pa siyang papasok bukas. Tiyak niyang ganoon din ito.

Napatingin siya dito ng tumikhim ito. Seryoso ang mukha.

"Ihahatid na kita. I insist. No more arguments this time."

Hindi na siya nakasagot pa. Hindi na nga binigyan pa ng pagkakataon para tumanggi. Bago pa sila umalis ay bumili muna ito ng isang buong meal para sa kanya. Pinigilan pa niya ito dahil ito na nga ang bumili ng mga kinain nila kanina. Pero binanggit lang muli nito na hindi siya pwedeng makipag argumento. Baon daw niya mamaya para sa agahan.

Paglabas nila ay muli siyang pinagbuksan nito ng pinto. Napaka gentleman talaga nito. Ngayon lang niya naranasan iyon kaya nakakataba ng puso.

Nilagay naman nito sa back seat ang mga pinamili. Nang makaupo ito ng maayos ay nilingon siya nito. Ang mga kamay ay nakarelax na nakapatong sa manibela.

"Where to?"

"Balik tayo ng subdivision. Malapit lang ako roon."

Tumango ito at nagmaneho na. Nang madaanan nila ang gate ay hindi na niya pinapasok ito sa subdivision at pinaderetso na ito hanggang makatawid sila sa kabilang panig ng tulay.

Hanggang sa marating nila ang isa sa mga street doon na nasa bungad lang ng tulay. Pinapasok niya ito doon at nang matapat ito sa isang eskinita ay pinahinto na niya ito.

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon