One

10 0 0
                                    

Mess' POV

"Nakakain pa kaya ng maayos yan?"

"Baka nga di na nakakakita yan dahil sa haba ng bangs nya. We don't know baka may kasama syang di natin nakikita tapos yun ang guide nya."

"Ang creepy naman nun."

"Nagsasalamin pa sya tapos natatabunan lang pala ng buhok ang mukha nya."

"She looks so lousy. Hahaha. Poor her."

Iilan lang yan sa mga naririnig ko pagkalapag ko ng pagkain ko sa lamesa dito cafeteria. Di ko nalang sila pinansin dahil lagi naman nilang sinasabi yun sa tuwing nakikita nila ako. May iba na nasisiyahan kapag ginaganun ako at may iba namang walang pakealam.

Nung una ay medyo affected ako dahil inasahan ko na pagtungtong ko ng college ay magkakaroon ako ng kabarkadang sinasabi nila, pero lumipas na ang ilang taon ay nandito pa rin ako, mag-isa. Nakasanayan ko naman din na mag-isa. Mas tahimik ang buhay ko di tulad ng iba.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng paborito kong ulam na piniritong hipon. Pinabaunan kasi ako lagi ni Nanay Milag kaya drinks nalang ang binibili ko dito sa cafeteria. Minsan nga sinisita pa ako ng ibang estudyante kung bakit dun pa rin ako kumakain sa cafeteria gayong may baon naman akong pagkain. Pero di ko na pinansin yun, di naman ako sinisita ng mga nagtatrabaho dito.

Tsaka dito ko nalang kasi nasisilayan ng matagal ang matagal ko ng hinahangaan— si Loki Vester Oliveros. Nandun sila sa reserved seat nila dito sa cafeteria. As usual, kasama nya naman ang mga kabarkada nya. Bale pito silang magkakabarkada, kasama nya sina Mikee at Luhan na kateam mate nya sa football team ng school namin. Team captain sya dun since sya naman ang pinakamagaling na manlalaro sa grupo nila. No doubt dahil nasaksihan ko naman kung paano nya taobin ang mga nakakalaban nilang ibang school. Kasama nya din sina Lawrence at Buzzley na kapwa nya kaklase sa kursong Engineering. Mas madalas nyang kasama ang dalawa dahil kaklase nya to. Bukod pa dun ay magkababata sila at magkaibigan na sila simula't sapul. Kumbaga, sila ang original na magkakaibigan tapos nadadagan lang sila. Pang anim sa grupo nila ay si Martina na girlfriend ni Mikee. Sya ang cheerleader ng cheering squad namin dito sa school. Maganda, matangkad, maputi, matalino, at galing sa kilalang pamilya. Halos lahat naman sila ay galing sa kilalang pamilya. May share nga sa school na to ang pamilya nila kaya malaking respeto ang nakukuha nila sa mga tao dito sa school. Mapa-principal man o mapa-estudyante. And last but not the least ay si Venus na sya namang presidente ng student council. Halos nasa kanya na ang lahat. Maganda, sexy, at babaeng babae kung kumilos. Sa tingin ko nga ay may lihim syang pagtingin kay Loki pero dahil dakilang choosy ang taong hinahangaan namin kaya waley lang din.

Sa tuwing naiisip ko yun ay bigla akong pinanghihinaan ng loob dahil si Venus nga na almost perfect ay di nya pinagtutuunan ng pansin. Take note, magkababata rin sila. Magkaibigan din kasi ang both parents nila.

Kaya asa na lang talaga ako na mapansin ng isang kagaya nyang nasa taas.

Patapos na akong kumain nung marinig ko ang halakhak nya na sumasakop sa buong cafeteria kaya natuon ang pansin ng karamihan sa kanya. Ang gwapo nya talagang tignan. Nakakahumaling na mga mata, matangos na ilong, makakapal na kilay, at manipis na labi. Dagdag pa ang prominente nyang panga na lalong nakakadepina ng pagiging lalaki nya. Broad shoulder, malalaking biceps and triceps, at kahit di ko na itaas ang t-shirt nya ay expected na may abs syang nakapaloob ng t-shirt nya ngayon. Aish ano ba tong pinag-iisip ko? Basta isa syang lalaking well-built and handsome.

Inubos ko nalang ang pagkain ko at tinigil na muna ang pagtitig kay Loki. Napatingin ako sa wrist watch ko and I still have 30 minutes to prepare for the next subject.

Nag-aayos pa ako ng baunan ko ng biglang may lumapit sa akin kaya napaangat ako ng tingin. Ganun na lamang ang panlalamig ng buong katawan ko ng makaharap ang pinakakinakatakutan dito sa school. Si Gabriel Banzon. Ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko ngayon.

Messing with MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon