"Teka, anong nangyayari?"
I need to come up with a plan kung gusto kong makapasok sa event. Tsk, I should have known na mahigpit ang security nila dahil panay VIP ang a-attend.
Nilabas ko ang cellphone ko at pinuwesto ito sa tapat ng tenga kong may earpiece para hindi mahalata na nage-espiya lang ako dito sa hotel habang kinakausap ko sila Air.
"May pinapakita silang invitation sa reception desk," sagot ko kay Air habang naglalakad ako papalayo papunta sa mas secluded na area ng lobby. "Hindi ako makakapasok nang walang invitation."
"Shet," sabi ni Air sa kabilang linya. "As in wala nang ibang access point 'yung event?"
"Parang ganoon na nga." Naisip ko na lumabas muna ako ng hotel para hanapin ang kotse ni Dim habang nag-iisip ako ng paraan kung paano makakapasok sa loob. "P'Dim, asan ka? Sunduin mo ako sa front entrance ng hotel."
"Teka, iikot lang ako at one-way ang mga daan ngayon sa palibot ng hotel. Antay ka lang diyan, Wat."
Nagsimula akong maglakad palabas ng lobby hanggang sa may nakabunggo akong lalaki. Tinatagan ko na lang ang katawan ko para hindi ako mapaikot nang dahil sa banggaan naming dalawa.
Hindi na rin ako nag-atubili pang lumingon sa kanya para humingi ng tawad dahil baka makatawag pa kami ng atensyon kapag binungangaan pa niya ako. Ayoko namang malaman ng ibang tao na hindi talaga ako invited sa event nila.
Nakipagsiksikan pa ako sa mga tao malapit sa lobby entrance, nag-iingat na hindi ako mapansin ng ibang mga bisita. Pagkalabas ko ng hotel ay pumuwesto ako malapit sa isang lamppost habang nag-aabang para kay Dim.
Ilang saglit pa'y nakita ko na ang kulay black na sasakyan ni Dim. Pumarada siya sa harapan ko at binuksan ko na ang pinto para umupo sa harapan katabi niya.
"So anong Plan B mo?" mapang-asar na tanong ni Dim sa akin.
"Air, may carpark ba 'tong hotel?" tanong ko kay Air sa radyo ni Dim. "O baka naman may separate na parking space para sa mga guests ng event?"
"Teka." Narinig kong may tina-type si Air sa kanyang laptop. "Yup, meron ngang parking space sa hotel basement."
"Pero may nakita rin akong parking space kanina," dagdag ni Dim. "Mga two blocks away lang ang layo. So saan tayo?"
"Air, paki-load naman sa screen 'yung daan papunta sa carpark..." pakiusap ko sa kanya.
"Sure thing."
Pagka-load ng virtual map sa radio screen ni Dim ay pinaandar na niya ang kotse at sumunod sa sinasabing daan ng navigation system. Lumiko kami sa corner at nagpatuloy sa pagbiyahe hanggang sa nasa back entrance na kami ng hotel. Pumila kami kasabay ng ilan pang mga sasakyan papasok ng parking.
"Tanda mo pa ba 'yung itsura ng truck na ginagamit niyo sa transpo ng catering service niyo?" tanong ko kay Dim.
"Oo naman," sagot niya. "Nandito pa nga sa akin 'yung spare key eh. Bakit?"
"Tanda ka pa ba ng mga empleyado mo?"
"Siguro."
"Anong kalimitang attire nila sa mga ganitong event?"
"White long sleeves tsaka black na vest."
Hinubad ko ang suit na suot ko at nilagay ito sa likuran ng kotse.
"Sa tingin mo ba may spare vest sila sa truck niyo?"
Dim looked at me questioningly, waiting for me to tell him my plan. It took him a while before he realized what I was about to do. But when he did, he shook his head and smiled.
BINABASA MO ANG
Outlaws (BrightWin)
FanfictionSi Bright Vachirawit Chivaaree ay ang anak ng pinakatanyag na private investigator sa bansa. Sa murang edad ay lumaki na siya sa mundong puno ng misteryo at krimen. Naging apprentice siya ng kanyang ama pagkatapos niyang grumaduate ng high school ha...